Date Started: October 09, 2017
Darkness' Heart: COPYRIGHT ⓒ SweetSacrificeANGEL
All rights reserved 2017{
Habang lalong lumalalim ang gabi'y patuloy parin ang malakas na pagbuhos ng ulan na na may kasamang pagkulog at pagkidlat. "Ahhh!" Sigaw ng batang si Madeline ng magising mula sa kalagitnaan ng kanyang pagtulog, kinusot niya ang kanyang mga mata at ng kanyang makitang napakadilim ng paligid ay dali-dali niyang binuksan ang fluorescent lamp ngunit walang kuryenteng dumadaloy. Binuksan niya ang drawer at kinuha duon ang isang lampara't sinindihan sabay nagsimulang naglakad palabas ng kanyang silid.Kinatok niya ang silid ng kanyang mga magulang at ng walang sumagot ay binuksan niya ang pinto. "Mama Papa." Sabi nito habang dahan dahang naglalakad papalapit sa higaan pagkatapos ay lumabas din ng makitang wala sila doon at paglabas niya ng silid ay umalingawngaw ang pamilyar na tinig ng isang babaeng tila tinanggalan ng buhay. "Mama?" Pag-aalalang sambit nito at dalidaling bumaba sa hagdan.
"Mama, Papa? Nasan kayo? Natatakot ako." Naluluhang saad nito habang nilalakad ang madilim na parte ng kanilang bahay. Nararamdaman niya na tila maysumusunod sa kanyang diniya makita. "Ahhh!" Sigaw niya ng biglang bumukas ang bintana dahil sa malakas na hangin at namatay ang ilaw na taglay ng lampara.
"Mama, Papa." Hagulgol nito. Dahil sa liwanag na dala ng kidlat ay may naaninag syang nakahiga sa sahig at dahan-dahan siyang lumapit sa kinaroroonan ng kanyang nakita. "Ano ito?" Pagtataka nito ng makaramdam ng malagkit na likido sa kanyang paa. Nung una'y nahihirapan siyang makilala kung sino ang nakahiga ngunit biglang kumidlat at mula sa kanyang kinatatayuan ay nanlaki ang kanyang mata at bigla syang napa-upo sa sahig. "Ma-mama? Pa-papa?" Nau-utal nitong saad ng masilayan niya ang nakahandusay at duguan niyang mga magulang.
"Munting Anghel gusto mo ba malaman kung paano ko sila pinatay?" Isang mapanlokong tanong ngunit nakakabighaning tinig ng isang lalaki ang nag mula sa kanyang likuran at sa kanyang paglingon upang alamin kung sino ito'y wala pang isang segundo ay tumagos sa kanyang likuran ang braso ng lalaki na tuluyang nabalutan ng dugo at nagawa siya nitong mai-angat sa ere.
Bago mawalan ng buhay si Madeline ay nasilayan niya ang isang nilalang sa kanyang harapan na may pulang mata, matangos na ilong, mapulang labi, ang maputi't makinis nitong balat ay nadudungisan ng dugo na kay gandang pagmasdan sa kanya at kasabay nito'y isang mapanlokong ngiti ang kanyang pinakawalan pagkatapos ay walang awang inihagis nito ang katawan sa sahig habang hawak ng lalaki sa kanyang kamay ang kulay puting usok at kinain ito.
Habang dinidilaan ang kanyang brasong punong-puno ng dugo ng kanyang huling biktima ay masisilayan ang masasabi mong perpekto nitong hubog ng katawan dahil sa liwanag na dala ng pagkidlat. Agad namang nabaling ang atensyon nito sa batang nakahandusay.
"Gustong gusto ko ang reaksyong ng mukha mo ng dukutin ko mula sa iyong dibdib ang iyong puso at ang iyong kaluluwa." Saad nitong nakangit habang dahan-dahang naglalakad. "Gusto ko ang lasa ng dugo mo at ang kaluluwa mo'y talagang napaka tamis." Pagpapatuloy nito at bahagyang dinilaan ang kanyang labi.
Itinapat niya ang kanyang palad sa kanyang dibdib at kasabay nito'y may pulang liwanag ang lumabas galing dito. Nang makarating sa kinaroroonan ng bangkay ay inilagay niya ang pulang liwanag sa butas na dibdib nito. "Bibigyan kita ng buhay at ikaw ang magiging reyna ko." Kasabay ng pagpatak ng ulan, malakas na pagkulog at pagkidlat ay ang pagdilat ng kanyang mga mata.
}The places, scene, incident and the characters are originally created by mind and the picture(s) or video(s) are not mine.
Credits to google and pinterest.I hope you like it till the end guys!
BINABASA MO ANG
Darkness' Heart {On-Hold}
FantasyAng simpleng highschool girl na nagngangalang Natalie Xanderson ay makikisalamuha sa mga kings and sooner or later will be the Queen who will rule the underground or maybe the world. Matatanggap niya ba ang maging Reyna kung malalaman niya ang lahat...