"ULAN"

397 9 0
                                    

Ulan Saksi Ka Sakeng Kalungkutan
Saksi Ka Sa Lahat Ng hirap Na Aking pinasan
Pasan ko ang kulog
Kulog na Bumubugbog sa Sariling kutob
Kutob Na Iiwan Mo din ako,

Sana Madaling Makalimot
Sana madaling kalimutan ang lahat
Edi sana ngayon hindi ko na kailangan maghirap

Mahirap Iguhit ang kapalaran sa kalangitan
Subalit mas mahirap bilangin ang patak ng ulan sa gitna ng kalamidad
Hawak mo ang buhay mo
Kaya kong mabuhay kahit walang tayo

Sa pag dilim ng paligid pag liwanag ng kidlat
Tila lahat ng sakit sakin ay bumabakat
Ayoko ng mag pakatanga
Ayoko ng umasa

Kaya Sa Muli Kong Pag Bangon
Araw Ay Aahon,
Sa Muli kong pag babalik
Liwanag Ay Sisilip...




Unspoken Poetry : Tagalog [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon