Lahat ay maganda

16 0 0
                                    


Lumipas ang ilang minuto lumabas na rin si Jack at nagpasyang umikot sa paaralan. Gaya ng madalas na senaryo pag unang araw ng klase – maingay, lahat ay sabik na makita ulit ang mga kaklaseng di nila nakasama ng dalawang buwang bakasyon. Balik sa dating gawi – lokohan, tawanan at kainan. Isa sa mga grupo ng mga kabataan dun si Angel. Nakita siya ni Jack na masayang nakikihalubilo sa kanyang mga kaibigan. Napasin ni Angel si Jack. Nginitian niya ito. Agad namang inilagay ni Jack ang kanyang hood at lumayo. Sa isip ni Jack – Mas mainam na mag-isa ako. Naupo sa lilim ng puno siya at inilagay niya ang kanyang mga earphones at nakinig sa ilang musika. Nagsimula siyang ngumiti at nagsimulang umawit. Nagulat siya at may kumuha ng isa sa earphones niya – si Angel. "Ano ginagawa mo dito?" sabi ni Jack. "Napansin ko walang kang kasam, kaya sasamahan kita" sagot ni Angel at ngumiti. "Maganda pala ang boses mo, Jack." "Ikaw lang nagsabi niyan" tugon ni Jack.

Lumipas ang mga araw. Ang mailap na Jack at ang masayahing si Angel ay naging magkaibigan. Binuksan ni Jack ang kanyang sarili upang makalila siyang lubos ni Angel at ganun din si Angel. Walang araw sa paaralan na di sila makikitang magkasama. Sabay na nakikinig ng musika at kumakanta. Naiba ang ikot ng mundo ni Jack. Para sa kanya ang lahat ng mga bagay na nakikita niya – lahat ay maganda. 

Believe It.Where stories live. Discover now