"Deniece, wag mong sabihing overtime ka ulit today!" bati ng kasamahan ni Deniece sa trabaho, habang papalapit ito sa una.
Kakarating lamang noon ni Carla, kasamahang nurse ni Deniece. Nabigla lamang ito dahil naabutan pa nya ang kaibigan gayong dapat ay off na ito dahil hanggang 5:00PM lamang ang pasok nito ngayong araw, at mag-aalas otso na ngayon.
Tumango lamang si Deniece, na noon ay abala sa pag gawa ng work report ng araw na iyon.
"Baka maging employee of the month ka ulit niyang..." sabi muli ni Carla, dahil nakitang busy ang kaibigan ay lumapit ito at tinapik sa balikat si Deniece.
"Ikaw naman, absent lang si Grace, masama ang pakiramdam kaya nag extend lang ako" ang sagot ni Deniece, pero sa isip-isip nito ay iyon naman talaga ang gusto n'ya ang muling maging employee of the month. Dahil nais nya talagang makuha ang pagiging employee of the year at ang kasunod ay ma promote bilang head nurse.
"Diba ngayon ang dating ng asawa mo?" si Carla
"OO, galing dito ay deretcho na ako sa airport, paalis na nga rin ako... tinatapos ko lamang ang mga reports"
"uy... madidiligan ka na rin..."
"loka mo! parang daig mo pa ang may asawa maka-comment!"
"uy... nag pa-flush" sabay ng malakas na tawa
"naku tigilang mo na nga ako... alis na ako Carla... iyong nasa table mo ang schedule ng rounds ngayong gabi ready na yan para sayo"
"ang bait talaga ng kaibigan ko... kaya kita mahal"
"bula"
"eh... iyong reports ng kung ilang round kayo ni mister kailang ko malalaman?"
"loka-loka ka talaga..." sabay kurot sa tagiliran ni Carla
"arrrray..." sabay ng malakas na tawanan...
"alis na ako..." paalam ni Deniece
"teka friendship... may service ka ba?"
"taxi na lang ako... lapit lang naman"
"naku wag na... tawagan ko si Hero... para di ka na mahirapan"
"nakakahiya naman sa boyfriend mo?"
"correction... MANGLILIGAW! hiya-hiya ka dyan basta ang hopia ko ha!" kasabay ng isang makahulugang ngiti
"ay naku sabi ko na nga ba eh... may kapalit" muli tawanan.
HABANG nasa sasakyan, ay di mapakali si Deniece. Ilang sandali na lang ay muli silang magkakasama ng kanyang asawa, naroon pa rin ang agam-agam at pag aalinlangan sa kanyang naging desisyon na papuntahin sa UAE ang kanyang asawa.
Mabilis ang takbo ng sasakyan, subalit gaano man ito kabilis ay nalalagpasan parin ito ng ilang sasakyan lalo na't lokal ang nagmamaniho... ang bilis ng sandali tila kasing bilis ng pagkakataong kailan lang ay ikinasal s'ya sa lalaking kasintahan nya sa loob ng walaong taon. Bagamat may pag tutol sa kanyang ina ay sumigi s'ya dahil mahal n'ya ang kanyang kabiyak.
Ayaw ng kanyang ina na mapangasawa nito ang kasintahan dahil wala daw itong pangarap sa buhay, gusto laman na mamalagi sa Pilipinas sa kakarampot na kita, gayong may pagkakataon namang mangibang bansa... tulad nga ng kanyang ginawa. Ilang ulit siyang pinag sabihan ng kanyang ina na baka siya pa ang bumuhay sa kanyang asawa. Pero naging bingi s'ya, dahil talaga naman mahal niya ang kanya noong kasintahan.
Nangako na lamang siya sa magulang na kahit kasal na't may sariling pamilya ay tutulong pa rin itong mapagtapos sa pag-aaral ang dalawa pa niyang nakakabatang kapatid. Dahil siya na lamang ang tangin inaasahan nito mula ng sila ay maulila sa ama, na sya namang dahilan niyakung kaya nagpumilit na mangibang bansa upang kumita ng mas malaki.
BINABASA MO ANG
Kaluluwang Ligaw
Non-Fiction"Pag-ibig na walang Pagmamahal, Pagmamahal na walang Pag-ibig" Si Deniece, Cedric at Ferdinand sa isang kwento ng Pag-ibig na hahamon sa kung ano ang tunay na kahulugan ng Pagmamahal... Abangan!