"Desisyon"

394 5 0
                                    

Nangako ka kaya umasa ako,
Umasa ako kasi nangako ka,
Pinag-laban kita pero di mo ko pinag-laban sinta,
Pangarap na binuo ko natibag na lang basta
Kay sakit pa lang umasa sa taong sakit lang ang dala,

Oo! Kay saya ko nung nakilala kita,
Pero pinag-sisihan ko noong iniwan mo ako sinta,
Minahal mo ba ko o minahal mo ay iba,
Ito ba ang plano mo, salamat nag-tagumpay ka,
Ang iwan akong mag-isa ay nagawa mo na,

Puot at galit ang namayani sa damdamin ko,
Pero aanhin ko ang puot kung wala ng tayo,
Aanhin ko ang galit kung wala ng ikaw at ako,
Maging masaya ka sana sa ginawa mo,

Sana sa huli di mo pag-sisihan ang desisyong ginawa mo,
Na mas pinili mo siya kaysa piliin ang taong nag-mamahal sayo...

Unspoken Poetry : Tagalog [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon