Darkness' Heart 3: Drake Usares

20 0 0
                                    

*Kyle's Point of View
Naalala niya parin kaya ako? Pagtatanong ko sa sarili habang sinusundan ang dalagang nag-iisang naglalakad at kumakain ng Strawberry Ice cream. Eh yung pangako ko sa kanya? Bahagya akong huminto sa paglalakad at hinampas ang noo ko ng aking palad.


"Ano bang iniisip ko? Kailangan ko munang tapusin ang ipinunta ko dito sa mundo saka ko sya kukunin at gagawing Reyna ko." Sambit ko sa hangin at napabuntong hininga sabay umalis na't pumunta sa bandang parke ng school. Nang makarating ako'y umupo at sumandal sa isa sa mga puno doon. Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang simoy ng hangin, naririnig ko rin ang kanilang pagdampi sa mga dahon upang ito'y pasayawin.


 Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang simoy ng hangin, naririnig ko rin ang kanilang pagdampi sa mga dahon upang ito'y pasayawin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.





Isang gabing may malakas na buhos ng ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat. "Tulong! Tulong! Mama!" Sigaw ng batang duguan na tumatakbo habang siya'y hinahabol ng naglalakihang wolves. "Wag ka ng tumakbo pa! Nagsasayang ka lamang ng iyong lakas." Sigaw nung kulay itim na aso. "Hayaan mo na rin kaming kainin ang iyong puso. Pangkong maghahati-hati kami."


Nakita kong biglang nadapa ang bata ng dahil sa ugat na nakaangat sa lupa at kasabay nun ang pagtalon ng mga aso papunta sakanya. Napapikit nalamang ang bata at hinihintay nalang muling pagtatapos ng kanyang buhay. Mula sa kinatatayuan ko'y naglakad ako patungo sa kinaroroonan nila.


Itinapat ko ang aking palad sa lupa at hinawi pataas. "Ayos kalang ba?" Banggit ko at bahagya niyang iminulat ang kanyang mga mata. "Ayos kana wag kang mag-alala." Saad ko ng nakangiti. Ang mga mata ng batang to'y walang kulay. Siguro ay sya ang may kakagawan.


Napansin kong natatakot parin siya ngunit hindi mo ito mahahalata dahil ang lamig ng kanyang titig. Itinapat ko ang aking palad saking dibdib at inilagay sa kanyang kanang mata ang kulay brown na liwanag. Kumurap sya ng ilang beses at ng tignan niya ako'y bahagya syang ngumiti.


Inilahad ko ang aking kamay upang alalayan siya tumayo ngunit bigla siyang napayakap sakin dahil sa nakita niya na tila ang mga lupa ay umangat at nagmistulang karayom dahil sa tulis nito. Sa bandang itaas ay makikita ang mga lobong wala ng buhay at kanilang dugo'y dahan dahang gumagapang pababa.


"Sa-salamat po." Bigla niyang sambit at ibinalik ko ang atensyon ko sakany sabay tinignan ko sya ng nakangiti sabay bahagya akong lumuhod at hinimas ang kanyang ulo gamit ang aking kanang kamay na nababalitan ng color brown na aura. "Wag kang mag-alala dikana mapapahamak pa. Pangako ko yan." Sambit ko sabay nawalan sya ng buhay. "Nais ko sanang paglaki mo'y papayag kang maging reyna ko" nakangiti kong sambit. Sana nga ay maalala niya ako kahit na binura ko ang kanyang mga ala-ala.


*Natalie's Point of View
"Ano bayan diparin pala makakapasok yung tatlo." Saad ko at nagbuntong hininga. Habang naglalakad papasok sa school ay napagpasyahan kong wag na muna sa rooftop pumunta kasi baka andun nanaman yung manyak na yun atsaka baka isipin niyang nagugustuhan ko yung pag-angat-angat niya sa palda ko.


Darkness' Heart {On-Hold}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon