"Lakbay, tagumpay"

341 4 0
                                    

Kay sarap ng simo'y ng hangin,
Tulad ng pag mamahal mong kay sarap damhin,
Dumadampi saking balat ang siyang lamig,
Na sa pag mamahal mananatiling mainit,

Araw na siyang sumisikat na nag bibigay liwanag,
Pagmamahal ko sayo'y di maipaliwanag,
Buwan at bituin na sa gabi'y nag niningning,
Puso ko'y sayo at damhin mo ang tinig nito,

Yung ilog na patuloy na dumadaloy,
Pagmamahal ko'y dumadaloy at patuloy,
Agos na di maubos-ubos,
Kabog ng dibdib na di matapos-tapos,

Paraisong kay ganda,
Parang ikaw lang aking sinta
Magagandang tanawin kay sayang pag masdan
Ikaw na siyang babaeng kay sarap tingnan

Isang masayang mukha ang siyang namumuo sayo,
Na sa tuwing nakikita ko, tila kumpleto na ang araw ko,
Ngiting di maipaliwanag sa tuwing ika'y kasama ko,
Tibok ng puso'y mananatiling sayo,

Salitang "OO" ang dahilan upang mahalin kita ng todo,
Na siyang mag sisilbing simo'y ng hangin, araw, buwan, at mga bituin,
Ipaparamdam ko sayo ang ilog na patuloy na dumadaloy sa paraisong nag sisilbing ngiti sayo,
Pangakong panghahawakan habang buhay ako,

Sa layo layo ng nilakbay ko,
Nakilala ko yung tulad mo,
Unang natanaw ng aking mga mata, unang tibok ng puso ko sinta,
Bakit di naten pagsamahin ang salitang ikaw at ako, na siyang magsisilbi sa salitang tayo,

Ipag patuloy naten yung daloy ng pagmamahal
Tulad ng ilog ni minsan di namamatay,
Oo, ipag patuloy naten yung dumadaloy na pag mamahal sa puso mo at sa puso ko,
Lalaban lang ng lalaban hanggang makamit ang salitang "OO"

Simpleng salita galing sayo ang siyang nagpapakabod sa dibdib ko,
Bukas yung isip ko pero sarado na yung puso ko,
Tagumpay saken ang makuha ang matamis na salita,
Salitang dapat alagaan at di pabayaan...

Unspoken Poetry : Tagalog [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon