Chapter 4: A house that full of quarrelChae's POV
Sa wakas nakarating na kami dito sa Korea. Pumunta na agad kami sa bahay namin kasi pagod kami sa biyahe wala na kaming energy para mag shopping pa bukas nalang ako gagala.
Maganda naman yung bahay, malaki, malawak, dalawa yung kuwarto, malawak din sala, kumpleto na lahat dito sa bahay kaya di na kami namili ng mga gamit.
Kumain na ako kasi meron namang pagkain dito sa ref tapos umakyat na ako sa taas para mag half bath. Pagkatapos kong mag half bath ay pahiga na sana ako ng may biglang kumatok.
"Knock Knock" (hoy sound effect yan hindi yan yung kanta ng Twice😂)
"Walang yelo dito, pwede ka na pong umalis matutulog na ako" sigaw ko sa kanya
"Hoy! Buksan mo 'to hindi naman ako namimili ah. Buksan mo 'to" sigaw niya din
"Eto na, ano ba kasing problema mo?!" tanong ko habang nakunot yung kilay ko
"Bakit mo ako inubusan ng pagkain?!" pasigaw niyang tanong
"Ha? Eh malay ko ba kung kakain ka pa!" sabi ko sa kanya
Naubos ko nga pala yung pagkain. Aba! Nakakapagod kayang mag biyahe ng malayo tapos nakakagutom pa.
Antagal kaya nya sa taas akala ko di na siya bababa. Kaya inubos ko na yung pagkain pero hindi naman masyadong marami yung foods. Kaya walang natira😜"Ano bang gusto mong gawin ko?!" sigaw ko sa kanya
"Ipagluto mo ako, tutal asawa naman kita eh, diba wifey.." pagpapa cute niyang sabi
"Anong wifey ka jan, gusto bang banatan kita jan ha?!" sigaw ko sa kanya
"Bakit totoo naman ah..mag asawa naman tayo kaya ipagluto mo na lang ako" sabi niya
"Oo na, tigilan mo na yung pagtawag mo ng wifey" sabi ko
"Kamsa wifey" nakangiti niyang sabi.
Yayakapin niya sana ako pero mabilis akong nakailag at tumakbo na sa kusina. Alam ko namang binobola lang niya ako para ipagluto ko siya.
Nakaupo lang siya sa mesa habang pinapanood akong magluto. Pagkatapos kong magluto ay umakyat na ako sa taas para makapagpahinga na ako.
Nagising ako dahil sa ingay. Kinakalabog kasi ng halimaw ay ni Ace pala, yung pinto ko.
Magpapaluto lang naman pwede naman kasi siya yung magluto ng sarili niyang pagkain.
Nagluto na ako tapos kumain na kami nag away pa kami kung sino yung magliligpit ng pinagkainan...
YOU ARE READING
My Playboy Husband (ChaeMin Fanfic)
FanficMy Playboy Husband Park JiMin and Park ChaeYoung (Chaemin/JiRosé Fanfic) Story ng isang babaeng ipinakasal sa lalaking pinakaiinisan niya