RFYL(5)

335 10 0
                                    

Hindi nakapagsalita si Arielle marinig ang sinabi ni Layen.

"Hindi mo parin dapat ginawa iyon sa kapatid ko.Parang kinuha mo ang isang bagay na makakapagpasaya sa kanya bilang tao!Hindi mo dapat pinutol ang pagkalalaki niya!Minahal ka ng kapatid ko at hindi mo man lang nagawang intindihin ang naramdaman niya para sayo!Makasarili ka!Kaya dapat lahat ng bakla ay pinapatay!"Galit na sabi nito.

Hindi maubos ubos ang mga luha ni Layen.Hindi niya lubos maisip na sa kanya nag ugat ang lahat.Maraming buhay ang nawala ng dahil lang sa nagawa niyang kasalanan.Pero pinoprotektahan niya lang ang kanyang sarili.

Kung tutuusin ay siya ang niyurakan bilang tao.

Binaboy siya.

Hindi lang nila alam kung gaano kasakit sa kanya ang ginawa ni Marky.

Isa niya itong masugid na manliligaw noon ngunit hanggang kaibigan lang talaga ang pwede niyang ibigay dito.

Sa mga panahong iyon ay boyfriend na niya si Erik at ito talaga ang napupusuan niya.Isang gabi sibabi niya kay Marky na may boyfriend na siya upang hindi na ito umasa.Sinabi niyang hanggang kaibigan lang talaga ang kaya niyang ibigay dito.Subalit nagalit ito at pinagbantaan siya.

Sinabi nitong hindi ito makakapayag na ganun ganun nalang.

Nagalit narin siya dahil sa mga pangha harrass nito sa kanya kaya sinabi niyang hindi niya ito kailanman mamahalin.

Nagdilim ang anyo nito at marahas siyang hinalikan.

Nagpupumiglas siya at sinampal ito ng ubod lakas.

Subalit mas lalo itong nagalit at pwersahan na siyang niyakap nito masibasib siyang hinalikan.Ibang Marky ang nakikita niya ng mga Sandaling iyon.

Nanlaban siya dito ngunit malakas ito kaya tuluyan nitong nagawa ang masamang pakay sa kanya.

Matapos siya nitong pinagsamantalahan ay nagdilim ang kanyang paningin.

Nakita niya ang isang kutsilyo na nakapatong malapit sa kama.

Kinuha niya iyon at walang sabi sabing pinutol ang pagkalalaki nito na noon ay nanlupasay sa pagod dahil sa katatapos lang ang ginawa sa kanya.

Isang nakabibinging sigaw ang naghari sa silid habang pumulandit ang maraming dugo nagmunula sa harapan nito.

Galit na galit siya habang hawak hawak ang naputol na ari nito.

"Pinoprotektahan ko lang ang sarili ko.Marko." Naalala na ni Layen ang pangalan ng lalaki dahil minsan itong nabanggit ni Marky sa kanya.Na may kakamabal ito nakatira sa Australia..

"Good at nakilala mona ako." Ngumisi ito sa kanya.

"I'm so sorry Marko kung anuman ang nagawa ko sa kapatid mo..hindi mo kailangan gawin ang lahat ng ito.Wala silang kasalanan..bakit mo dinamay ang mga inosenteng buhay?Bakla sila pero hindi sila kagaya ko." Sabi niya dahil hindi kayang ibalik ang mga buhay na kinitil nito dahil lang sa nagawa niya.

"Pare pareho lang kayong lahat!Kayo na nga ang minamahal kayo pa itong ang hilig manakit!Magpapasalamat nga kayo eh kasi may mga lakaki pang totoong nagmamahal sa inyo!Hindi rin kayo marunong makuntento!Mga malalandi kayo!" Sabi nito.Hindi niya alam kung mayroon din ba itong sariling dahilan maliban sa gusto itong maghiganti dahil sa kapatid nito.

"Siya lang naman kailangan mo diba?" Biglang sabi ni Arielle. "Patayin mona siya at pakawalan mona ako dahil siya lang ang may atraso sayo!"

Hindi mapaniwalaan ni Layen ang sinabi ni Arielle. Talagang malaki ang galit nito sa kanya.

Ngayon niya napagdududahan kung totoong kaibigan ba ang turing nito sa kanya.

"You all die!" Sabi ng lalaki at lumabas.Sinara nito ang pintuan kaya muling dumilim sa loob.

"I thought you're innocent! Hindi pala dahil mas masahol kapa sa kriminal!You killed our friends!" Biglang sabi ni Arielle.

"Binaboy niya ako.Hindi mo ba ako kailanman maiintindihan?Dapat nga ako iyong kinakampihan mo dahil ako ang biktima dito!Nagawa ko iyon dahil gusto ko lang protektahan sarili ko."

"Paano kita kakampihan ngayong ikaw ang dahilan kung bakit namatay mga kaibigan natin?"

"Kaibigan ba talaga turing mo sa kanila?O kaibigan mo lang sila dahil nalulungkot ka?" Wika niya.Napakunot noo si Arielle.

"What do you mean?"

"I know you're sad kaya naghahanap ka ng tao na iintindi sayo..and then you have us..na naging kaibigan mo lang sa panahong nalulungkot ka at walang mapupuntahan.Dahil ang totoo hindi mo alam ang halaga naming lahat dahil kahit kailan hindi mo kami tinuring na kaibigan."

"Hindi ko alam iyang sinasabi mo.Huwag na huwag mo akong huhusgahan dahil wala kang alam sa nararamdaman ko.At huwag kang magpaka malinis dahil pare pareho lang tayong basahan!" Galit na sabi nito.

"Hindi ako malinis pero marunong akong magpahalaga sa mga taong nasa paligid ko.Kung nagpakatotoo ka sana sa sarili mo ay maiintindihan ka namin.Dahil iyon ang totoong kahulugan ng kaibigan..nagtutulungan."

"Ano bang gusto mong sabihin?!Ano bang gustong tumbukin ng dila mo?!"

"Bakit kaba galit sa akin?Bakit ba lahat ng ginagawa ko gusto mong pantayan?Bakit?" Natahimik si Arielle dahil sa sinabi niya.

"Sinabi kona sayo ang dahilan.", Ang sabi nito.

" Hindi ko kasalanan kung hindi ka kayang tanggapin ng mga magulang mo.!

"Don't you even go there,Layen!" Sabi nito na may pagbabanta.Alam niya na napaka sensitibong usapin ang tungkol sa pamilya nito.

"Bakit?Dahil natatakot kang pag usapan kung paano ka tinakwil ng mga magulang mo dahil hindi nila matanggap ang pagiging bakla mo." Alam niyang medyo harsh na ang binibitawan niya ng salita ngunit gusto niya lamang na maging vocal ito sa totoong nararamdaman.Dahil sa lahat ng kaibigan niya ay ito lamang ang pinaka maraming sekreto ang tinatago."Bakit ayaw mong magpakatotoo?Bakit ayaw mong sabihin ang totoo mong nararamdaman?".

"Akala moba madali sa akin ang lahat?" Sabi nito na may paghikbi."Pinilit kong ipakita na masaya ako dahil ayaw kong kaawaan ninyo akong lahat.Ayaw kong maging mahina sa paningin ng ibang tao.Kahit labis na akong nasasaktan pinapakita ko parin na okey ako na kahit ang totoo ay sobra na akong nahihirapan."This time humagulgol na ito ng iyak.Naintindihan niya kung ano ang nararamdaman nito dahil alam niyang hindi madali iyon.Matagal na niya itong gustong damayan ngunit umiiwas ito sa tuwing mabanggit na ang problema nito."Alam mo bang inggit na inggit ako sayo?Dahil nakukuha mo lahat ng gusto mo..may kalayaan ka at higit sa lahat may pamilya kang tanggap ka kahit ano kapa.Galit ako sayo dahil lahat ng mga bagay na meron ka ay wala ako..pagmamahal ng magulang..hindi ko magawang magpakatotoo dahil alam ko hindi ako matatanggap ng pamilya ko.Sabi ko nga sa sarili ko na sana ako nalang ikaw..na maraming nagmamahal at nagagawa at nakukuha mo lahat ng gusto mo.Gusto kitang pantayan at angkinin ang mga bagay na meron ka ngunit hindi ko magawa."

Sa puntong iyon ay labis na awa na ang nararamdaman ni Layen para dito.

Alam niya kung gaano ito pinagtabuyan ng parents nito.

Nag iisa lang itong anak ngunit hindi matanggap ng buong pamilya nito na bakla ito.








Itutuloy..

Run For Your Life(Gay story)(Tagalog)(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon