CHAPTER SIX

5.7K 113 13
                                    

A/N:

Hey guys!

I finally posted the continuation of this story. I thought na mas maiging weekly ang pagpo-post ko para masabik kayong basahin ito. This needs a number of reads. Kaya ngayon pa lang, salamat sa inyo. :)

Anyway, I would love to hear your thoughts so share them away! And if it's not too much to ask, send me some love too.  Happy reading!

xoxo,

Yaney



"THIS IS
all your fault, Red!" nang-aakusang sabi ni Via kay Red. Bumisita sa kanya ang kaibigan nang malamang nakabalik na siya ng Metro Manila. Alam na rin nitong buntis siya. May dala itong bulaklak at isang gallon ng salted-caramel ice cream— ang pinaglilihian niya.

Nagtaas ng isang kilay ang kaibigan. "Paanong naging kasalanan ko? Ako ba ang nakipag-chorvahan sa ex mo for old time's sake?"

"Kasalanan mo pa rin! Buwisit ka!" mahinang sinuntok niya ang braso nito. Kung hindi siya nito isinama sa birthday bash ng co-star nito ay hindi naman niya makaka-engkuwentro si Radley doon.

"'Wag ka nang manghinayang diyan. Blessing ang baby na 'yan. Saka guwapo naman ang tatay niyang anak mo. For sure, maganda o guwapo ang magiging anak n'yo ni Radley."

Tama naman si Red. Walang pangit sa lahi ng mga Valerio kung pagbabasehan ang mga anak ni Congressman Valerio. At masasabi nga niyang si Radley ang pinakaguwapo sa lahat ng mga lalaking Valerio. "Hoy! Ikaw rin pala ang nagsabi kay Radley na nasa La Union ako! Lukaret ka talagang bakla ka!"

"Sinabi ko na kung nasaan ka, kung hindi baka naospital pa ako. Parang gusto na akong jombagin. Parang itinago naman kita sa kanya kung makapaghanap sa akin," kuwento ni Red. "Mukhang nabaliw sa'yo 'yung ex mo, ah. Ano bang ginawa mo 'don?"

"Wala, 'no!" Si Radley nabaliw sa kanya? Imposible! He was just probably sorry or feeling guilty because he was the one who took her virginity. Malamang ay nagi-guilty lang si Hudas Escariote kaya hinanap siya.

"Ginalingan mo siguro ang performance mo no'ng gabing 'yon kaya hinanap-hanap ka niya," tudyo ni Red.

"Ang halay mo!" kapag silang dalawa ang magkasama ay baklang-bakla ang asta at pananalita nito.

"Yummy ba 'yung ex mo?" interesadong tanong pa nito.

"Tse! 'Wag mo nang tanungin. Hindi ka papatulan no'n!" naaasar na wika niya kay Red.

"Aba, hindi ko rin naman siya type. Sorry, hindi ako mahilig sa mga rakista at rugged. Kaya sa'yong-sa'yo na ang ex mo. Ikaw naman ang baliw na baliw do'n."

"Excuse me! Hindi ako baliw na baliw kay Hudas Escariote!" tanggi ni Via. Once upon a time, oo. Pero matagal nang nakalipas iyon.

"O, sabi mo, eh. Hindi ka baliw kay Hudas Escariote pero nakabuo naman kayong dalawa ng baby." Iminuwestra pa nito sa kamay ang hugis ng tiyan ng isang buntis.

"Isa ka pa! Tanggap ko na itong baby sa tiyan ko, 'andito na, eh. Pero 'wag mo nang ipaalala sa akin kung paano nabuo ang bata."

Sumeryoso naman si Red. "Ano nga palang plano n'yong dalawa? Are you getting back together?" Pag-iiba nito ng usapan.

Umiling siya. "Pananagutan niya ako. He wants to be the father of this child." Humawak siya sa tiyan niya. "Pero hindi ibig sabihin niyon na nagkabalikan na kami."

"You mean to say, pananagutan niya ang anak n'yo pero hindi ka niya pakakasalan?"

Tumango siya. "Bakit naman kami magpapakasal kung hindi naman kami nagmamahalan? I don't think it is right na magpakasal kami dahil lang nabuntis niya ako. And besides, hindi rin naman siya ang tipo ng lalaki na magpapatali sa isang babae." Naniniwala siya na ang mga taong nagpapakasal lang ay mga taong nagmamahalan ng wagas at handang maging tapat sa isa't isa. Based on her observation, Radley was the type who's allergic to commitment. At ang sitwasyon nilang dalawa ay isang aksidente. Hindi planado ang pagkakaroon nila ng anak. She didn't see the point of them getting married.

Love Times Two -COMPLETED [Approved under PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon