Chapter 33

6.9K 135 9
                                    

"Jho faster! Ate Ly texted me nasa venue na sila"


Ang atat naman nitong kapreng to palibasa mas maaga syang nagising sakin kaya lakas ng loob mag madali 😒


Nung nagising ako naka bihis na sya at inakyatan nya ko ng breakfast hindi nya ko ginising ng maaga dahil daw pagod ako kaya ang ending ako ngayon yung minamadali nya.


Pag labas ko nakita kong nasa sala sya at nakaupo habang hawak hawak yung phone ko.


Hindi ko alam kung anong meron sa cellphone ko at trip na trip nyang doon mag games halos karamihan ng naka installed puro mga games nya at puro mukha nya yung gallery ko samantalang parehas lang naman kami ng unit.


"Tagal mo maligo"


"Hindi mo kasi ako ginising agad!"


Nasa school na si Jaja at maaga namang umalis si Mama kaya wala talagang ibang gigising sakin kundi si Bea.


Pag labas namin ng bahay nagulat ako dahil nasa labas na yung kotse nya


"Paano na punta to dito?"


"Magic po. Get in late na tayo"


Hindi nako nag usisa pa at sumakay na dahil late na talaga kami nakakahiya dahil ang lapit lang namin sa venur para sa araw na to tapos mas nauna pa sila doon.


Hindi ko alam kung bakit antok na antok padin ako parang kailangan ko ng isang buong araw na pahinga.


Napalingon ako kay Bea ng kuhain nya ang kamay ko at halikan ito.


"Tulala nanaman?"


Ngumiti ako sakanya para hindi sya mag isip agad ng kung ano.


"Medyo inaantok pa ko"


Naka ngiti kong sagot sakanya kahit pigilan kong paliitin yung ngiti ko hindi ko magawa dahil nakikita kong hawak hawak nya yung kamay ko at naka dikit sa labi nya 😍


Binawi ko naman ang kamay ko mula sakanya at agad syang napa simangot sa ginawa ko.


Nag dadrive puro padin kaharutan hahaha


"Akin na B" naka simangot na sabi nito


"Mamaya na mag focus ka muna dyan baka hindi tayo makarating ng Lipa"


Panigurado kasi kung itotolerate ko ang kaharutan nito hindi sya titigil mas lalo nya pang pag iigihan ang pag harot sakin baka din hindi ko mapigilan sarili ko 😂


Hindi na sya nag reklamo at nag drive na lang habang hawak nya nalang yung kamay ko hinayaan ko nalang sya kinikilig din naman ako hahahah jk.


Ilang minuto lang ay nakarating na kami inabutan na namin silang nag iistretching kaya agad na din kaming tumulong ni Bea at nag hati-hati sa mga bata.


Mas naging madali sakin na pag turo ng basic volleyball dahil hindi ako ginulo ni Beatriz masyado syang nag focus sa mga tinuturuan nya pero pasimple pading yumayakap sakin charger nya daw ako 😉


Kahit ako nawawala din yung pagod ko pag nilalambing nya ko kahit madalas kong sabihin na nakululitan ako sakanya deep in side gusto ko din yon dahil nakakawala talaga sya ng pagod lalo na pag ang clingy nya 😍😍😍


Yung parang kaming dalawa lang kaya madalas kaming masita ni Jia lalo na pag may mga fans sa loob ng BEG hindi kasi talaga pinapansin ni Bea yung mga tao sa paligid nya wala syang pake lalo na pag against sa kagustuhan nya nakikinig lang sya dun sa mga taong close sakanya at kilala talaga sya gaya ni Jia or ng parents at kaming mga team mates nya.


This time Where stories live. Discover now