Deaney's POV
*gasp! *
"Tita! " kase naman eh, sinong hindi magugulat kung pagbukas mo ng pinto eh bubungad kaagad sayo ang mukha ng tita mong naka face mask na black!. Gosh.
Tumawa lang siya at pumasok sa kwarto. Sinarado ko muna ang pinto bago lumapit kay tita.
Nakaupo siya ngayon sa kama ko nang nakangiti, para ngang mapupunit yung labi niya eh. Nahagip ng mga mata ko ang isang folder na may makapal na laman. Itinaas naman niya iyon sabay sabing.
"You need education. So I'll send this papers to the school para ma-enroll ka na and—matutong mag english." Napanganga ako sa sinabi ni tita. SCHOOL!? gosh! Di ko kailangan yun!
"Tita!? No way, ayokong mag aral!" Sabay napapadyak. Kase naman eh marunong kaya akong mag english at nakakaintindi naman ako ah!?
Tumaas naman yung kilay ni tita saka nag crossed arms. Oh diba!? Sabi ko sa inyo eh marunong akong mag english!
"Oh sige nga, ano yung no way?" Tanong niya na naka crossed arms parin.
Taas noo naman akong sumagot sa kanya.
"Walang daan." Yeah I know I'm great.
"Literal? " ulit? Si tita yata ang kailangan mag aral eh, siya tong tanong ng tanong. Pagbigyan na nga.
Hmm..literal..liter..all..aha!
"Litro...lahat! Kulang lang yun ng isa pang L ang literal. Oh? Ano? Magtatanong ka pa? Tita?" Sagot ko sabay ngiti ng maganda kay tita.
Automatic namang dumikit yung palad ni tita sa kanyang noo. And that's what you call a MAGNETIC FOREHEAD. Nasobrahan si tita sa gadgets. Or sabihin na nating nasobrahan sa talino.
"Whether you like it or not, you must liked it."
Parang may choice naman yung beauty ko. Pag bumili ba ako ng lady's choice mayonnaise eh may choice na ako? Hmm wala pa rin akong choice hindi pa naman ako lady eh teen pa lang ako.Nag-usap pa kami ni tita tungkol sa school saka siya nagpaalam para matulog na, maaga pa daw kami bukas eh. Kailangan na daw niyang mag beauty rest. Rest lang walang beauty.
So natulog na rin kase nga may beauty ako kaya kailangan ng rest.
———
Umaga na nang magising ako, obviously Hindi ako kwagago para magising sa gabi tsaka hindi rin malaki ang mata ko.
Bumaba na ako sa kama at naghilamos saglit. Bumaba na rin ako para kumain ng pagkaing tao. Pagkatapos kong kumain ay umakyat ulit ako para maligo.
Pagkatapos kong maligo ay nag roba muna ako habang kinakalkal yung shopping bags na binili ni tita sa akin kahapon.
Pinili ko lang yung t-shirt na may naka print na ALIEN. Magpapantalon sana ako ang kaso lahat yun may PUNIT! kaloka, kaya naman yung black na high waist skirt nalang yung sinout ko. Yun lang kasi ang walang punit eh.
Pagkatapos ko ay kinuha ko na yung bag ko at bumaba na. Nakita ko agad si tita sa sala saka ako inayang sumakay na sa kotse.
Habang nagbabyahe ay may bigla akong naalala.
"Tita sa susunod na bibili ka ng pantalon na para sa akin, e-check mo muna kung may sira ba o wala bago mo bilhin. Sayang sa pera eh."
"Bakit? May sira ba sa mga bago mong pantalon?" Tumango naman ako.
"Sobrang laki po ng sira mga halos lahat nga po eh."
"Bakit mo naman nasabing sira? Eh lahat ng yun ayos naman ah?" Tanong ni tita na nakakunot ang noo. Napakamot namn ako ng ulo at ngumuso.
"Kase naman tita~ punit lahat yun eh. Kung bibili ka sa susunod wag yung ganon. Para akong pulubi non eh." Sabi ko ng naka simangot.
Bigla namang tumawa ng malakas si tita pati yung driver natawa na rin. Agad namang sinuway ni tita yung driver.
"Aish,wag ka ngang tumawa baka mabangga tayo eh! Alam mo namang nawawala yang mata mo pag tumatawa ka!" Sabi ni tita sa driver. Tumahimik na yung driver.
Saka ako binalingan ni tita ng tingin.
"Pfft!—yun ba? Hahahahah! Tawag dun style, kaya punit kase trending yun ngayon! Hay nakong bata ka talaga naman oh!" Hindi pa rin matigil ang tawa ni tita. Napakamot nalang ako ng ulo at tumahimik na.
Malayo pa lang ay kita ko na yung paaralan na papasukan ko. Airam University.
Pinark ni manong yung sasakyan saka kami bumaba. Ayoko sanang bumaba kase andameng tao, wree~ kinikilabutan talaga ako sa mga tao.
Habang naglalakad ay dikit lang ako lage ky tita mahirap na baka mawala na naman ako eh sa laki nitong school.
Mga to ka gigil makatingin wagas! 'Hoi! Wag nyo akong tingnan masyado kayong halata na mga ignorante.hhhmmmp! Parang ngayon lang nakakita ng dyosa, sabagay.' Syempre sa utak ko lang yun.
Sa wakas! Pumasom kami ni tita sa silid ng punong guro. Tas nag usap lang sila ng konte mga isang oras lang naman, nahiya nga yung oras sa chikahan nila, eh kanina pa naman tapos akong ma enroll.
Pagkatapos nilang mag chika ay iniwan na ako ni tita sa principal na maghahatid sa akin sa room ko. Papasundo lang daw ako ni tita mamayang uwian.
Habang naglalakad ay konti nalang yung mga tao. Siguro nag evaporate na sila. Tiningnan ko naman ang langit, hindi naman siguro uulan ng mga tao..wree~ creepy.
Tumigil yung principal sa paglalakad kaya tumigil rin ako. Alangan namang makipag bunggoan ako. Ano ako toro?
"Dito na ang room mo ms. Geneutral. I'll go ahead, marami pa akong aasikasuhin." Saka naglakad paalis.
Ede thank you! Nahiya naman ako mukhang naabala kita eh.tss.
Hindi na ako huminga ng malalim hindi naman ako marunong lumangoy, kaya kumatok nalang ako.
Pagbukas—napalunok ako ng laway..holy
———
👀👉👽
YOU ARE READING
EXTRATERRESTRIAL
HumorA clumsy creature na napadpad sa planet earth o sabihin na nating pinadala para sa isang misyon, kung ano iyon? pag-iisipan ko muna. She's here to observe and to warn people about the destiny of their race.