Chapter 4

26 1 0
                                    


Glexie's POV.

10;00 ng umaga na ako nagising. Buti na lang at walang pasok ngayon. Kung hindi lagot na. Pupunta papala ako sa bayan at bibili ng pangbalot sa regalo ni ate Ray at sa regalo ni kuya.

Hmmm ano kaya ang ireregalo ni kuya kay ate Ray. Gusto kong malaman kung ano yun. Bumangon na ako at pumunta sa C.R para maligo at makapag handa na. Pagkatapos kong maligo at mag ayos bumaba na ako at kumain na ng umagahan. Masyado ng late para kumain. Nagugutom ako ehh.

Pagkatapos kong kumain at lumabas na ng bahay at naghintay ng taxi. Madalang lang kasi ang may dumadaan na taxi dito. Kaya  maglalakad muna  ako hanggang palabas ng subdivission. Nasa labas na ako ng may huminto na sasakyan sa harapan ko. Sino naman kaya ito. Bumaba siya at nakita ko si Brylle. Huh? Bakit kaya siya andito. Ano kayang gagawin niya?.

"Hi Glexie goodmorning" bati niya saakin.

"Hello Brylle goodmorning rin. Ano nga palang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya.

"Ahh magpapasama sana ulit ako. Ikaw anong ginagawa mo dito sa labas?" Tanong niya saakin.

"Naghihintay ng taxi pupunta kasi ako sa bayan para bumili ng pang balot sa regalo" sabi ko sa kaniya.

"Kung ganoon sabay na tayo pupunta din ako sa bayan. Magpapasama sana ako sayo" sabi  niya saakin.

"Ahh sige tara na" sabi ko sa kaniya. 6;00 pa naman ang umpisa ng party ni Ate Ray. Pumasok na ako sa loob ng kotse ni Brylle at tahimik  lang kami buong byahe. Malapit lang naman ang bayan sa may subdivission siguro mga 10 mins. Pag mag tataxi pag lalakarin aabutin ka ng 20 mins. Kaya ayokong  maglakad ehh. Nahlakad na nga ako papunta sa gate ng subdivission maglalakad ulit ako papuntang bayan hahah. Paano naman mga paa ko?

Hindi ko namalayan na andito na pala kami. Nalaman ko na lang ng tinawag ni Brylle ang pangalan ko. Bumaba na ako at tumungo sa mga pambalot sa regalo. Hayyy ang daming magaganda dito pero wala akong mapili. Kung pwede lang sanang lahat ng pambalot dito. Ipapangbalot ko na rin ehh. Pero bawal naman yun.

Hayy pipili na nga lang ng isa yung pinakamaganda para saakin. After ilang minuto ay nakapili na rin ako sa wakas. Pag katapos kong bayaran ay pumunta na ako kay Brylle magpapa alam na mauuna na akong uuwi para matulog ulit. Pero hindi yun ang irarason ko haha.

"Brylle mauuna na akong umuwi sayo" sabi ko kay Brylle.

"Ahh ano bang gagawin mo?" Tanong niya saakin.

"May gagawin pa kasi ako sa bahay tutulungan ko pa si mama" sabi ko  na lang sa kaniya. Ang galing ko diba.

"Ohh sige ihahatid na lang kita" sabi niya saakin.

"Ahh wag na lang mag tataxi na lang ako" sabi ko naman sa kaniya.

"Hindi. Ihahatid na lang kita baka kung anong mangyari sayo diyan sa daan. No buts at Sa ayaw at sa gusto mo ihahatid kita. Kaya tara na" sabi niya saakin sabay hila niya sa kamay ko.

"O-okay" yan na lang nasabi ko. Grabe naman kasi paghila niya sa kamay ko. Pwede niya namang sabihin eh. Bakit kasi binibigla niya ako. Yan tuloy hindi ako ready.

Sumakay na ako sa loob at tumingin ako sa labas. Grabe halos hindi na ako makapagsalita sa ginawa niya. Ahhh mag get over ka na Glexie may Gf na si Brylle bawal na siya ok. For friendship lang yun kaya wag ka ng mag assume na magugustuhan ka niya. Kalimutan mo na lang ang nangyari kanina. Naghinala ako kung bakit huminto ang kotse ni Brylle yun pala andito na kami.

"Hindi na kita inistorbo kasi busy ka kaka imagine mo" sabi  niya saakin. Ayy loko to ahh.

"Tsk hindi naman sadyang may iniisip lang" sabi ko sa kaniya with smirk. Bumaba na nga lang ako bago pa ako mainis. Tsaka na rin siya umalis. Nakakainis talaga yun.

Hinintay ko muna siyang umalis at ng makalayo na siya ay pumasok na ako sa loob ng bahay at pumunta na sa kwarto para ibalot ang regalo ko kay ate at kay kuya. Hahah sana nga lang maasar ko silang dalawa sa regalo ko.

After ilang minutes ay natapos na rin akong magbalot ng regalo pagkatapos nun ay natulog muna ako. 2:00 pa naman ng hapon kaya makakapagpahinga muna ako. Mag aalarm na lang ako para magising ako mamaya. At nakatulog na ako

***

Narinig ko na ang alarm ng phone ko at bumangon na. After 3 hours ay nakapagpahinga rin ako. Sarap sa pakiramdam. Kakain muna ako at maliligo na para makapagready na ako. Bumaba na ako at nakita ko si kuya  na nakabihis na. Wow ha!! Ang aga naman niya. Hahah feeling niya siya yung escort ni ate Ray eh hindi naman. Bahala nga siya diyan mag tataxi na lang ako mamaya.

Nakita ko si mama na kumakain na rin sinabayan ko na lang din siya.

"Ma bakit ang aga pupunta ni kuya sa birthday ni ate Ray?" Tanong ko kay mama. Kung nagtataka kayo kung bakit kilala ni mama si ate Ray. Yung magaling ko kasing kuya nakwento niya kay mama kaya ayun kilala na siya ni mama. At alam niyo ba nagustuhan ni mama si ate Ray.

"Hindi mo ba alam? Siya ang escort ni Ray. Kaya ayan excited masyado" sabi ni mama. What??? Siya ang escort ni ate Ray. OMG!! Napahiya ako doon ah.

"Ahh kaya pala ang aga ng magaling kong kuya" sabi ko kay mama with smirk.

"Anong sabi mo?" Sabi ni kuya. Patay narinig niya ako.

"Ahh wala sabi ko ang aga aga ng kuya kong gwapo" sabi ko na lang sa kaniya. Mahirap na pag sinabi ko ulit yun baka di niya na ako payagan pumunta sa birthday ni Ate Ray.

"Good. Sige ma aalis na ako. Bye ma bye bruha" sabi  ni kuya. Ay loko ahhh bruha ba naman ang sinabi. Nakakainis talaga yan. Hinayaan ko na lang baka di na siya makaalis pag tinuloy ko pa.

After kong kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko at naligo. Pagkatapos kong naligo ay nag bihis na agad ako. Simple lang ang suot ko long back black dress tsaka heels na silver. Pagkatapos kong mag ayos bumaba na ako.

"Ma alis na po ako" paalam ko kay mama.

"Ahh sige anak mag iingat ka hah. Balik ka kaagad" sabi saakin ni mama.

"Opo mama. Bye po" sabi ko kay mama.

Lumabas na ako ng taxi at nagulat ako at nakita ko doon si Brylle. What the??? Bakit siya andito.

"Bakit ka andito?" Tanong ko sa kaniya.

"Sinusundo ka. Bakit ayaw mo?" Sabi niya saakin.

"Sabi ko nga. Tara na" sabi ko sa kaniya.

"Ang ganda mo" pagpupuri niya saakin.

"Ayy sus bolera ka din pala" sabi ko  sa kaniya.

"Totoo ang ganda mo ngayon" sabi niya ulit saakin.

"Ahh tha-thank you" sabi ko sa kniya na nauutal utal.

"Hahaha ang cute mo" sabi niya saakin.

"Hmmp tara na nga male-late na tayo" sabi ko  sa kaniya at pumasok na ako sa loob ng kotse niya. Habang nasa byahe kami tahimik lang kami pareho. Hanggang sa makarating kami sa venue nung birthday party ni Ate Ray.

"Wow ang ganda naman" sabi ko. Totoo ang ganda sa labas pa lang maganda na. Paano pa kaya sa loob. Excited na ako pumasok pero humarangsaakin yung mga guard.

"Ma'am yung invitation niyo po" sabi saakin nung guard. Ayy shoot akala ko hindi na yun kailangan kaya hindi ko na dinala. Nakakainis naman.

"Don't worry i have one" sabi saakin ni Brylle. Buti na lang talaga. At tuluyan na kami pinapasok sa loob.

Wow as in wow ang ganda ng venue ng birthday party ni Ate Ray. Pero napatingin na lang ako doon sa stage kasi nandoon ang full name ni ate Ray. Akala ko pa naman Ray lang ang pangalan niya ang haba pala. Alam niyo ba kung ano??? Siyempre hindi pa kasi hindi ko pa sinasabi hahah.

Ito na sasabihin ko na. MARIA ALLIANE RAYLEIGH FLORES. Ohh diba ang ganda bagay sa kaniya. After 30 minutes nagsalita na yung emcee sa harap. At biglang tinawag ang pangalan ni Ate Ray at Kuya.....

***
Itutuloy.....

Note;
Hihihi sawakas nakapag update na rin. Sorry po kung ilang days na akong hindi nag a-update busy po kasi sa school. Hahaha plsss support pa rin po hanggang sa matapos po ang story ko. Thank you po!!! GODBLESS!!! LABYAAHHH😘😘

~Miss Meka~

DangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon