Manok

457 0 1
                                    

Manok

Isinulat ni April Gem M. Jagmoc

May dalawang magkaibigan na magkasabay lumaki sa isang orphanage. Sina Chelsea at Alexander. Gustong-gusto nilang umalis na ngunit hindi sila pwedeng paalisin dahil walang mag-aalaga sa kanila sa labas.      
Isang gabi, nagdesisyon silang tumakas na at sundin ang mga pangarap nila sa buhay.    "Nakagawa ka na ba nang plano kung pa'no tayo tatakas?" tanong ni Chelsea kay Alexander.       
"At ano naman 'yon?"        
Tumalikod si Alexander at kinuha ang isang manok sa loob nang kanyang damit.       
"Tinatawag ko itong CHICKEN WINGS!"    
"Isang manok? Seryoso ka ba?"      
"Oo at gamit nang aking inimbentong pakpak, makakatakas na-"     
Hindi na na ituloy ni Alexander 'yong sasabihin niya dahil paparating na ang nagbabantay sa kanila.      
"Halika na." Hinablot ni Alexander ang kamay ni Chelsea.   
"Sa tingin mo makakalipad tayo?"    
"Oo dahil may manok tayo at pakpak."   
"Hindi lumilipad ang mga manok!"   
"Lumilipad sila, lumilipad ka diba? (tanong niya sa manok), may pakpak sila kaya lumilipad sila."    

Hindi na sila nakatakas dahil nahabol sila ng tagabantay. Dahil sa pag-aaway nila sa isang manok.

DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon