Glexie's POVSi si ate Ray. Andito siya. Dito ba siya mag aaral?? O dito siya nag aaral dati pa. Agad akong tumayo at nag ayos ng sarili ko.
"Ate Ray?" Tanong ko sa kaniya.
"Ahhh ikaw yung kapatid na asungot na yun" sabi ni ate Ray.
"Ahhh opo ehh. Pasensya na po sa nangyare kanina." Sabi ko kay ate Ray.
"Ahh ayos na yun. Tsaka kalimutan mo na yun" sabi naman ni ate Ray. Mabait naman siya ahh. May pagka masungit nga lang.
"Ahh sige ate mauuna na po ako sa inyo" sabi ko kay ate Ray.
"Nice meeting you ano nga bang pangalan mo?" Tanong niya saakin.
"Glexie po but you can call me Glex" sabi ko sa kaniya.
"Wow ang ganda naman ng pangalan mo Glex" sabi ni ate Ray.
"Ahh thank you po. Ate una na po ako. Byee" sabi ko na lang.
"Sige bye" sabi ni ate with matching wave pa.
Naglakad na ako papunta sa bilihan ng pagkain sa canteen. Bumili lang ako ng burger at yakult. Tama na yan para saakin. Recess time lang naman. Mamaya na lang kami mag la-lunch. Pag katapos kong bumili pumunta na ako kila Kevy at Elaine.
Habang kumakain nagkwekwentuhan kami ng kahit ano ano. Hanggang sa napunta sa lovelife ang usapan.
"Glex kailan ka kaya makakahanap ng boyfriend mo?" Tanong saakin ni Elaine.
"Oo nga Glex kailan ka kaya makakahanap ng tunay na mag mamahal sayo" sang ayon rin ni Kevy.
"Hayyy kayo puro kayo lovelife. Kusang darating yan at hindi hinahanap. Tsaka mag aaral muna ako bago yang lovelife na yan" sabi ko sa kanila.
"Ang bitter mo naman" sabi saakin ni Kevy.
"Napapala ng mga single bitter hahaha" sabi rin ni Elaine. Parang pinag tritripan ako ng dalawang to ahh.
"Tigilan niyo nga akong dalawa" saway ko sa kanila. Matapos namin mag kwentuhan ay nagpa alam na kami sa isa't isa. Magkakaiba kasi kami ng section. Hindi ko sila mga classmates kasi ako lang ang naiiba sa kanila. Nasa high section ako.
Nasa room na ako ng biglang dumatibg ang prof namin. Tamang tama lang pala ang dating ko. Buti na lang at hindi ako nalate. Patay na pag nalate ako sa class namin ngayon. Siya kasi ang pinakamalupit na prof. namin. Pag nalate ka ipupunta ka na agad sa office. Ohh diba ang lupit niya hahaha..
Nag start na ang class namin kaya nakinig na lang ako. Pag hindi ako nakasagot sa question nakakahiya naman. Hahaha ang boring din naman kasi ng subject na ito. Kaya hindi ko namalayan na unti unti na pala akong nakatulog.
***
"Miss Montana!!!" Nagising ako dahil sa sigaw na narinig ko. Patay na nakatulog ako sa klase namin. Shocksss at sa prof pa namin na sobrang magalit."Yes sir" sabi ko na lang.
"Why are you sleeping at my class?" Tanong niya saakin.
"Im sorry sir" yan na lang nasabi ko.
"Ok papalagpasin ko to sa ngayon. Pero pag nakatulog ka ulit sa class ko. Ipupunta na kita sa office" sabi ni Sir Ryon. Phew akala ko wala na akong takas . Buti ang bait niya ngayon hahahah.
Nakinig na lang ako. Malapit naman ng matapos ang klase namin ngayon. 30 minutes na lang tapos na kaya makikinig na lang ako. Pero sobrang nabonoring talaga ako sa klase niya.
Pinipilit kong imulat ang mata ko para lang makinig. Para magising ang diwa ko nilibang ko ang sarili ko sa pag susulat ulit ng kung ano ano sa likod ng notebook ko. Hayssss ang boorringgg talaga. Kahit na anong gawin ko naboboring pa rin ako.
BINABASA MO ANG
Danger
Teen FictionWag kang mahulog sa maling tao. Dahil panigurado masasaktan ka lang. I need a second chance. Hi guyzzz this is my first story sa wattpad..ahhmm sorry po kung may mga typo error na nagagawa ko po. At sorry rin po kung hindi ko po natutupad na tuwing...