Deaney's POV
*kriiiiiing!*
Naalimputangan ako dahil sa kakaibang tunog. Nagpalinga-linga,hinahanap ko yung bagay na tumutunog.
*kriiiing!*
"Aaaaah!!! Titaaa!!'
Dali dali akong umalis sa kama saka nagtatakbong lumabas ng kwarto."Deaney,anong nangyayari!?"
Yan agad agad ang tanong ni tita ng makita niya akong nagtatakbo sabay hawak sa magkabila kong balikat."Waaaah! Tita hindi ko rin alam ang nangyayari tita,nagising nalang ako ng may tumutunog na masakit sa tenga!" Malapit na talaga akong maiyak! Okay lang na maiyak ako tutal maganda naman ako.
Naglakad kami ni tita papunta sa kwarto. Pagpasok namin dun ay wala na yung kakaibang tunog. Inilibot ni tita ang kanyang mga mata habang ako naman ay na sa likod ni tita.
"Wala namang akong naririnig ah?"
Umalis ako sa likod ni tita at hinanap ang bagay na tumutunog. Nang biglang.....*kriiiing!!!*
"Aaaaahhh!!!!" Kumaripas agad ako ng takbo, hindi ko na tiningnan ang daanan ko dahil nag panic na agad ako.
*BLAG!*
"A-a-aaaw." Nabigkas ko nalang habang nakadikit pa rin ako sa pader at dahan-dahan napadaosdos pababa. Nakatihaya ako sa sahig ng tanungin ako ni tita.
"Omy, okay ka lang pamangks?" Mukha ba akong okay tita!? Sabi ko sa isip. Huhuhu ang sakit kaya ng mukha ko ,paano nalang? Baka hindi na ako makilala ni daddy,kuya,mommy,lola,lolo-okay para mas madali. Baka hindi na ako makilala ng family ko!(echo).Tinulungan muna ako ni tita patayo at pina upo ako sa upuan.
"Yaya! Kunan mo ko ng icebag." Yumuko muna ang maid saka umalis. Hindi pa rin ako nagsasalita,parang nalunok ko na yata ang dila ko eh.
Bumalik naman agad ang maid saka binigay kay tita yung icebag. Nagpasalamat naman si tita at dinikit yung icebag sa mukha ko.
"Iha. Para ma inform ka ,alarm clock yung tumunog kanina! Kaloka ka akala ko na kung ano eh!" Grabe! Ang sakit sa tenga. Kung makasigaw naman to si tita akala mo naman ang layo namin sa isa't-isa.
"Tita naman! Ang sakit na nga ng mukha ko,pati ba naman tenga ko papasakitin mo? " sabi ko. Pabirong hinampas naman ako ni tita habang tumatawa.
"Oh sya,maghanda ka aalis tayo. I-to-tour kita sa lugar na to." lumapit bahagya si tita sa tenga ko saka bumulong. "Para naman hindi ka magmukhang ignorante. See ya pamanks!" Saka umalis ng may nakakalokong ngisi sa labi. Napanguso nalang ako sa sinabi ni tita.
--
Tapos na along magbihis kaya bumaba na ako ng hagdanan. Hinintay ko muna si tita tsaka kami umalis, mabilis lang naman kaming nakarating sa pupuntahan namin sa tulong ng makinaryang sinakyan namin. Yeah,alam ko kung anong tawag dito noh! CAR! ito sa pagkakaalam ko.
Bumaba na kami ni tita sa sasakyan, tumabi nama agad si tita sa akin. Sabay sabing..
"SELFIE!!" Saka pinag dikit ang dalawang hintuturo nito.
*Chak!* (tunog po ng camera yan)
"Ano pong ginagawa niyo tita?" Tanong ko,hindi ko naman kase alam ang pinang-gagaea ni tita eh.
"Pamangks,ang tawag dito ay finger heart sign." Aah. Aba malay ko ba sa finger na yan.
Inangkla ni tita yung kamay niya sa braso saka ako hinila papasok sa... Matanong nga si tita
"Tita saan tayo?" Habang naglalakad. Nilinga linga ko ang paningin ko sa paligid.
"Centrio Ayala Mall"
Hinila ulit ako ni tita,nagpatianod nalang din ako dahil hindi ko pa masyadong kabisado ang lugar ng mga tao. Pumasok kami ni tita sa mga botique, maraming mga magagandang damit na binili si tita para sa akin pati na rin sa kanya. Pero mas marami ang sa akin,wala pa kase akong matinong damit at para naman mabagay din ako sa mga tao noh!"Tita~" lumingon naman si tita nang tawagin ki sya. Napasimangot ako sabay hawak sa tyan para dagdag paawa effect.
"Ay! Bongga! Buti pinaalala mo,dali may alam akong masarap na kainan." At ulit,hinila naman ako ni tita. Huminto naman siya bigla.
"TADAAAAH!~" JOLLIBEE. galeng kulay pula tsaka—
"Tita anong klaseng nilalang po yan?" Tanong ko bigla,eh kase naman hindi sya mukhang tao eh. Malaki ang mata,pisngi at bibig.
"Bubuyog. Tara na nagutom ako bigla ah." Pumasok na kami ni tita at naghanap ng mauupuan,alangan namang tumayo lang kami magdamag eh saan nalang mapupunta yung pagkain na lulunukin namin? Sa binti?
Nung makahanap na kami ay iniwan muna ako ni tita,mag-oorder muna siya.
Habang nakaupo nilibang ko muna ang aking sarili sa pamamagitan ng pagtingin-tingin sa paligid. Maganda naman pala ang mundo ng mga tao, malaki rin.
Nahagip ng mga mata ko ang mga grupo ng mga kabataan na nagchi-chikahan tas may itinaas yung babae na cellphone. Sabay sabing.
"SELFIE! " *CHACK! * IBA iba pa sila ng posing.
Selfie? Ano naman kaya yun? Matanong nga si tita mamaya. Mayamaya pa ay nakabalik na si tita dala-dala ang parang red tas may number.
Pagkaupo ni tita ay inilagay niya yung red na may number sa table. Kinuha ko iyon at inispeksyon. Hmm—matigas,mahaba,tsaka malapad—flat, tas may number 4 na nakalagay.
"Tita,para saan po 'to?" Habang iwinawagayway sa mukha ni tita yung red na may number. Hinablot ni tita yung red na may number kase ang lapit masyado sa mukha niya.
"Ito? Ito ay table number para sa mga customer na umu-order dito sa fast food chain na ito. "
"Bakit naman po?"
"Para alam nila kung saang banda ang um-order na customer, para hindi ma bigay sa iba."
"Ahhh." Okay! Madali naman akong kausap.
Maya-maya pa ay may lumapit sa aming taong lalaki.
"Table 4 here's your order ma'am."
Tsaka inilagay isa-isa ang mga in-order na pagkain kuno ni tita. Hmm bango.Kumain na kami ni tita kase nga diba kanina pa kami gutom.
---
"Saan naman tayo ngayon tita?" Nandito kamu sa—hindi—ko masyadong kilalang lugar. Pero lugar pa rin ng mga tao. Parang pamilyar ang daan."Ay grave sha! Dito tayo nanggaling kanina noh! Dito yung bahay ko duh!?" Saka ko lang napansin na papasok na pala kami sa subdivision ng youngsville!! Pagkaparada ng kotse ay mumaba na ako.
Pumasok na muna ako sa kwarto ko para makapag-linis ng katawan. Pagkatapos kong magbihis, may kumatok sa pinto. Pagbukas ko...
*gasp! *
——
👀👉👽
YOU ARE READING
EXTRATERRESTRIAL
HumorA clumsy creature na napadpad sa planet earth o sabihin na nating pinadala para sa isang misyon, kung ano iyon? pag-iisipan ko muna. She's here to observe and to warn people about the destiny of their race.