Si Cedric

74 0 0
                                    

Kanina pa abala sa kanyang pag-iimpake si Cedric, may ilan pa s'yang idinagdag na dadalhin para sa kanyang byahe bukas ng hapon. Ilang ulit na n'yang binalik-balikan ang naka lista sa pm message sa kanya para sa mga request na pasalubong ng kanyang may-bahay. Lotion, shampoo, sabon at pagkaing tulad ng hopia at pulburon, sa isip-isip nya'y "wala pa nito sa Middle East?"

Kung sa bagay mahirap rin talagang hagilapin ang mga bagay na nakasanayan na sa Pilipinas lalo na't ikaw ay  nasa ibang bansa, kung kaya kahit hirap siyang mamili at magimpake ay okay lang para naman sa asawa nya ang lahat ng iyon. Matatapos na lamang siya sa kanyang ginagawa ng mapatingin s'ya sa salamin ng aparador na nasa gawing gilid ng kanyang silid. Mula sa pagkakayoko ay napabaling ang kanyang mga mata sa gawing ito kung kaya napagmasdan nya ang kanyang sarili.

Makailang ulit niyang tinatanong ang kanyang sarili "Handa na ba ako?, ilang araw na rin naman kasing may agam-agam sa kanyang isip kung talaga bang handa na s'ya sa pag punta sa Middle East upang makasama ang kanyang may-bahay.

Mula sa salamin ay mamamalas ang isang may bilugang mukha ng isang lalaki, may katangusan ang ilong na binagayan ng kanyang medyo kulot na buhok, ang kanyang may kapulahang labi ay bumagay sa mapuputi at pantay niyang ngipin. May pagka-moreno ang kulay ng balat na syang umakma sa kanyang light-brown na singkiting mata. Ng siya ay tumayo at lumapit sa may aparador ay lumantad ang kanyang taas na sa kulang-kulang anim na talampakan. Bagay lamang sa kanyang paboritong laro, ang basketball. Makikita rin ang matipono niyang katawan, dahil banat sa gym at dahil na rin sa pagkakataong iyon ay wala siyang suot na pang itaas na damit.

Nang ganap na siyang naka harap sa salamin ay nasipat nito ang larawan sa ding-ding, ang larawan nilang dalawa ng kanyang asawa noong sila ay bagong kasal...

"Mabuhay ang bagong kasal! Mabuhay..."

Sigawan ng mga taong naging saksi sa kasalang iyon, isang hapon sa buwan ng Hunyo.Isa iyong masayang araw sa buhay ni Cedric dahil ang kanyang kasintahan sa loob ng walong taon ay ganap na niyang napangasawa.

Nasa high school pa lamang ay kasintahan na nya ito. Hanggang sila ay mag kolehiyo at nakatapos ng kursong Nursing. Matapos ng kanilang pag-aaral at naka pag-trabaho sa isang public hospital sa kanilang lugar sa Marikina ay magkasama pa rin sila.

Subalit pag-lipas lamang ng isang taon ay nagtrabaho sa ibang bansa ang kanya noong kasintahan. At nitong buwan lamang ay bumalik ito makalipas ng dalawang taon upang sila ay magpakasal.

Walang mapag-sidlan ng tuwa si Cedric ng mga sandaling iyon. Dahil ang kanyang pangarap na makabuo ng isang pamilya kasama ang kanyang may bahay ay halos abot kamay na niya. Mula sa araw na iyon...

Isang malakas na katok sa pinto ang nagpapukaw sa pag-alala ni Cedric sa nakaraan.

Dali-dali niyang binuksan ang pinto...

"nak ng puta... kayo lang pala!" bungad n'ya sa mga taong ng pagbukasan niya ito ng pinto. Naroon ang kanyang mga kabarkada't kababata.

"oh, pre... tama na muna yan... ubusin muna natin ito" sabi ni Edgar, kiibigan matalik ni Cedric. Sabay taas ng dalawang bote ng alak.

"oo nga, nang makarami... baka matagal din bago uli tayo magka sama-sama sa inuman..." ang pagsingit naman sa usapan ng pinsan ni Cedric, si Alvin.

"sige-sige... bihis lang ako" ang nagging sagot na lamang ni Cedric.

ISANG masayang despedida ang nagging kasunod na tagpo. Masayang nagkukwentuhan noon ang barkada, pito silang lahat na naroon. Bukod kay Edgar at Alvin ay naroon din ang ilan n'yang mga kaibigan, Si Darwin, Alas, Drex at Baldo.

Malakas nilang kinakanta noon ang isang awiting pinasikat ni Gary V.

"saan ka man naroon ngayon... SAUDI, Japan o Hongkong... babalik ka rin babalik karin... babalik at babalik karin..."

Matapos ang awitin ay isang malakas na tawanan, kasabay ng kantyawan.

"pare dala ka ng balut..." bilin ni Alas.

"practice practice din pag may time... para sa laban... alam na" ang payo naman ni Baldo

"ako pre' size 10 black, kung may neon green prwede na rin, ni-ke ha!" kasabay ng isang malakas na halakhak ang paalala naman ni Drex

"ako pre maalala mo lang ako pag nandoon ka na ok na ako..." kasabay ng isang ngisi ang pa dramang sabi ni Darwin

"ULOL!" sabay-sabay na sabi ng iba.

Sa mga sandaling iyon ay wala lamang imik si Cedric, may ilang pagkakataong nangingiti na lamang sya o di naman kaya ay tatango sa mga sinasabi ng mga kaibigan.

Napansin ito ni Edgar.

"Ok lang yan, subukan mo nalang muna" ang sabi ni Edgar habang nagkasarilinan sila sa kusina habang kumukuha ng beer.

Kay Edgar lang naman nasasabi ni Cedric ang lahat nyang agam-agam patungkol sa kanyang napipintong byahe bukas papuntang UAE, upang samahan ang kanyang asawa't makapaghanap na rin doon ng trabaho. Bali visit visa lamang ang kanyang pag punta doon, at doon na s'ya hahanap ng trabaho. Kung papalarin ay doon na muna s'ya ng dalawang taon, kung di naman ay mapipilitan siyang umuwi pag na paso na ang kanyang visit visa.

Kung si Cedric ang tatanungin ay mas gusto na lamang niyang sa Pilipinas na lamang sila lumagi ng kanyang asawa, subalit may pangarap ang kanyang may-bahay para sa kanila at sa sarili nitong pamilya. Kung kaya labag man ay pumayag na rin siya sa nais nito.

Isan pang nagpapagulo sa isip niya ay ang pakiusap ng kanyang asawa na sana ay di muna sila mag-kaanak sa loob ng dalawang taon, dahil nais nitong makapag ipon at napipinto din kasi itong ma promote sa hospital na pinagtatrabahuan.

Alam lahat ito ni Edgar, kung kaya alam nyang mabigat ang loob ng kaibigan na umalis. At kung bakit di rin ito gaanong nakikitaan ng tuwa sa t'wing binibiro ng kanilang mga kabarkada lalo na sa usaping sex.

Isang mahabang gabi ng kwentuhan, asaran ang walang patid na bilin ng mga kaibigan at ilan pang dating kasamahan sa trabaho na dumating, maging ng kanynag magulang ang s'yang baon-baon ni Cedric sa kanyang isipan habang nakasakay siya sa eroplano papuntang Al-Ain UAE.

"Ladies and Gentlemen, we are about to begin our final descent to the Al-Ain International Airport. Currently at Al-Ain, UAE the weather is clear... We have certainly enjoyed having you on board today, we hope to see you again real soon, and thanks again for flying with us..."

Ang salita ng piloto ang s'yang nag papukaw sa pag muni-muni ni Cedric. Ilang sandali na lamang ay makakatapak na rin siya sa lupa ng ibang bansa. Makakapiling na na namang muli ang kanyang may-bahay. Iniayos ng bahagya ang sarili. Bagama't di pa s'ya ganap na handa sa kakaharaping buhay sa ibayong dagat kasama ang kanyang asawa ay kailangan n'yang pumarito...




"kailangan mo nga ba akong talaga sa piling mo?" - Cedric-

Kaluluwang LigawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon