Chapter 1

17 0 0
                                    

Chapter 1: TSL?

Rob's POV

*PEEEEEEP* *PEEEEEP* *PEEEEEEP*

Urghhh!!! Tunog yan ng alarm clock namin wag kayong ano.

Nililigpit ko na yung ginamit ko sa higaan pati din si Ate Ace. Kinuha ko na yunh tuwalya sa sabitan namin tsaka pumasok sa banyo.

>>>>

Pagkatapos kong magsuklay bumama na ako para makapagalmusal na kami.

"Gooooooood Morning Kuyaaaaaas!!!!" Bati ko sa kanila tsaka hinalikan sila sa pisngi.

"Good morning din. Umupo ka na ng makakain na" sabe ni Kuya Lin habang nagbabasa ng Engineering book nya habang si Kuya Fey nagbabasa sa Law book nya. Si Kuya Ela nagpipindot sa laptop nya kahit nakain.

"Wala ng pake mga Kuya ko sakin huhu" arte ko tsaka umupo. Nakuha ko naman atensyon nila.

"AWTSUUUUU! LAB KA PA DIN NAMIN NO! WAG KA NG MADRAMA" pasweet na sabe ni Kuya Ela.

"Sorry na. Malapit na kase midterms eh kaya busy" sabe naman ni Kuya Fey. Fourth year na kase sa college kaya ganyan sya kasipag ngayon.

"malapit na defense ko eh kaya ganon din ako kabusy ngayon" sabe ni Kuya Lin.

"Awwwwts. Sige okay lang. Pagbutihin nyo ha" sabe ko sabay subo ng hotdog. Ayun ulam eh wala tayong magagawa.

"Kuya Lin? May nakita akong post sa twitter? Are you making out with your girls? After class?" Open topic ko. Totoo yon nakatag sa kanya. Di nya alam na may twitter ako.

"Walang bago dun Rob. Si Kuya Lin pa? Babae yon eh tsaka baklaero HAHAHAHAHA" Sabe ni ate ace kababa nya lang.

"Aba pinagtulungan ako ha! Di ako ganon. Friendly lang si Kuya, Rob walang malisya don" depensa ni Kuya sa sarili nya natawa naman ako.

"Pero maiba defense mo na daw sa research mo next week?" Tanong sa akin ni Kuya Lin. Sht oo nga pala! Pero patapos na ako kaya chill na lanh.

"Kanino mo naman nalaman kuya?" Tanong ko. Baka tropa nya teacher ko dun eh.

"Kay De Guzman yung bakl---"

"See. HAHAHAHAHAHAHA bakla pala eh! Ang taong gipit sa bakla kumakapit" singit ni Ate Ace tsaka tumawa. Natawa naman kaming lahat pwera lang kay Kuya Lin.

"Aba! Sumosobra ka na Ace ha! Grabe ka sa akin! Kinausap ko lang kase nangangailan ak---"

"Kuya may pera tayo wag kang mahiyang magsabe Kay Kuya Ela manghingi" sabe ni Ate Ace tsaka tumawa ulit. Namumula na si Kuya tanda ng naiinis na sya.

"Bala ka dyan!" Pagmamaktol ni Kuya Lin tsaka tumawa kami.

"Bilisan nyo dyan. Malelate na tayo" paalala sa amin ni Kuya Ela kaya naman ng matapos kami inayos na namin yung gamit at dumeretso na sa kotse.

Iisang kotse lang gamit namin para iwas gastos.

Tahimik kami sa loob ng sasakyan.

Nagbabasa kaming lahat pwera kay Kuya Ela na nagdadrive.

Busy kaming lahat. Si Kuya Fey busy sa Law book, Si Kuya Lin nasa kanan ko nagbabasa ng engineering book nya, si Ate Ace sa kaliwa ko nagbabasa ng Architecture book nya kase may test daw sila ngayon. Ako naman yunh full paper ko October na kase ngayon at may pa pasurprise daw si Sir De Guzman about sa topic namin kaya naman nirereview ko na.

Back in his arms, again?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon