CHAPTER EIGHT

5.3K 220 5
                                    


"THANK YOU so much everyone for making this event a success. I hope marami kayong natutunan ngayong araw. See you all next time!" masayang wika ni Via sa twenty registered attendees ng kanyang "Via Martinez's Meet and Greet and MakeUp Workshop" sa SM Megamall sa Pasig City. Bukod sa paggawa ng mga makeup tutorial videos sa YouTube ay naisipan niyang maglunsad ng makeup workshop para sa lahat ng mga nangangarap na maging professional makeup artist katulad niya. It was a sponsored event with one of the leading US makeup brands in the Philippines. The venue of her meet and greet was inside the newly open cosmetic store branch of the said makeup brand.

Lumapit sa kanya ang isa sa mga tagahanga niya nang matapos siyang magpasalamat sa lahat. "Macy" ang pangalan nito base sa name tag na nakadikit sa itaas ng kaliwang dibdib nito. "Miss Via! Maraming salamat sa makeup workshop mo! I've learned a lot!" nakangiting sinabi nito.

"Thank you rin! Kung hindi dahil sa inyo hindi magiging successful itong event na 'to. Sana nag-enjoy kayo." Bukod sa make up techniques at tips na itinuro niya sa workshoppers niya, inclusive of basic makeup essentials and certificate ang event na iyon.

"Super sulit ito, Miss Via. We get to finally meet you and you're so pretty in person!" ang sabi naman ng isa na Mich ang pangalan.

She giggled. "Thank you! Pretty ka rin!"

"Tapos na meet and greet mo?"

Agad na napalingon si Via sa nagsalita sa likuran niya. "Radley!" awtomatiko ang pagsilay ng ngiti sa mga labi niya. Hindi niya inaasahan na pupunta ito roon. Ang sabi nito ay may rehearsal ito ng araw na iyon.

Hinalikan nito ang pisngi niya. Lately ay napapadalas ang mga paghalik-halik nito ng ganoon sa kanya. She did not mind though. It seemed like it was a normal gesture between them. At natutuwa siyang makita ulit ito. Heck, she missed him every single day. Must be her hormones? Must be because he was the father of her child? She didn't know. Ang alam lang niya ay gusto niyang laging nakikita ito. They had gotten closer by the day. She felt comfortable around him again na parang walang apat na taon ang lumipas sa pagitan nila.

Via could hear the gushing of the girls around them.

"OMG, Miss Via! Si Radley na drummer ng Vampyres ang boyfriend mo?" gulat na tanong ni Macy sa kanya.

Paano ba niya sasagutin ang tanong na iyon? Techinically, hindi naman niya boyfriend si Radley. "Uh, well,"

Inakbayan siya ni Radley. "What do you girls think? Bagay ba kami ni Miss Via?" tumaas-baba ang mga kilay na tanong nito sa mga babaeng nakapaligid sa kanila.

Bumungisngis ang mga ito. "Bagay na bagay!" sabay-sabay namang sagot ng mga babaeng kaharap nila, naka-thumbs up sign pa.

Ngumisi si Radley, bumulong sa tenga niya. "See? 'Andaming boto sa'yo para maging girlfriend ko. Tayo na lang ulit?"

"Sira!" Pasimple niyang kinurot niya ang tagiliran ni Radley. Napa-"aww" ito. But oh, she missed his scent. Bukod sa presensiya nito ay hinahanap-hanap niya ang amoy ni Radley. Naaadik na yata siya sa pinaghalong amoy ng pabango at natural scent nito.

Buntis lang ako kaya ako naaadik sa amoy ni Hudas Escariote, pangangatwiran niya. Pero hindi niya yata gustong paniwalaan ang naisip niya. Okay, maybe she really did like his scent.

"Paano, mauuna na kami ni Miss Via. Maraming salamat sa suporta n'yo sa kanya," Radley flashed his killer smile. Halos mamimilipit naman sa kilig ang mga babae.

"Thank you for coming girls! Till next time! Bye!" paalam niya sa mga babae. Ngumiti at kumuway naman ang mga iyon sa kanila. Nagpaalam din siya sa mga kasama niya bago siya umalis doon.

Love Times Two -COMPLETED [Approved under PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon