Prologue

21 5 0
                                    

Mag-isa syang nakatayo sa malawak na balkonahe ng kanyang kwarto habang ang mga mata'y nakatutok sa kawalan kung saan naroon ang malawak na karagatan at ang malalakas at malalaking alon na humahampas sa malalaking bato sa mismong ibaba ng kanyang balkonahe. 

Nakapikit ang mga mata na dinadama nya ang bawat pagpatak ng ulan sa kanyang buong katawan at pinapakinggan ang magkahalong tunog ng hampas ng alon at pagpatak ng ulan. Wala syang pakialam kung basa ang kanyang buong katawan. Wala syang pakialam sa kanyang kapaligiran. 

Gusto nyang mapag-isa. Gusto nyang takbuhan kahit saglit man lang ang mga problema nya. Gusto nyang umalis muna saglit sa sa magulong pasilyo ng palasyo. Gusto nyang umalis saglit sa magulong kwarto ng kanyang ama. 

Kaya heto sya ngayon, mag-isa sa ilalim ng malakas na ulan. 

Nagmulat sya ng mga mata ng may malamyos na tinig ang nagsalita sa likuran nya.

"Hindi ka dapat nasa ilalim ng ulan. "- sabi ng boses sa kanyang likuran. Tumalikod sya upang humarap sa babaeng nag mamay-ari ng boses na iyon."Halika dito" -dagdag ng babae ng hindi sya sumagot.

Umalis sya mula sa kanyang kinatatayuan at nilapitan ang nakangiting babae na may hawak-hawak na kumot. Nangmakalapit sya dito ay agad namang nilagay ng matandang babae ang kumot sa mga balikat nya.

"Kamahalan, alam mong maaari kang magkasakit sa ginawa mo. Baka bukas nito ay may lagnat ka na o di kaya ay sipon o ubo. Hindi ka maaaring magkasakit, Kamahalan, lalo na sa sitwasyon ngayon, alam mo naman diba?"-nag-aalala nyang sabi.

"Tinatawag mo lamang akong kamahalan kung papagalitan mo ako, Amaya."-ngumiti ang kamahalan ngunit hindi man lang umabot sa mga mata ang ngiting ibinigay nito sa matandang babaeng nagngangalang Amaya. " Isa pa, alam mong kailanman ay hindi ako nagkakakasakit mula sa ulan." Ngumiti sya ng malungkot. Mabilis syang tumayo  mula sa pagkakaupo sa kama at lumayo mula sa pagkakahawak ni Amaya. 

"Amaya, alam mong hindi mo ako pwedeng hawakan. Baka may-"

"Cordelia, sa loob ng mahabang taon na pag-aalaga ko sa iyo ay walang kahit na anumang nangyari sa akin. Kita mo't buhay pa ako at malakas. Maaaring ang nangyari noon ay hindi na kailan man mauulit pa."-putol nya sa iba pang sasabihin ng prinsesa. 

"Hindi tayo..- ako pwedeng makampanti na baka ay hindi  na maulit yun. Iba ako, Amaya. Kita mo nga't kahit buong araw kong ibabad sa tubig ang aking kamay ay kailanman hindi ito kumulubot. May iba akong kakayahan na hindi kaya ng isang ordinaryong tao. Hindi natin alam, baka isa pala akong halimaw." -nag-angat sya ng tingin mula sa kanyang mga palad at ngumiti ng mapait sa matandang babae na naaawang nakatitig sa kanya.

"Pero hindi mo kailangang ikulong ang sarili mo. Hindi mo dapat sinisisi ang sarili mo sa nangyari-"

Naputol ang sasabihin nya ng umiling ang dalaga. May luha sa magkabilang gilid ng mga mata na tumingin sa kawalan.

" Alam mong kasalanan ko. Pinatay ko sya. Napatay ko sya, Amaya." 

Pumatak ang unang luha sa kaliwa nyang mga mata patungo sa kanyang pisngi. Sumunod ang isa pa uling patak hanggang sa nag-uunang pumatak na ang luhang di nya na napigilan sa pag-agos. 

Halos hindi nya maaniag ang kanyang mga palad ng balingan nya ito dahil sa di maampat na luhang namumuo sa kanyang mga mata.

"Sarili kong kamay ang bumawi sa buhay ng nag-iisa kong kaibigan. " 

Kasabay ng paghagulhol ng prinsesa sa loob ng kanyang kwarto ang pagbagsak ng mas malakas na ulan at hangin upang bumukas ang pintuan sa balkonahe lingid sa kaalaman ng dalaga.

Walang magawa ang matandang babae na nakatingin lang sa dalagang kanyang inalagaan sa mahabang panahon. Ang prinsesang kanyang itinuring na sariling anak. Kailan man ay hindi sya naniwala sa sinasabi nitong sumpa. Hindi sapat ang pagkamatay ng matalik nitong kaibigan upang paniwalaan nyang ang dalaga ang may gawa. Pero kung sakaling toto man ito'y di mababago ang katotohang ang mismong batang inalagaan nya at minahal ang kumitil sa buhay ng kanyang anak upang magalit sya dito. Wala itong kasalanan kung nagkataon. Biktima lang din ito. 

Water BearerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon