2👽What Now!?

13 0 0
                                    

Deaney's POV

GABI na at pagod na rin ako sa kakalakad, umupo muna ako sa isang bench malapit sa park. Marami rami rin ang mga taong naglalakad.

*sigh!*

Tumingala ako sa langit nagbabakasakaling may makita akong flying saucer. Tsk! Langya,kung kailan nasira ang sinasakyan kong flying saucer saka naman nawala yung signal sa space,kaya hindi ako makakahingi ng tulong. Ano na ang gagawin ko ngayon!? Medyo malamig na kase gabi na at nasa labas ako.

Tumayo ako nang may nahulog na papel. Kinuha ko namam ito at binuksan.

Youngsville
14 St.
B-10 L-5

Find:Reshel Cosmo

Alam ko ng sakin to halata naman na galing sa bulsa ko dahil lukot lukot na ito. Saan naman to? Matanong ko nga yung mga tao para may silbe naman sila.

"Excuse po,itatanong ko lang po sana kung saan po ang lugar na to?" Tanong ko saka pinakita sa kanya ang hawak kong papel.

"Ah,malapit lang yan dito! Sumakay ka lng ng jeep na may nakalagay na youngsville at ihihinto ka nito sa isang kanto tas magbasa basa kalang may makikita kang karatulang 'Youngsville' yun na yun." yun lang yung sinabe nya. Matalino naman ako kaya natandaan ko lahat ng sinabi niya. Nagpasalamat nalang ako sa kanya at nag paalam na.

Naghintay ako ng JEEP daw,psh. Youngsville....youngsville......ayun! Kumaway kaway naman ako para ipaalam sa nagmamaneho na sasakay ako. Huminto naman ito sa harap ko.

Pagkaupo ko palang ay kalahati lang ng pwet ko ang naka upo,ang sikip. Umandar naman ito at pahinto hinto pa ito dahil may mga ilan na bumababa kaya lumuwag luwag na. Napakunot naman ang noo ko ng may mag abot da akin ng bilog na silvers and gold.

"Ah,salamat nalang po."
Sabi ko.

"Dzai! Wag kang asyumeng! Hindi ko to ibibigay sayo. Paki abut lang hah?"okay. Inabot ko naman yung bayad ni ate tsaka pinaabot sa nagmamaneho. Para ma inform kayo nasa likod ako ng nagmamaneho, kaya halos ako na yung nag aabot ng mga bayad nila.

"Manong, malapit na po ba tayo sa Youngsville?"
Tanong ko.

"Oo, hanggang dito nalang po tayo maam."

"Ah, manong ito lang po meron ako eh."
Tsaka pinakita yung bilog na silver. Pinulot ko kanina dun sa may fountain, marami kasing naghahagis ng pilak na bilog tas may papikit pikit pa silang nalalaman. Abno. Lur! Kaya ayon pinalusong ko ang mga kamay ko sa tubig at swerte namang may nakuha ako.

"Ganun ba,ah sge sge okay lang total gabi na naman at kailangan ko nang umuwi. Ingat nalang po maam." Chaaar! Ambaet ni koya.

"Naku! Maraming salamat po talaga manong!"
Masayang sabi ko.

Bumaba na ako ng jeep saka ako nagpalinga linga. Nakita ko naman ang sign na may nakalagay na Youngsville. Siguro walang matatanda dyan. Well hindi ko malalalaman kung hindi ko papasukin. Pagpasok ko ay binati ako ng mukhang guard ay—hindi lang mukha pati kasoutan. Binati ko naman siya pabalik.

Lahat ng bahay dito ay malalaki parang mga palasyo o mansyon. Hinanap ko na ang—weyt,ano nga yun?. Weyt lang...ah! B-10 L-5.yeh.
Lakad tingin lang ang ginawa ko hanggang sa nakita ko na ang hinahanap ko. Nag doorbell agad ako, hindi naman ako taong bukid para hindi alam ang ginagawa ko mas hi tech lang kase masyado sa mundo namin. Mas alam ko yung mga technologies dito sa mundo ng mga tao,ang iba lang.

May nag bukas naman ng gate at bumugad sa akin ang medyo mid-40s na babae. Nakasuot ito ng pang maid.

"Magandang gabi binibini,ano pong kailangan niyo?" Mahinahong tanong ng matanda.

"Magandang gabi din po. Dito po ba nakatira si Reshel Cosmo?"

"Ah! Ikaw ba si Deaney? Naku pasok ka iha, kanina ka pa nya hinihintay." Nagpasalamat naman ako sa matanda at pumasok.

Malaki,may fountain sa gitna. May garden. May mga sasakyan. May pinto kung saan ako papasok sa loob. Pag pasok ko ay pina upo ako ng matanda at nag pahanda ng juice.

"Tatawagin ko lang po si maam "
Tumango lang ako sa kanyang sinabi.

Umalis naman ito kaagad. Ba't hindi nalang siya sumigaw? Tatawagin lang pala eh. Lur! Dumating yung nag timpla ng juice at nilagay niya sa mesa tsaka umalis pagkatapos kong magpasalamat. Lur! May manners din ako noh!

"Deaney!!! Kamusta naman ang pamangkin kong may petmalu na kagandahan!?" Kahit kailan ang ingay talaga ni tita kaya ayoko dito eh.

"Okay lang po tita hehe."

"I already know what happened to you. So dahil sa sira ang iyong flying saucer dito ka muna pansamantala." Haaay! Bakit ba kasi yun yung ginamit ko eh hindi naman ako marunong gumamit nun.

"Dean! Tumawag ang daddy mo!"
Sigaw ni tita habang tumatakbong papunta sa akin. Inabot ko naman ang phone at sinagot.

"Dad!? Dad!  Magpadala ka po ng fc gusto ko na pong umuwi! WaaH!! Sorey na po kung tumakas ako!" Pagmamakaawa ko.

"Palagi ka nalang ganyan Deaney! Hindi ka na nadala!" Galit ma sigaw ni daddy. Ngunit bigla nalang ngumisi si dad na parang may binabalak. Lur! "Maaari ka lang makauwi KUNG! sa isang kondisyon . " desperada na talaga akong maka uwi. Hindi ako sanay sa environment ng mga tao atsaka hindi fresh ang hangin masyong polluted!

"Kahit ano dad! Basta lang makauwi ako!"

"Observe and warn the people of thier race. This is in order that you may share in the great awakening." Yun lang ang sinabi ni dad tska in-end ang call.

"Ooooh" sinamaan ko agad si tita ng tingin. Nag peace sign namn sya,tsk! Nangaasar pa eh.

——

👀👉👽

EXTRATERRESTRIAL Where stories live. Discover now