Panglimang araw na sideline ko na dito sa Café ni Ate Jane. Minsan umaakyat ako don sa may bilyaran kase may pusta daw. Namamalato ako para lumago kaya naman lagi akong may dalang pera pauwi.
"Rob, table 5. Oh" sabe ni Ate Jane sya ang kasama ko wala kase yung bespren nya may inaasikaso daw.
Nilapitan ko na yung nasa table 5 "here's your order" sabe ko. Napaharap naman sa akin yung costomer. Naguusap kase sila ng kasama nila kaya nabaling yung atensyon sa akin.
Tinanguan nya ako kaya naman. Bumalik na ako sa kinalalagyan ko kanina.
>>>
Ala'singko na kaya magsasara na ng Café. Iniintay ko muna si Ate Jane na malock yung Café tsaka sabay na bumaba sa bahay nila.
"Osya. Rob magiingat ka ha" paalala nya. Nagbeso sya sa pisngi ko tsaka tumango.
Naglalakad ako ng may nangugulo sa tindahan ni Aling Nena.
"Manang pautangin nyo kami! Kakauwi lanh ng kaibigan namin oh naiwan nya yung pera nya kaya bukas kami magbabayad" sabe ng isang lasing na lalaki. Si Kuya Rono lagi na lang yang lasing buti di pa namamatay sa sobrang lamog na ng atay nya sa sobrang lulong sa alak.
"Ayoko! Ikaw Rono ha! Yung listahan mo ng utang sa akin mas matangkad na sayo!" Sigaw ni Aling Nena. Pero mas lalo lang nainis si Kuya Rono kaya naman halos masira na nya ang tindahan ni Aling Nena.
"Hoi! Kuya Rono tigilan mo yang si Aling Nena ha!" Ayoko lang may naapi na matanda kaya naman umawat na ako.
"O-oh Rob. P-pasensya na. Di na mauulit" sabe nya. Aalis na dapat sya ng pigilan sya ng isa sa mga kasama nya. Bagong salta lang siguro to kaya ganyan makaasta
"Bat ba kayo natatakot dyan? Babae lang yan eh. Isang sapak agad tumba na" medyo lasing na sabe nito. Pinabayaan ko na lang sya kaya lumapig ako kay Aling Nena.
"Ayos lang ho ba kayo? Isa nga pala nova tsaka rc soda" sabe ko.
"Ayos lang Rob. Sige saglit lang ha' sabe nya tsaka kumaha ng binibili ko.
"Hoi! Ikaw babae ka pag ang tapang mo ha? Sino ka ba? Baka gusto mong mahampas ko sayo" sabe nya tsaka humawak na ng bote. Pinipigilan na sya ng mga kasamahan nya pero ako walang emosyong tumingin sa kanya.
"Tumigil ka. Lasing ka lang umuwi ka na sa inyo" sabe ko tsaka swabeng naupo sa upuan isa sa mga upuan dito.
"Aba. Kinakausap kita wag mo kong binabalewala" sigaw nya. Di ko na pinansin at tinalikuran na lang. Nilabas ko yung cellphone ko at naglaro na lang at iniitay yung binili ko.
"Sinabihan na kita ha!" Sigaw nya at hinampas sa ulo ko ang isang bote at nabasag yon.
Nagulat ako at napaharap sa kanya. Sila Kuya Rono nasa likod nya lang na natatakot. Ramdam ko na rin ang dugong dumadaloy galing sa akin ulo.
"Kuya Rono kilala mo ako huling humampas sa ulo ko bugbog sarado" sabe ko sabay ngisi. Ang mga kapitbahay ay nanonood na rin at tili diskumpyado sa lalaking nasa harao ko.
"Hahaha sinong tinakot mo ha?" Sabe nya. Nagpipigil lang akong mabasag ang muka nyang basag kaya naman isang maling galaw nya lang ay malilintikan na sya sa akin.
"Hmmm"
Sumugod sya sa akin at todo iwas ako. Nagkaron ako ng tsansang sipain sya sa tiyan at napatumba sya at dun ko na sinimulang basagin ang bawst parte ng muka nya.
BINABASA MO ANG
Back in his arms, again?!
General Fictionhmmm. tanga ba ang bumalik ka sa iyong nakaraan? ipagpatuloy ang naudlot na relasyon? ang maniwala sa kanyang mabubulaklak na salita? o ang mahalin ulit ang dapat kalimutan. ano nga ba ang pipiliin ko? ang bumalik? o kalimutan na lang sya na nagpah...