Darkness' Heart 7: Natalie's been Kidnapped

12 0 0
                                    

*Natalie's Point of View
"Drake kelan mo ba ako i-uuwi!?" Pasigaw kong saad sa kanya habang sinusundan siya sa paglalakad papunta sa Garden. "Drake nakikinig kaba sakin? Kelangan ko na umuwi." Pero hindi parin niya ako pinapakinggan at patuloy lang sa paglalakad ng nakapamulsa. Apat na araw na ako dito ang ngayon lang ako nakalibot sa paligid ng bahay na ito. "Te-teka!" Nilingon niya ako at nakatingin doon sa kamay ko kung saan nakahawak sa braso niya.


"Two weeks ang foundation day ng paaralan ninyo." Cold niyang sambit sabay tuloy ulit sa paglalakad. "Drake naman one week nalang pasukan na at marami pa akong aasikasu... Aray" Napahawak ako sa ulo ko dahil nabunggo ako sa likuran niya kasi huminto siya. "Tsk." Narinig kong saad niya. Bahagya kong sinilip ang mukha niya na nakatitig sa isang lugar habang magkasalubong yung kilay niya at ng lingunin ko kung sino tinitignan niya ay nakita ko si Kyle na naka-upo sa mahabang puting lamesa na gawa sa metal habang siya ay seryosong nakatitig sa kinatatayuan namin. Sa nakikita ko'y twelve na tao ang kakasya sa lamesang ito.


Nagpatuloy lang sa paglalakad si Drake at ng makarating na ay umupo siya sa dulo kung saan sa kabilang dulo naka-upo si Kyle na nakangiti saakin at bahagyang tinapik ang katabi niyang upuan kaya naglakad naako patungo doon. "Natalie." Napatigil ako sa paglalakad dahil tinawag niya ako at ng lingunin ko siya ay bahagya niyang hinigop yung tsaang may lamang kape. "Dito ka sa tabi ko." Dugtong niya at ng lingunin ko si Kyle ay tumungo nalang ito sabay nginitian ako at nagseryoso na ng mukha. Ano bang problema ng lalaking to? Saad ko saking isipan habang naglalakad papunta kay Drake na nakatitig sakin.


Nang maka-upo naako sa tabi niya ay biglang nagsitaasan ang balahibo ko ng makaramdam ako ng paghinga saaking leeg at ng lingunin ko yun ay tumambad sakin ang malapit na mukha ni Luke na may malapad na ngiti. Agad naman akong umiwas at yumuko dahil tingin ko'y bahagyang nag-init ang aking mukha. "Totoo palang ang cute mo kaya di nakakapagtaka kung bakit dalawa ang nagkakagusto sayo." Natatawa niyang saad sabay upo sa bandang gitnang upuan ng lamesa at sa tingin ko'y mas lalo pang nag-init ang aking mukha dahil sa sinabi niya.


"Baka maging tatlo dahil dadagdag ako." Saad niya habang kinakamot ang ulo at nagpatuloy sa pagtawa. "Waaah!" Sigaw niya dahil yung plato niyang may pagkain ay nabalutan ng kulay itim at yung paanan ng upuan niya ay nababalutan ng lupa na tila inilayo siya nito sa lamesa. "Drake at Kyle di naman kayo mabiro." Nakangiti nitong saad at ng tignan ko yung dalawa na sabay pang uminom ng tsaa na sabay pang nagkibit balikat ay napakamot nalang ako ng ulo.


Sumunod namang dumating ay si Nathan na may dalang libro at tahimik na umupo sa bakanteng upuan napansin ko naman si Luke na umangat sa ere na parang hangin at lumipat ng upuan bandang gitna. Tinititigan ko lang silang tatlong kumain. Si Drake at Kyle seryoso samantalang si Luke ay nakangiti na parang sira-ulo. "Kumain kana." Saad ni Drake kaya napabalik ako saking pag-iisip at nagsimula naring kumain. Habang nasa kalagitnaan ng pagkain ay natanaw ko ang masungit na si Jackson na palapit at mas nakaagaw saking attention kung sino ang nakakapit sa kanyang braso.


"Da-Danica?" Kunot noo kong bulong sa hangin. Nakita ko namang nginitian niya ako at bago siya umupo sa tabi ni Jackson ay lumapit ito sakin at hinalikan ako sa kanang pisnge. Diko parin maiwasang hindi tignan si Danica dahil nung unang araw ng foundation ay muntik pang masagasahan to ni Jackson at ngayon ay parang may namamagitan sa kanila. Ay ewan! Atsaka akala ko ba tinutulungan niya Mama niya?


Bigla akong nanumbalik saking pag-iisip ng maramdaman kong may humawak saking kamay. "Ayos kalang ba?" Tumungo lang ako sabay ngiti ng pilit at nagpatuloy na sa pagkain. "Naramdaman niyo ba ang presence niya kagabi?" Panimula ni Nathan na ikinabasag ng katahimikan kaya ang lahat ng attention ay nasa kanya. "Oo." Maikling tugon ni Jackson na ikinuyom ang kamao at hinawakan naman ito ni Danica upang marelax ito. "Eeeh? Mukhang nagbabalik ang dati nating kaibigan? Mukhang exciting." Nakangiting saad ni Luke habang nakatitig sa kanyang plato.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Darkness' Heart {On-Hold}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon