Malakas ang buhos ng ulan na patuloy na tumatakbo ang dalaga papalayo sa lugar na kanyang kinalakihan habang hinahabol ng mga taong nanumpa ng katapatan sa kanya labing-walong taon na ang nakakaraan habang karga sya ng kanyang pumanaw na ama sa mga bisig nito.
Tila nakiki-isa ang langit sa kanyang paghihinagpis magmula pa kahapon. Walang humpay na paghihinagpis sa pagkawala ng dalawang importanteng tao sa buhay nya.
Nagtataka man ay nagmamadaling nagbibigay daan ang mga mamamayan sa tumatakbong prinsesa. Kung bakit ang kanilang bunsong prinsesa ay hinahabol ng mga kawal ng palasyo ay wala silang alam. Gusto mang tumulong ay di nila magawa kahit sa prinsesang kanilang tinitingala sapagkat hindi nila alam ang kaganapan sa loob ng palasyo, hindi nila alam kung ano ang kasalanan ng dalaga dahil maaaring pati buhay ng mga minamahal nila ay madamay sa gulo at yun ang iniiwasan nila kahit masakit man aminin. Kaya ang magagawa lamang nila ay ang hindi maging sagabal sa pagtakas ng prinsesa.
Lumiko ang prinsesa sa isang eskinita at nagtago sa gilid ng nakatambak na kahoy. Nanginginig, hindi sa lamig kundi dahil sa takot,lito at galit sa sarili sa mga kaganapan. Humahalo ang luha sa tubig ulan na umaagos sa mukha nya at buong katawan. Nagdadasal sa may likha. Kung ano man ang dinadasal nya ay hindi nya alam.
Tila wala syang kontrol sa sariling isip ng mga oras na iyon , hindi nya alam kung nasaan syang parte ng kaharian at ilang oras na syang tumatakbo. ANg nasa isip lamang nya ay ang mukha ni Amaya at ang mga mata nitong unti-unting binabawian ng buhay.
"Papa.. tulongan nyo po ako.. Papa.." nakapikit nyang wika habang yakap ang mga tuhod na nakaupo sa lapag.
Humigpit ang yakap nya sa mga tuhod ng makarinig ng yabag papalapit sa pinagtataguan. Kahit alam nyang maaaring sa mga kawal ang papalapit na yabag ay napaigtad pa rin sya ng may humawak sa magkabilang balikat nya, nanginig sa takot sa kakahantungan ng nangyayari.
"Kamahalan.." nanlaki ang mga mata na tumitig sya sa may ari ng maliit na boses.
"Anong.. ano'ng ginagawa mo dito? I-Ibibigay mo ba ako sa mga kawal na humahabol sa a-akin?" -Lumuluhang tanong nya sa batang lalaki.
"Hindi po, kamahalan. Tumayo po kayo. Tutulungan ko po kayong makatakas sa mga humahabol sa inyo." -sabi ng batang may malaking na ngiti sa mga labi
"P-pero isa ka lamang bata. Baka mapahamak ka pa. Iwanan mo na ako dito."
"Magtiwala ka, kamahalan. Hindi ita ipapahamak kahit maging buhay ko pa ang kapalit."
Walang nagawa ang dalaga ng hinila sya patayo ng batang lalaki. Hawak-hawak ang kamay nya na sumasabay sya sa pagtakbo nito. Parang itong daga na kapag nakakita ng tao ay mabilis na nagtatago. Iyon nga lang hindi lang ordinaryong tao ang pinagtataguan nila kundi ang mga kawal ng palasyo.
"Ayon sila! Tigil!"
Takot ang makikita sa mukha na nilingon nya ang kawal na sumigaw. Takot na nilingon nya ang batang hawak-hawak pa rin sya na tumatakbo.
"Bilis, kamahalan. "
Putikan na pumasok sila sa masukal na gubat. Ilang beses syang muntik ng madapa ngunit agad naman syang tinutulungang tumayo ng batang lalaki. Walang tigil ang pagtakbo nila patungo sa gitna ng kagubatan. Hindi man nya na naririnig ang mga kawal ay alam nyang hinahabol pa rin sila nito.
Huminto sya sa pagtakbo ng huminto ang batang lalaki sa harap ng malaking puno ng kahoy. AT nagsimula nitong tinapakan ang maliliit na butas na kasya sa isang paa paakyat sa puno. Nilingon sya nito at ngumiti.
"Bilis, kamahalan."
Nagtataka man at dala na rin ng takot na maaaring nasa likod lang ang mga kawal ay nagmamadali na rin syang umaakyat sa malaking puno kasunod sa batang lalaki na ekspertong umaakyat.
Nang tuluyang makaakyat ay nagulat pa sya ng makitang mayroong parang maliit na bahay sa mismong itaas ng puno. Umayos sya ng upo sa isang sanga sa loob ng maliit na kubo. Tsaka binalingan ang batang lalaking nakangiting nakatitig lamang sa kanyang harapan.
"Dito ka ba nanunuluyan?" takang tanong ng prinsesa.
Nakangiti pa rin mabilis na tumango-tango ang batang lalaki sa kanya.
"Ang iyong mga magulang nasaan sila?"
"Ako nalang po mag-isa, Kamahalan, matagal na pong wala ang aking mga magulang sa mundo." Nakangiti man ay naaniag naman ng prinsesa ang lungkot na dumaan sa mga mata ng paslit.
"Pero paano ka ..."
" Sabi po ng aking ama noong sya ay nabubuhay pa ay hindi kailangan ang kayamanan upang mabuhay sa mundong ibabaw, kailangan mo ay ang paraan at ang kumapit sa iyong mga pangarap. Kaya ito po ang ginagawa ko ngayon. Pangarap ko pong umunlad ang aking buhay, kamahalan.Pangarap ko pong maging isang kawal at mag lingkod sa inyo. Kaya hanggang ngayon ay lumalaban pa rin ako kahit mahirap kakayanin ko kasi may pangarap po ako. Ikaw po ba kamahalan, may pangarap ka po ba?"
Nakatitig lamang sya sa mga mata ng paslit na puno ng pangarap at ngiti. Nanubig ang kanyang mga mata sa luha ng maalala nya ang kanyang ama.
Oo, may pangarap sya.At yun ay ang mawala ang sumpang nakadikit sa buong pagkatao nya. Ang sumpang naging dahilan ng lahat ng kasawian nya.
"Kamahalan, ayos lang po kayo? Giniginaw po ba kayo, kamahalan? Heto po." Inabot ng paslit ang isang kulay abo na kumot.
Hindi. Kailan man hindi pa sya nakaramdam ng ginaw. Gusto nyang isagot sa paslit ngunit alam nyang magtatanong lamang ito at magtataka. Imbes ay inabot nya lang ang kumot at ipinatong sa mga balikat nya. Pasimple nyang inamoy ito. Lumabas ang mahinang tawa sa mga bibig nya ng may amoy ito.
"Pasensya na, kamahalan. Nung nakaraang buwan ko pa po yan nalabhan sa may ilog. Pag tiisan nyo na muna po. Para di kayo lamigin" Mapupula ang pisngi na sambit ng paslit habang kumakamot sa likod ng ulo nito.
Tuluyan ng lumabas ang tawa nya. Kapagkuwan ay kumunot ang kanyang mga noo.
"Ikaw? Hindi ka ba giniginaw? " Nag aalala nyang tanong sa bata.sapagkat pareho silang Basa sa ulan ngunit mas inuna sya nito kesa sa sariling kapakanan.
"Ayos lang kamahalan. Matibay po ako!"
Napangiti sya sa sinabi nito.
"Pagpaumanhin. Hindi mo naman kailangan na ako'y tulungan pa. Nadamay ka pa sa gulo. Kung hindi mo nalang sana ako tinulungan sanay hindi ka rin nagtatago ngayon sa mga kawal ng palasyo at hinahabol nila."
"Walang anuman po! Hindi ba po, sabi ko, pangarap ko manging kawal sa palasyo para protektahan kayo kamahalan? KAhit papaano, kamahalan ang mga pangarap ko'y natupad dahil nagawa ko po kayong tulungan sa panahon na kailangan nyo ng tulong. At kahit walang ibang nag lakas ng loob na tumulong. At, kamahalan? Wag na po kayong mag alala dahil uulitin ko po itong pagtulong ko sa inyo kung kinakailangan."
Sinuklian ni Cordilia ang ngiti ng palit.
"Ako'y nagpapasalamat sa yong kabutihan ng loob. Sigurado ako. Masaya ang mga magulang mo kung nasaan man sila ngayon."
Nakangiting tumango ang paslit at tumingala sa kalangitan.
"Ikaw po ba'y nagugutom na? Unti unti na naman pong tumitila ang ulan. Maaari po tayong mag hanap ng makaka-in nyo po.."
Isang tipid na tango lamang ang sinagot ng dalaga sa paslit habang tinitingnan itong bumababa sa puno na pinagpahingahan nila. Kung gaano nya kahirap akyatin ang puno ay kabaliktaran naman iyon ng pagbaba ng dalaga, ano mang ingat ang kanyang ginawa ay walang silbi ng maputol ang inaapakan nyang sanga pababa. Pikit ang mata at tikom ang bibig na bumagsak ang dalaga sa baba ng puno ngunit hindi maipagkakaila ang ungol ng sakit na minsang lumabas sa kanyang bibig.
Kahil na nag-aalang mga mata sa asul na puno ng sakit na mga mata. Ilang sandaling parang natigil ang oras at mundo ng dalaga mula sa pagbagsak, Tatlumpong segundo na parang tumigil ang hangin sa paligid nya at ayaw pumasok sa kalamnan nya. Tatlumpong segundo na laban mula sa biglaang kamatayan.
Natapos ang tatlumpong segundo.
Sa isang iglap bumalik lahat sa dati na parang walang nangyari.
Isang malakas na langhap ng hangin ang ginawa nya.
At sa loob ng tatlumpong segundo na iyon isa lang ang nawari nya.
Lalaban sya hanggang sa kahuli-hulihang segundo ng buhay nya.
BINABASA MO ANG
Water Bearer
Fantasy"Hindi ka ba napapagod tumakbo? Hindi ka ba napapagod mag-isa?"- tanong ng boses ngunit di sya nag-abalang sagutin ito. Nagpatuloy lang ang dalaga sa pagtitig sa kawalan. "Wag mo akong itulak palayo,pakiusap. Ako na lang ang meron ka sa kabila ng k...