Isang mahinang katok sa pinto
ang kusang binubuksan ng aking puso
sa isang silid lagi na ay nagsasalo
ng isang walang hanggang pagsuyo
Akin ang bawat mong gabi
maging ang bawat halik ng iyong labi
di magkamayaw… di mapakali
sinusulit ang ikaw sa aking tabi
Makakatulog ng magkayakap
nalalasap ang bawat mong hatid na sarap
ang tulad ko’y walang ibang pinangarap
kungdi ang maging akin ka ng ganap
Subalit isang tunog, ang sa atin ay nagpapabalikwas
sa pagdating ng bawat bukas
tila lagi na lamang nating habol ang oras
at muli ito na naman ang pagwawakas
ng isang gabi…
Mula sa likod, ako’y iyong niyakap
sabay bulong ng pangungusap
bagama’t sa puso’y tumatarak, ito ay tanggap
dahil alam kong muli at muli itong magaganap
ang iyong paalam…
“Lipat na ako, parating na ang ASAWA ko!”
BINABASA MO ANG
Kaluluwang Ligaw
Non-Fiction"Pag-ibig na walang Pagmamahal, Pagmamahal na walang Pag-ibig" Si Deniece, Cedric at Ferdinand sa isang kwento ng Pag-ibig na hahamon sa kung ano ang tunay na kahulugan ng Pagmamahal... Abangan!