Maniwala sa Maling Akala

403 0 0
                                    

Maniwala sa Maling Akala

Isinulat ni Merry Grace Torrevillas

Isang gabi nanaginip ang isang babae na nakakita siya at nakahawak siya ng mga magagandang paru-paro. Sobrang saya niya ng mahawakan niya ito dahil ngayon lang siya nakahawak ng ganong kaganda na mga paru-paro. Hindi na niya ito binitawan o pinakawalan dahil gusto niya itong ipasok sa isang bote upang hindi na makawala ng napasok na niya sa bote ang paru-paro ubod talaga siya ng saya. Sa tuwing matutulog siya ay palagi niya itong tinatabi pagnatutulog siya dahil sa ganda ng mga kulay ng mga paru-paro hindi na niya ito maiwasan na tignan palagi. Ngunit isang araw, bigla na lang siyang nagising at hindi niya inakala na nagagawa niya iyon hindiniya pala alam na ang akala niyang paru-paro ay isa pa la itong ipis na ipinasok niya sa bote. Sobrang nangdidiri siya sa ginawa niya kaya mula noon hindi na siya naniwala sa mga lumilipad na paru-paro dahil baka ipis lang ito.

DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon