Ang simpleng highschool girl na nagngangalang Natalie Xanderson ay makikisalamuha sa mga kings and sooner or later will be the Queen who will rule the underground or maybe the world. Matatanggap niya ba ang maging Reyna kung malalaman niya ang lahat...
*Someone's Point of View "Malapit na ang kabilugan ng buwan." Mahinang sambit ng binata sa hangin habang pinagmamasdan ang kalangitan. "Eeeh? Naalala mo parin ba ang pakiramdam ng iyong ginawa? Marahil ay hindi." Nakangiting sambit ng binatang may kulay dilaw na buhok ngunit hindi manlang siya pinansin nito.
"Ehhh? Di mo manlang ako pinansin? Nakakainsulto. Pero alam mo bang andami mong pinatay noon." Pagpapatuloy nito. "Ang ingay mo. Manahimik ka kung ayaw mong tapusin ko ang buhay mo." Seryosong saad ng binatang nakaupo sa isang sulok.
"Haha tinatakot mo baako?" Sabi ng binatang may dilaw na buhok at nanlaki ang kanyang mata ng may mabilis at matulis na bagay ang dumaan sa kanyang harapan at bahagyang nasugatan ang makinis nitong pisngi.
"Sa susunod ay sa dibdib mona yan tatama." Saad ng isang lalaking naglalakad papasok sa silid habang nakapamulsa. "Hindi yan ang dapat nating pagtuunan ng pansin kundi ang ating dapat gawin." Dagdag nito.
"Kailangan natin siyang mahanap sa madaling panahon bago paman ang nalalapit na pagsapit ng full moon." Singit ng isang binatilyong tahimik na nagbabasa. "Dahil kung hindi ay baka maunahan niya tayo." Pagpapatuloy nito't naging seryoso ang kanilang pagmumukha.
*Natalie's Point of View Second day na ng foundation day at ang akala ko naman ay magiging masaya itong matatapos kaso maaga ng nagbakasyon ang tatlo. Si Xelene umuwi ng province nila dahil kaarawan ng kanyang Lola at nais siyang makita. Si Danica naman ay tinulungan ang kanyang Mama na patakbuhin ang mini Pastry shop nila at si Mei tinamad na samantalang ako andito. Sayang baon eh. Sambit ko sa isipan ko at napabuntong hininga dahil para naakong halamang lanta. Nasa rooftop ako mag-isa pinagmamasdan lang ang mga pangyayari sa baba.
Habang bagot na bagot akong nakatayo'y bigla nalamang akong nagulat ng may parang kung anong malakas na pwersang tumulak sa akin mula sa likuran. "Tulong." Mahina kong sambit sa hangin sabay ang pagpikit nalamang ang aking nagawa ngunit bago paman ako tuluyang mahulog ay naramdaman kong may humila ng kanyang kamay. Nang pagdilat ko'y may nakayakap sakin. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil nakadikit ako sa kanyang dibdib at naririnig ko ang pagtibok ng kanyang puso, naramdaman ko rin ang panandaliang .
"Ayos kalang ba?" Tanong nito ng may malamig na boses. Labis na takot ang naramdaman ko ng mga sadaling iyon, dahil sa pangyayari ay napahagulgol ako't niyakap ng mahigpit ang lalaking nagligtas ng aking buhay. Napansin ko rin ang maraming black feather na nakakalat sa paligid. Kukay itim ito ngunit may iba ring kulay na makikita kapag ito ay nasinagan ng liwanag.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Credit: Pinterest Ito po yung itsura nung feather.
"Salamat." Saad ko habang pinupunasan ang mga luha ko at ng iniangat ko ang aking mukha para tignan kung sino iyon ay laking gulat ko ng makita ko yung lalaki kahapon kaya bahagya ko syang natulak at nagulat siya sa ginawa ko pati din ako. "Si-siguro tinulak moko para masilipan ulit ako no!?" Nauutal kong sambit.