Glexie's POV.Nasa daan na kami papunta sa mall. Walang umiimik saamin kahit na isa. Nahihiya rin kasi ako sa kaniya kaya di na lang ako ng sasalita. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Habang nagiisip ng pwedeng iragalo kay ate Ray. Ayyy teka nga lang parang may nakakalimutan ako.
Ayy oo nga pala birthday rin pala ni kuya sa susunod na bukas. Sus destiny talaga silang dalawa hahah. Mas maganda siguro kung ang ireregalo ko sa kanila ay yung maasar silang dalawa. Ano kaya magiging itsura nila hahahah. Nakakatawa siguro.
"Ahmmm Glexie andito na tayo" sabi saakin ni Brylle. Hindi ko namalayan na andito na pala kami. Masyado sigurong marami ang iniisip ko. Hahaha hayaan na nga lang.
Bumaba na ako sa sasakyan at tumungo na sa loob ng mall. Habang naglilibot libot marami na akong nakikitang magandang iregalo kay ate Ray at kuya. Dito na rin kasi ako bibili ng regalo para kay kuya.
Sinusundan ko lang si Brylle. Tapos pumasok siya sa isang store hindi ko na tinignan kung anong pangalan ng store na yun. Basta sumunod na lang ako sa kaniya.
Tamang tama may couple shirt akong nakita. Pero titingin muna ako sa iba. Yung medyo maganda diyan. Tama nga kayo couple shirt ang napili kong iregalo sa kanilang dalawa. Yung pangbabaeng shirt kay ate Ray. Tapos yung panglalaking shirt kay kuya.
Babalikan ko na lang siguro yan mamaya pag nakabili na si Brylle ng regalo niya para sa ate niya. Habang ako tumitingin din ng ireregalo para sa kanilang dalawa. Hahah nakakatawa siguro pag sinuot nilang dalawa yun ng hindi alam. Hindi ko kasi sasabihin sa kanila na couple shirt ang binili ko para sa kanilang dalawa.
Sana isuot nilang pareho sa day na yun. Ang cute nilang tignan siguro. Sa totoo lang bagay naman talaga silang dalawa ehh. Tsk sadyang sadista lang si ate Ray hahaha.
Pumasok ulit kami sa isang store. Pero wala pa ring napipili si Brylle kailan kaya siya makakapili ng ireregalo niya sa ate niya. Ako nga nakapili na eh sana nga hindi mahal yung damit na nakita ko. Bigla na lang nagsalita si Brylle. Andito pa la kamisa store na puro bag ang benebenta.
"Glexie sa tingin mo magugutuhan ba ito ni ate Ray?" Tanong niya saakin. Ang gamda kasi nung bag na napili niya.
"Ahh oo naman. Mahilig ba si ate mo sa mga bags?" Tanong ko sa kaniya.
"Oo ehh nag co-colect kasi siya ng mga bags." Sabi saakin ni Brylle.
"Yan na ba ang ireregalo mo sa ate mo. Sa palagay ko magugustuhan niya yan." Sabi ko naman kay Brylle.
"Ahh sige ito na lang. Sana nga magustuhan niya" sabi naman ni Brylle.
"Think positive Brylle magugustuhan yan ng ate mo" sabi ko sa kaniya. Nagtawag na siya ng sales lady at ako naman nakikinig lang sa usapan nilang dalawa.
"Miss magkano po ito?" Tanong ni Brylle doon sa sales lady.
"Ahhmm sir 200,000 thousand pesos po sir" sabi naman nung sales lady. What the?? 200,000 thousand pesos?? Kaya ba yun ni Brylle.
"Brylle masyadong mahal naman yan" sabi ko kay Brylle.
"Ayos lang saakin para sa ate ko naman eh" sabi saakin ni Brylle.
"Ahh miss kukunin ko po ito" sabi ni Brylle doon sa sales lady.
"Sige po sir" sabi naman nung sales lady.
"Ehh ikaw anong balak mong iregalo kay ate?" Tanong saakin ni Brylle.
"Ahmmm couple shirt" sabi ko sa kaniya.
"Huh? Bakit naman couple shirt?" Tanong niya ulit saakin.
"Hahah kasi yung isa kay ate mo yung isa kay kuya ko. Kasi pagkatapos ng birthday ng ate mo kinabukasan naman birthday ni kuya kaya naispan ko silang asarin sa mga ireregalo ko sa kanila." sabi ko kay Brylle.
"Hahaha matrip ka rin palang babae" sabi saakin ni Brylle na tumatawa.
"Ahhh oo naman" sabi ko kay Brylle.
"Tara na. Balik tayo doon sa may nakitaan ko ng couple shirt kanina" sabi niya saakin. Hindi ko namalayan na nabayaran niya na pala yung bag na binili niya. Pumunta na kami doon sa unang store na pinasukan namin kanina.
Nung nasa tapat na kami pumasok na ako agad. Kasi gusto ko na ring mag pahinga 4;00 na kasi ng hapon. Hindi ko namalayan ang oras kanina.
"Miss magkano po yung couple shirt niyo?" Tanong ko doon sa sales lady.
"Ma'am para kanino po? Para sa inyo po ba ni sir?" Tanong saakin nung sales lady.
"Ahh hindi po magkaibigan lang po kaming dalawa" sabi ko doon sa sales lady.
"Ayyy sayang bagay pa naman po kayong dalawa ni sir. Sir ligawan niyo na si Ma'am" sabi naman ni ate. Hahaha kinilig ako doon sa sinabi niya.
"Hahaha ate may gf na po kasi ako eh" sabi naman ni Brylle.
"Ayy sayang naman" sabi ni ate sales lady na nakasimangot habang sinasabi yun. Problema ni ate hahah.
"Ate magkano po ba kukuha po ako ng isang pair" sabi ko naman kay ate sales lady.
"Ma'am 800 pesos po" sabi ni ate.
"Ahh sige po ate kukuhanin ko po siya" sabi ko kay ate.
"Ma'am doon na lang po kayo sa cashier magbayad" sabi ni ate sales lady.
"Ahh sige po ate. Salamat po" sabi ko naman kay ate habang nakangiti.
Binayaran ko na ka agad ying damit at umalis na kami doon. Nakakapagod rin pala mag libot libot sa mall. Ngayon na lang kasi ulit ako nakapunta dito.
"Tara na Brylle uwi na tayo" yaya ko kay Brylle.
"Ahhmm ayaw mo ba na kumain muna tayo. Libre ko na" sabi saakin ni Brylle.
"Ahh sige kain muna nga tayo. Nagugutom na rin kasi ako eh" sang ayon ko rin kay Brylle.
Pumasok kami sa isang restaurant. Di ko alam kung anong pangalan niya. Pero i think this is a chinese food chain. Ahhh bahala na basta makakain hahaha. Sana masarap ang pagkain dito. Umupo kami sa dalawang upuan lang. Syempre dalawa lang kami alangan naman na uupo kami sa pang apat hahaha.
"Anong gusto mo?" Tanong saakin ni Brylle. Hindi ko naman alam kung anong mga pagkain dito.
"Ahhmmm kung ano na lang din ang sayo. Hindi kasi ako familiar dito sa restaurant na ito ehh." Sabi ko na lang sa kaniya.
Pumunta na siya doon sa may counter at nag order na. Nakaupo lang ako at naghihintay sa kaniya. Sana masarap ang mga pagkain dito. Super gutom na kasi ako ehh. Nakatulala lang ako at maraming iniisip.
"Glexie andito na ang pagkain natin" pauulit ulit na sabi ni Brylle. Hindi ko kasi siya napansin na nadito na pala siya. Hayy dahil na rin siguro sa mga iniisip ko.
Kumain lang ako at hindi na nagsalita. Gutom na gutom na rin kasi ako. Masarap nga ang pagkain dito. Pag minsan aayahin ko nga si mama dito. Sigurado ako na magugustuhan niya. Pag katapos naming kumain ay umalis na rin kami doon at umuwi na. Hinatid na ako ni Brylle sa bahay namin.
"Thank you Brylle" pasasalamat ko sa kaniya.
"Ahhh walang anuman. Sana maulit natin ito. Sa susunod isama nanatin si kiya mo at si ate" sabi niya saakin.
"Sige mauna na ako. Ingat ka" sabi ko kay Brylle.
"Sige sige. See you" sabi niya saakin at tuluyan ng umalis.
Umakyat na ako sa kwarto ko at naligo. Pag katapos kong maligo ay humiga na ako sa kama ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Dahil na rin siguro sa pagod.
***
Note;
Guyzzz sorry at hindi ako naka update ng ilang araw. Babawi ako sa inyo promise. Marami lang po kasing iniisip na problema. Btw thanks for always supporting my story. GDBLESS!!! Labyaahh😘😘😘~Miss Meka~
BINABASA MO ANG
Danger
Teen FictionWag kang mahulog sa maling tao. Dahil panigurado masasaktan ka lang. I need a second chance. Hi guyzzz this is my first story sa wattpad..ahhmm sorry po kung may mga typo error na nagagawa ko po. At sorry rin po kung hindi ko po natutupad na tuwing...