After the skills camp we both decided na sa susunod na araw nalang kami umuwi ng manila since wala naman din kaming training.
"Oh eto mag kape ka muna Bea sinabi ko naman sayo na kumain kana at wag munang hintayin si Jhoana"
Kaming dalawa pa lang ni Tita yung gising hindi ko din alam bakit ganito kaaga ko nagising 6am pa lang pero wala nakong maramdamang antok.
Kinuha ko yung inabot na kape sakin ni Tita Lovel and the moment na natikman ko iyon napa ngiti ako.
Walang duda mag ina nga sila. Sobrang sarap ng coffee halos katulad na katulad ng lasa na ginawa ni Jho pag nasa bahay kami.
"Thank you Tita this coffee is the best isa po ata to sa namana sayo ni Jhow"
"Talaga? Nako napaka swerte mo at pinag timpla ka nya ng kape wala kasing confidence yung batang yon pag dating sa mga ganito kahit sa pag luluto." Naka ngiting sabi ni Tita Lovel, "tanging papa nya lang ang na pag titimplahan nya ng kape at napag luluto noong high school sya"
This time naka yuko nang sinabi iyon ni Tita pero may ngiti pa sa mga labi nya hindi ko lang alam kung ngiting may halong lungkot ba iyon.
"Tita if you don't mind, pwede po bang malaman kung nasaan na sya?"
Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para itanong yon kay Tita Lovel, pero na cucurious talaga sa Dad ni Jho hanggang ngayon kasi walang nababanggit sakin si Jho about sa Papa nya except sa alam kong iniwan sila nito.
Babawiin ko na sana yung tanong ko ng mag salita si Tita Lovel
"Wala bang nababanggit sayo si Jhoana?"
Naka ngiti akong umiling sakanya
"Ang paulit ulit nya lang pong sinasabi sakin is iniwan daw po sya ng Papa nya"
Yun lang yung natatandaan kong napag uusapan namin.
"Oo yun nga."
Tipid na sagot ni Tita at saka humigop ng kape
"Hanggang ngayon nakukunsensya padin ako dahil kinailangan nilang pag daan yung masira yung pamilya namin dahil sa pang sariling kagustuhan ko"
Napa kunot ako ng noo sa sinabi ni Tita, hindi ko makuha yung rason kung anong naging dahilan ni Tito para iwan sila.
Kasi kung mahal nya naman talaga si Tita and yung mga anak nya kahit ano pa sigurong rason ni Tita lovel hindi nya bibitawan ng ganito sila.
Just liked my mom and dad hindi naman sila ganon ka perfect couple and parents samin ni Kuya loel pero honestly hindi sila umaabot sa point na binalak nilang iwan yung isa't isa kami kasi ni Kuya yung main reason nilang dalawa at isa pa mas mataas yung love nila for each other than their prides.
Natigil ako sa pag iisip ng mag salita ulit si Tita lovel
"Minsan kasi kailangan mo ding isipin yung sarili mo hindi puro yung iisipin ng ibang tao na naka paligid sayo."
Lalo kong naguluhan sa sumunod na sagot nya sakin.
"Wag kang mag alala magegets mo din tong sinasabi ko balang araw. Baka si Jhoana na mismo mag kwento sayo"
Naka ngiting sabi ni Tita hindi nako nag tanong pa at ngumiti nalang din sakanya.
Ilang sandali pa ay nakarinig kami ng ingay ng pag sara ng pintuan at agad naman naming nakita si Jaja na naglalakad pababa agad naman syang lunapit kay Tita at yumakap.