Kaibigan

492 2 0
                                    

Kaibigan

Isinulat ni Neicole Louise T. Rodriguez

"Halika Tessa, hwakan mo itong laruan ko." sabi ni Violeta kay Tessa pumuta kaagad si Tessa at hinawakan yung laruan.     
"Laro muna tayo Violetta ha?" bulong ni Tessa kay Violetta.    
Patuloy na naglaro sina Violetta at Tessa sa kwarto ni Violetta. 
"Oy, nasira yung manika mo hahaha!" tawang-tawa si Tessa. 
"San na si Finch, Tessa?" tanong ni Violetta  "Hindi ko alam." 
Makalipas ang ilang oras     
"Violetta!" 
"Opo" sagot ni Violetta sa kanyang ina.     "Lumabas ka!" sigaw ni kanyang ina.    Binuksan niya ang pintuan at nagulat nalang siya dahil duguan ang baba at kamay ng kanyang ina.  
"Nay? Ano po ang nangyari sa iyo? ba't ang daming dugo dito?" tanong ng tanong si Violetta sa kanyang ina at takot na takot na ang bata sa nakita.  
"Violetta? Diba ito ang gusto mo?" napangiti ang inay  "Ha? ano ba ang pinagsasabi nyo!? Ano ba ang nangyari sa iyo?" takot na takot na si Violetta. 
"Violetta? Saan ka?" sigaw ni Tessa.     Lumabas si Tessa at tawang-tawa ito.   
"Oy Finch! Iba na naman ang pinaglaruan mo! tumigil ka na nga" sabi ni Tessa sa hangin.  
"Finch? Ano ba ang pinagsasabi mo? wala naman si Finch dito"     
"Dyan ka nagkakamali Violetta, nandito lang ako" sabi ng inay biglang lumabas si Finch sa likod ng kanyang inay at may dalang string at biglang natumba ang inay ni Violetta. Duguan ang kamay ni Finch.  
"Hi Violetta"  
"Ano ang ginawa niyo sa nanay ko Finch?"  "Wala naman akong ginawa, naglaro lang kami" sabi ni Finch na nakangiti.
"Ano yang hawak mo?" tanong ni Violetta.   "Sabi ko naglaro lang kami at ang nanay mo ang aking puppet" 
Pinuntahan ni Violetta ang inay na wala ng buhay.  "Gusto mo ba, Violetta?" sabi ni Finch kay Tessa.  Sumigaw si Violetta at tumakbo palabas ng bahay kaso inabutan siya nina Tessa at Finch at hinawakan ang leeg nito.  
"San ka pupunta Violetta? Naglalaro pa tayo diba" sabi ni Tessa.  Umiiyak na si Violetta dahil sa takot at nagmamakaawa ito.  
"Dito ka lang Violetta, maglalaro pa tayo kasama ang iyong magulang da itaas. Natutulog lang sila."  
Sa totoo, ginawa din nila ng puppet nina Finch at Tessa ang kanyang kapatid at si Violetta susunod.

DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon