Taya!?

46 0 0
                                    

Sa labas, tanghali, kung saan tirik ang araw at kakatapos lang mananghalian. Habang kumakapa ng barya na isusukli sa akin ang tindera ng sigarilyo  

"Manang, may lighter po ba kayo?"

naghahanap ako ng lighter na isisindi ko sa sigarilyong mentol na binili ko

"Oh, heto nak." pagkatapos ko sindihin ang aking sigarilyo ay hinagis ko sa kaha ng kinita ni Manang ang lighter, walang paki-alam sa ginawa ko ang Manang at nakatingin lang ito sa malayo. 

Habang nag-hihintay ako makatawid sa kabilang kalsada, napansin ko ang mga bata na naglalaro ng taya-tayaan.

"Taya!" tuwing naririnig ko ang salitang yan ay na-aalala ko ang sarili ko na inaabot ang isang kulay kahel na t-shirt na suot ng kalaro ko para mataya, sampong taon na nakakalipas.

Bakit ko pa ba ina-aalala ang ganyang bagay? 23 taong gulang na ako, may trabaho sa Call Center, at ang pinaka unang trabaho ko sa buong buhay ko.

Siguro nauumay lang ako sa trabaho ko at sawang-sawa na sa paulit-ulit na sinasabi na laging may "Good.." sa unang pangungusap. Araw-araw puro "Good.." lagi nalang "Good..", sawang-sawa na ako! Sa mga pabango ng officemates ko, sa mga malalandi nilang mga damit - na pinagsawaan ko na pagpantasyahan!

"Siguro kailangan ko na nga magkaroon ng karelasyon.." sinabi ko sa sarili ko. 

Tumigil na ang mga sasakyan at nag-karerahan na ang mga tao para makatawid, parang gera sa Lord of the Rings ang tanawin. Ilang saglit lang sumunod na rin ako sa hukbo.

Habang palapit ako sa aking tatawiran, napansin ko ang isang dalaga natulala at wala sa sarili, naka suot opisina siya, naka blazer at palda.

Heto na siguro ang pagkakataon ko, dahil may paniniwala ako na mas madali paibigin ang babaeng nasa mahinang kalagayan. 

Tinapon ko ang kalahating ubus na sigarilyo ko, at sa kabutihan-palad di napansin ng MMDA. Nilapitan ko ang dalaga at bumati ng

"Miss, ayos lang po ba kayo?" walang imik ang dalaga pero lumingon siya sa akin, at napansin ko ang kanyang makinis at maputing balat, mahabang buhok, kasing tangkad ko na 5'10 at may maliit na nunal sa tabi ng kaliwang labi.

Napa singkit ang aking mata dahil parang pamilyar ang ganoong katangian. Naalala ko ang aking kababata, o syota ko ata? O di kaya ang tinatawag ng mga malalandi na "Puppylove". 

Dahil di umimik ang dalaga at tumingin lang sa akin, na parang nabastos ko ata sa kadahilnang hindi ata siya ayos, iniba ko nalang ang aking tanong.

"Miss, kayo po ba si Pauline?" 

Ngumiti lang siya sa akin, at naalala ko nanaman si Pauline dahil sa kanyang matamis na ngiti,.

Nagulat ako na bigla siyang tumawid ng kalsada at sinubukan ko siyang tapikin di ko namalayan sumigaw ako ng

"TAYA!?"

Sumunod na panyayari nakahandusay na ang dalaga.

Daling lumapit ang MMDA, at sinabing 

"Wala na siya!"

Lumabas ang driver at nangatwiran

"Di ako may kasalanan, tinulak siya ng lalakeng yan!"

Napanganga na lang ako sa sinabi niya, dahil sa konsyesa ko pawang tinulak ko nga ang dalaga.

"Nakita ko nga tinulak mo siya, bantayan niyo yung lalake na yan, tatawag lang ako ng Pulis." sabi ng MMDA.

Wala akong masabi. Tulala lang ako at nakatingin sa nakahandusay na dalaga.

[FIN?]

Taya!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon