Glexie's POV
Umagang umaga pa lang nagising na ako. Paano ba naman kasi tong si kuya. Umagang umaga nambubulabog pfftt... nakakainis siya dapat tulog pa ako ehh. 4:00 A.M pa lang nanggising na. Tsk ganoon talaga pag excited pumasok sa shool. Ako?? Never akong naging excited pumasok. Ang boring kasi ng life ko sa school. Although may mga friends naman ako pero hindi naman kami masyado nag sasama. Siguro dahil busy na sila at may mga jowa na. Ako na lang ata wala pang boyfriend saming magkakaibigan ehh.
Ohh siya babangon na ako para makapaghanda na rin. Naligo muna ako at nagbihis bago bumaba. Nakita ko si mama na nagluluto ng almusal namin ngayon. Si kuya busy kakalaro ng online games sa phone niya. Tsk ang adik talaga ng lalaking yan sa mga online games.
"Ohh umagang umaga napaka maldita mo" sabi ni kuya
"Paano ba naman kasi Glenxz ginising mo ba naman ng 4;00 ng umaga knowing your sister 10:00 na ng umaga yan kung magising" sabi naman ni mama
"Mama naman" yan na lang nasabi ko. Binilisan ko na lang kumain tsaka nag ayos na ng gamit para makasabay ako kay kuya. Di pa kasi ako pinapayagan ni mama mag drive baka daw kung ano anong kalokohan gawin ko.
Sumakay na ako sa kotse ni kuya. At sumunod na rin siya saakin. Habang nag da-drive si kuya may naisip akong pang asar sa kaniya.
"Kuya unggoy ang bagal mong mag drive hahahah" nakakatawa kasi siya pag naasar na.
"Ikaw batang makulit na bruha tumahimik ka na lang diyan" bawi ni kuya saakin.
"Hahahahaha pikon si unggoy" paulit ulit ko yun sinasabi sa kaniya. Habang naiinis na siya saakin ang sakit ng tingin niya saakin nakakatakot siya. Hahahah pero di pa rin ako takot.
Bigla na lang siyang nagpreno. Yun pala may nabangga kami babae. Lagot na. Bumaba si kuya at tinignan yung babae. Narinig ko naman yung usapan nilang dalawa.
"Miss ayos ka lang ba??" Tanong ni kuya doon sa babae.
"Sa tingin mo ayos lang ako sa lagay na to" sabi ng babae habang pinapalo ang kuya ko sa dibdib.
"Uyy miss chansing yan ahh" sabay ngiti ni kuya. Nabigla ako dahil minsan lang siya ngumiti.
"Wag kang feeling hindi kita type tsk" wow ha palaban si ate hahahah. Nakakatawa kasi silang dalawa bagay sila.
"Ang arte mo naman miss. Sa gwapo kong to imposibleng hindi ka mainlove tsk" smirk with smile ni kuya.
"Kung nainlove ako ngayon edi sana kinikilig na ako ngayon. Ibahin mo ako sa mga babaeng nagkakagusto sayo tsk" ang taray naman ni ate. Tumingin ako sa watch ko at nakita ko 8;30 na pala. Patay na late na kami ni kuya. Bumaba ako sa kotse at pumunta sa kanila.
"Kuya late na tayo tara na. Ate pasensya ka na po. Hindi po talaga namin sinasadya." Sabi ko na lang sa babae.
"Magkapatid ba talaga kayo. Ang sama kasi ng ugali ng kuya mo" sabi ni ate sabay smirk.
"Opo. Ganyan lang po talaga yung ugali ni kuya. Pagpasensyahan nyo na lang po siya." Sabi ko sa babae. Teka hindi pa namin alam ang pangalan niya matanong nga.
"Ate ano po-" tatanungin ko na sana siya pero naunahan na ako ni kuya.
"Miss ano nga pa lang pangalan mo?" Tanong ni kuya.
"Ray" sabi nung babae. Ahh so Ray pala ang pangalan niya. Bagay sa kanya.
"Ahh sige ate Ray alis na po kami late na po kasi kami ehhh" sabi ko na lang sabay hila kay kuya.
"Bye miss Ray" pahabol na sabi ni kuya kay ate Ray. Habang nasa sasakyan kami inasar ko si kuya kay ate Ray.
"Kuya may gusto ka siguro kay ate Ray. Kasi minsan ka lang kung ngumiti pero ang lawak ng ngiti mo kanina habang kausap si ate Ray." Asar ko kay kuya.
"Ahh hi-hindi ahh. Ang masama ko naman kung susungitan ko diba" sabi naman ni kuya.
"Ayy sus kuya deny pa ehh kinikilig ka na nga ehh" asar ko ulit kay kuya.
"Tumigil ka na nga Glexie andito na tayo ohh" sabi ni kuya. At napatingin ako sa labas oo nga andito na kami. Sayang aasarin ko pa sana siya.
"Bye ate Ray" last na asar ko kay kuya. And he gave me a deadly glare. Hahaha pero sanay na ako kay kuya.
Tumakbo na lang ako ng mabilis papunta sa clasaroom namin. At pagbukas ko ng pinto ay may tumira saakin sa ulo ng isang gusot na papel.
Napasigaw na lang ako sa inis. Dahil sa inis ko ay hindi ko napansin na nadito na pala ang prof namin.
"Miss Montana why are you shouting?" Tanong saakin ng prof namin.
"Sorry ma'am i will not do it again" sabi ko na lang sa prof namin.
Ang boring ng class namin ngayon. Wala akong ginawa kundi magsulat ng kung ano ano sa likod ng notebook ko. Hindi ko napansin na recess time na pala. Masyado siguro akong naaliw sa kakasulat ng kung ano ano. Niligpit ko na ang mga gamit ko at pumunta na sa canteen.
Habang naglalakad ako nakita ko yung lalaking nakabato saakin ng papel. Nainis ulit ako dahil hindi man lang siya nag sorry. Anong klaseng lalaki naman siya ang bastos di marunong gumalang sa mga babae. Hmmm makita niya lang talaga.
Nasa canteen na ako ng makita ko sa isang table ang mga kaibigan ko. Kumakain na sila hindi man lang sila nag aya. Nakakatampo na sila ahhh. Namiss ko pa naman sila.
Umupo ako sa tabi ni Kevy siya ang pinaka tahimik samin kilangan niya rin ng milo minsan hahahaha. Paano naman kasi walang energy pag minsan. Pero ok lang samin at least may kaibigan kaming tulad niya.
"Glex musta na?" Tanong saakin ni Eliana.
"Ayos lang naman. Kayo kamusta na? Miss ko na kayo" sabi ko naman sa kanila.
"Ayos rin naman kami. Namiss ka rin naman namin wag kang mag alala" sabi ni Kevy at Eliana.
"Ayyiieee kayo ahh di niyo man lang ako tenext na kumakain na pala kayo" sabi ko sa kanila na malungkot ang boses.
"Aysus ngayon ka pa nag drama parang di ka na nasanay saamin." Sabi ni Kevy. Simula kasi nung nagka bf na sila iniiwan na lagi nila ako. Sana mahanap ko na rin yung taong mag mamahal saakin. Pero hindi muna ngayon. Study muna aki ngayon.
Nagpaalam muna ako sa kanila na bibili ako ng pagkain ko. Nagugutom na rin kasi ako ehh. Habang naglalakad ako may nakabanggaan ako. Hindi agad ako nakatingin dahil napayuko at napa upo ako nung nakabangga ko siya. Pero nung tumayo na ako nabigla ako sa nakita ko. Si si....
Note;
Hahaha hulaan niyo po kung sino nakabangga niya. Update po ako bukas ng gabi. Abangan niyo po. Comment niyo na lang po kung alam niyo. Thank you. GODBLESS!!~Miss Meka~

BINABASA MO ANG
Danger
Teen FictionWag kang mahulog sa maling tao. Dahil panigurado masasaktan ka lang. I need a second chance. Hi guyzzz this is my first story sa wattpad..ahhmm sorry po kung may mga typo error na nagagawa ko po. At sorry rin po kung hindi ko po natutupad na tuwing...