Kabog ng kanilang dibdib lamang ang tanging maririnig habang nagkubli sila sa malaking puno.
Nakahinga lamang sila ng maluwag ng marinig ang papalayong mga yabag ng paa.
"Is he gone?" Tanong ni Layen habang napasandal ang ulo sa puno.
"I don't know.Kailangan maging maingat tayo.I know he's just around at kabisado niya ang lugar na ito." Sabi ni Arielle at tumayo."Kailangan natin umalis."
"Nasaan ba tayo?Ano ba itong pinagdalhan niya sa atin?" Kanyang tanong dahil pakiwari niya ay nasa gitna sila ng gubat.
"Hindi ko alam.Basta sigurado ako na dito niya dinadala ang lahat ng biktima niya."
Agad silang lumisan doon at sinuong ang kadawagan.
Wala silang ibang iniisip kundi makaalis doon at makaligtas.
Sigurado silang nasa paligid lang si Marko at nakikipaglaro lamang ito sa kanila.
Pawis,gutom at sakit ng katawan ang nararamdaman nila ngunit hindi sila tumigil sa paglalakad hanggang hindi nila nalalaman kung saang lupalop sila naroon.
Ilang sandali pa nakarinig sila ng pagaspas ng tubig sa hindi kalayuan.Agad nilang tinahak ang pinanggalingan ng ingay at nakita nila ang isang sapa na medyo may kalakasan ang daloy ng tubig.Malalaking mga bato ang naroon kaya kailangan pa nilang bumaba dahil nasa mataas na bahagi ang kinaroroonan nila.Nagmamadali silang bumaba at napadausdos pa dahil sa dulas ng lupa ng kanilang natatapakan.
Uminom sila ng tubig dahil sa sobrang uhaw na nararamdaman.Napakalinaw ng tubig at medyo matamis tamis ito sa kanilang panlasa marahil ay hindi pa iyon na nagagalaw at hindi polluted.Sayang nga lang at pinamumugaran iyon ng isang kriminal.
Ang hindi nila namamalayan ay nasa ibabaw na si Marko at inihanda ang shot gun nito.
Napasigaw sila ng biglang sumabog ang bato sa hindi kalayuan ni Layen.
"Takbo!" Wika ni Arielle at nagmamadali silang tumakbo habang magkahawak kamay.Hindi sila tinantanan ni Marko at ilang putok pa ang pinakawalan nito.
Minsan nagkukubli ang dalawang sa malalaking bato upang hindi matamaan ng bala na pinaulan sa kanila n Marko.
Basang basa sila dahil may bahagi ng tubig na abot tuhod at minsan nadadapa pa sila dahil may iilang bato na madulas na natatapakan nila.
Hinabol sila ng bala ni Marko kayat napaigting si Arielle ng tamaan sa balikat.Nalugmok ito sa tubig habang hawak hawak ang sugatang balikat.
"You can't run from me!" Sigaw ng baliw na si Marko.
Nanlaki naman ang mga mata ni Layen ng makita ang kaibigan na may tama.Binalikan niya ito at inalalayan dahil paparating na ang kriminal.
"Let's go..andiyan na siya!" Wika niya at pilit pinapatayo si Arielle. Dahan dahan silang naglakad hanggang sa makarating sila sa dulo.Dead end.Pabagsak na ang tubig sa ibaba at may kataasan iyon.Walang ibang daan.
"We have to jump.Kaya moba?" Tango lang ang sagot ni Arielle dahil ininda nito ang sakit sa balikat.
Pinagmasdan ni Layen ang pagbagsak ng tubig sa baba at sigurado siyang malalim iyon.Wala namang problema iyon dahil kapwa sila marunong lumangoy ni Arielle iyon nga lang may sugat ito sa balikat.
Isang putok na naman ang pinakawalan ni Marko at malapit siyang matamaan.Huminga ng malalim at magkahawak kamay na tumalon.
Ramdam nila ang lamig ng tubig ng bumagsak ang kanilang katawan.
Malakas ang agos kaya natangay pa sila.
Nagkahiwalay ang kanilang mga kamay habang nangangapa sila upang hindi matangay ng agos.
BINABASA MO ANG
Run For Your Life(Gay story)(Tagalog)(Completed)
ContoFive gay friends. Haunted by the homophobic killer.. Sino ang makakaligtas? Sino ang mabuting kaibigan? Sino ang walang lihim? Sino ang walang sala? Dirty secrets revealed!