Revised on 2017.
Aiming 1: Carbonara
Indy's POVBakit kasi ayaw niyang humarap?
Paulit-ulit na tanong sa isip ko. Kinagat ko nalang ang upod ko ng kuko. Halos limang beses ko ng napapaginipan iyong lalaking mayroong blonde hair with matching black tux— NA NAKATALIKOD. Oo, nakatalikod! Sa tagal kong matulog, akalain mo yun? Magdamag akong nanaginip sa lalaking nakatalikod na 'yon?
Panaginip ba talaga iyon? Posible bang hindi gumagalaw ang panaginip mo't tila nakaharap ka sa isang litarato? Mas tanggap ko pa kung bangungutin ako e. Iyon bang, hahabulin ako ng halimaw. Pero iyong hindi gumagalaw? Ang boring. Ang nakakainis pa ay limang beses na ganoon ang panaginip ko at ang tanging pinagkaiba lang ay ang suot nito! Magpapasalamat na ba ako't nag-iiba ang suot mo ha, blondie?!
Bakit ba kasi ayaw niyang humarap? O kaya, gumalaw man siya ng kahit kaunti. Nakakangalay ang ginagawa niya. Baka naman, Shy type siya? Nasapo ko ang noo kong NAIA daw sa lapad. May mali din naman ako kung tutuusin. Bakit nga ba 'di ko man lang siya kinakalabit? O di kaya naman ay pumwesto nalang ako sa harap niya? Well, sabagay hindi ko naman kontralado ang panaginip ko. Pero higit sa lahat...
BAKIT ANG TAGAL UMUSOD NG PILA?!
Pinunasan ko ang mga tumutulong butil ng pawis sa mukha ko. May bente minutos na siguro ako sa pila. Bakit ba ang tagal? Ganoon ba kahirap pumili sa menu ng canteen? Hindi pa ba nila kabisado iyon? Simula Grade 7 ay hindi na kaya nagbago iyon! Monday ganito ulam, Friday ganito. Wala namang bago doon!
Nakakainis! Pawis na pawis na 'ko, naligo pa naman ako nang maigi kanina! Bakit kasi walang aircon dito at bintilador lang ang naka lagay? Hindi din naman fresh ang hangin dito't ang kapal nilang mag open window! Ano namang ineexpect mo sa Meycauayan? Nagiging polluted na din ang hangin dito tsaka puro pa basura. Tsk. Ang mahal mahal ng tuition dito tapos walang aircon ang canteen? Tapos napaka bagal pa ng school's service.
Pinisil ko ang sarili ko. Napapatunayan ko na talagang totoo ang mga pinagsasabi sa'kin ng mga kaklase ko. Sira ulo kasi ang mga kaklase ko eh. Binansagan nila akong Praning, Mareklamo at Tangang Lawyer. Hindi ko sila maintindihan kung bakit ganoon. Totoo naman ang sinasabi ko at ang sarap nilang bansagang tangang estudyante. Sabagay, hindi ko naman sila masisi kung marunong akong mabahala sa ekonomiya ng bansa.
Pinangarap ko talagang maging lawyer. Naalala ko pa nung nasa unang taon ako ng highschool, nagsabihan kami ng mga pangarap namin noon at doon na nagsimula ang nickname kong Tangang Lawyer. O diba ang bad bad nila? Hindi ko din naman kasalanan kung nakahiligan 'kong kausapin ang sarili ko. Hindi ko kasi kayang manahimik at dahil ako lang naman ang nagpumilit bumili ng pagkain ay nag-iisa lang ako. ANG SADNU!
Tila parang bumagal ang paligid nang umalis na ang nasa harap ko at bumungad sakin ang napaka gandang counter ng school canteen. Kuminang kinang ito sa mata ko't parang ngayon ko lang naapreciate ang sharp edges nito. The wait is finally over!
Napangiti din ako ng malapad ng makita ko ang nag-iisang order na lamang ng carbonara. Paano ko nalamang isa nalang? Kabisado ko na kung gaano kadami ang serving netong si ate. Buti nga at siya dahil hindi siya maramot. Patas siya, dapat tularan! Hindi tulad nung isang lalaki, madamot! Tiningnan ko ulit iyong carbonara! Grabe, hindi ako makapaniwala! Destiny ito! Talagang inalay ito ng taas saakin! Worth it na worth it yung pag pila ko sa mainit na canteen!
Umubo-ubo muna ako bago sabihin ang order ko, "Ate isa pong---" hindi natapos ang sasabihin ko ng may biglang sumingit sa tabi ko. Saan nanggaling 'tong lalaking 'to? Bigla ding natahimik ang kaninang ubod ng ingay at mainit na canteen.
"One Carbonara and a can of royal." Uy, mahilig din siguro siya sa carbonara. Hinead to Toe look ko siya. Naka white longsleeves siya at pants. May suot siyang itim na bonet at may mga piercings siya sa tenga. Piercings? Pwede ba iyon? Siguro outsider siya? Oo nga siguro nga. Tumango-tango ako. Medyo improing talaga yung utak ko ngayon pero sana bawas bawasan ko na yung pagsalita ko sa sarili. Ang creepy, myghad.
BINABASA MO ANG
He's Prince Aim (Revising)
Fiksi RemajaThe name itself explains who he is & what are his capable of doing. To Read is to Find Out what is his story. // ©tanyaxgabrielle