1👽Strange

18 1 0
                                    

Deaney's POV

KAMUSTArigato! Oh? Gulat kayo no? Yes nakaligtas ako sa isang napakasamang peligro,joke! Dahil buhay ako magpalakilala muna ako,I'm Deaney Geneutral. Dahil kilala niyo na ako,le me continue.

Lakad lang ako ng lakad,kung ilalarawan. Mausok,matao,maingay,magulo,matataas-ang kilay,matatatatata basta! Yun na yun.

Pinagtitinginan tuloy ako ng mga tao,tung mga taong toh parang ngayon lang nakakita ng tao,hindi ba sila nananalamin?

Habang naglalakad ako nahagip ng mata ko ang isang mataas at malaking estraktura ng building, maraming mga tao ang pumapasok at labas doon. Dahil sa kuryosidad nakisabay nalang ako papasok.

Pagpasok ko palang ramdam mo na agad ang lamig, ngayon ko lang napagtanto na wala pala akong saplot sa paa,tiningnan ko naman ang paa ng mga tao, lahat naman sila may sap-saaap,ano nga tawag nila dun? Soplatos? Sap-saplatos! Tama! Galeng.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang hinahanap ang nagtitinda ng mga sapatos. Pumasok agad ako ng makita ko na ito.

Pagpasok ko ang daming saplatos dito,binasa ko naman ang naka sulat sa taas shoes section,ito na siguro yun,kinuha ko lang yung una kong nakita, black na may halong puti, sinuot ko naman ito at sakto! Lumabas naman ako pagkatapos ko itong soutin, nang may sumigaw.

"Excuse me maam!"

Tuloy pa rin ako sa paglalakad dahil hindi naman ako si maam. Nang may biglang humawak sa akin.

"Hoo! Maam hindi niyo pa po nababayaran yang sapatos!"

"Bayad?"

"Opo maam,hali ka po ituturo ko sa inyo yung cashier"

Tumango lang ako. Nagsimula na siyang maglakad kaya sinundan ko nalang siya. Nagtaka naman ako bigla.

"Ahm,manong?"

"Yes maam?"

"Aheheh,hindi po ako si maam Gene nalang po. Atsaka akala ko ba ITUTURO niyo,bakit niyo po ako hinahatid?" Baka akala niya hindi ako marunong sumunod sa direksyon?

"Ah,hehe,baka po kasi mawala kayo, mukhang bago pa po kasi kayo dito eh."

Nagkibit balikat nalang ako, wala eh hirap kausap ng mga tao. Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad hanggang sa huminto kami.

"Dito na po ang cashier"

"Salamat"

Ano naman kayang gagawin ko dito,tatayo lang ganun? Nakita ko naman ang mga taong pumipila kaya nakipila na rin ako. Sabi kasi ni brader ko ang mga tao daw ay sabay sa uso, malay ko bang uso palang pumila.

Palapit ako ng palapit sa babang may tinitipa sa keyboard, at may lumalabas na mga numero. Tiningnan ko naman yung nasa harapan ko, pinaglalagay niya yung mga saplatos na hawak niya. Kinuha naman yun ng cashier at itinapat sa may umiilaw na pula at tumunog naman yun parang tiit ganun. Galeng.

Pagkatapos ay may binigay ang babae sa cashier na papel na may mukha. Kinuha naman yun ng cashier at nilagay sa bumukas na box, tinignan ko ang laman at-madami naman siyang ganun ah!? Bakit pa siya humihingi?

Natapos na ang babae kaya inilagay naman ito sa plastic bag. Ako na ang susunod.

"Maam,anu po satin? Wala ba kayong babayaran?"

"Bayad?"

"Opo maam,may binili po ba kayo o bibili pa lang?" Obviously tanong nya.

"May kinuha lang. Ito oh saplatos"
Sabi ko saka inikot ikot ang paa ko. Sumilip naman yung cashier.

"Ah,yan nga maam,may price tag pa po eh. Akin na po muna para ma punch ko na po."
Bakit naman niya susuntukin? Baliw ba sya? Kahit saplatos hindi palalagpasin. Grabe binubugbug pala nila ang mga saplatos. Hinubad ko nalang at binigay, kesa naman ako pa yung ma punch ni cashier.

"Maam 1,500 pesos po lahat"

"Oh tapos?"

"Bayad po"

"Bayad?"

Nagulat nalang ako ng may sumabat na boses lalaki.

"Ako na magbabayad miss, mukhang wala ito sa bukid nila eh." Mayabang na saad niya. Abah! Ni hindi pa nga ako nakapunta sa bundok eh! Ipatapon ko siya sa black hole eh.

Tiningnan ko naman sya ng masama. Aba! di porket mukha siyang tao na gwapo eh,ganun nalang!?

"Oh? Anong tingin tingin mo dyan? Alis nagmamadali ako. Tsk!"
Sabi niya sabay tulak.

"Maka tulak to,kilala ba ko neto?"
Sabi ko ng pabulong.

Umalis muna ako sa pila para maka bayad na siya.

"Hoy, taong gwapo,salamat."
Lumingon nman siya sa akin. Kaya nagsalita ako agad.

"Honest lang talaga akong tao,kaya wag kang kiligin dyan."

Hindi ko na siya hinintay na magsalita at lumabas na sa shop. Palabas na ako at hindi naman ako nagulat ng bigla nalang bumukas yung glass wall dahil marami namang ganun sa mundo namin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang tuluyan na akong makalabas.

"Saan na ko pupunta ngayun?"

Haaaay!!! NAMAN OH! ANG GALENG! ARGH!

--

👀👉👽

EXTRATERRESTRIAL Where stories live. Discover now