-2: She's our PROBLEM-

310 6 0
                                    

“Huy mga shinyu’lets ahehehe musta?” pagsalubong sa kanila ng isa pang hyper na si Elisha. Napansin niyang  ang lungkot sa mukha ng mga shin’yu. “ What’s the matter with your sad face? Ang lungkot ng mga kashin’yulets ko. Teka asan si Lyn?”

“Exactly si Lyn ang cause ng sad face namin.” Halos magsabay- sabay na sila sa pagkakasabi

“Bakit?” nagtatakang tanong ni Elisha sa mga kaibigan.

“ Why don’t you try to talk to her, to know?” sabay- sabay ulit nilang sabi habang nakaturo sila dun sa babaeng nakaupo sa ilalim ng puno.

Nakinig naman si Elisha sa kanila at pumunta siya sa ilalim ng puno kung saan nandoon si Lynn a busyng- busy habang hawak ang cellphone niya. Pinagmasdan siya ni Elisha at hindi sya pinapansin nito

“ Hi Lyn” bati ni Elisha

“Hi” tipid na sagot nito

“ Lyn can I ask something? ”

“ Uhmm…” sagot nito habang hawak hawak parin ang cellphone nya.

“ What’s with your cellphone? You look so busy?”

“Oh come on!! Why are you like that pati narin sina Nicole genan siguro naiinggit kayo sakin no? kasi boyfriend ko si Marc. What’s wrong with you guys bahala na nga kayo dyan. And never talk to me again!!” sabi ni Lyn at iniwan si Elishang hindi makapaniwala.

“Anong problema nun? Nagtatanong laang? Ano daw syota nya yung Marc na playboy?” nasa isip ni Elisha

Bumalik na si Elisha sa bench kung saan nakaupo ang shin’yu. Lumipat kasi sila ng upuan.

“Hay naku! Tama nga kayo.” Sabay kuha sa fries ni Samantha. Umorder kasi ito nang wala si Elisha

“Bakit anong sinabi nya sayo?” tanong ni Nicole   

“What’s wrong with you guys bahala na nga kayo dyan. And never talk to me again” ginaya nya talaga the way kung pano sinabi ito ni Lyn.

*CRING CRING*

At nagsipuntahan na sila ng classroom nila…

*fast forward*

Mr. Young: Ok class dismiss…

Mabilis na naglabasan ang mga estudiyante kasi kanina pa sila bored na bored at ready to go out of the school na…

“Hey guys tara punta tayong park. Gusto ko kasing mag-enjoy since first day to ng school. ” yaya ni Samantha

“Sige sige!” sagot din ng kauri nyang hyper na si Elisha

“ Naku ate Samantha baka magalit si mama pag nalate tayo ng uwi ” paalala ng kakambal ni Samantha sa kanya

“Ai sayang… Musta na kaya si Lyn?”

“Hayaan mo na yun” sumabat ni Nicole

“Busy yun sa kakatext sa alam mo na…” sabi ni Elisha

“Sa bagay, cute naman yung lalaki hayaan nalang natin siya..at saka kasali yun sa 5 Princes  right?” tanong ni Nicole

“Yup! Pero ang pinaka-famous is Dylan Springfield..” sagot ni Samantha

“Wag nga kayong genyan… Huwag narin nating pag-usapan si Lyn.” Awat ni Shana kasi kanina pa niyang gustong umuwi at maglalaro ng wii.

“Sige una na kami ni Shana bye..”

Nagbeso-beso sila at umuwi na nga ang kambal.

Hindi na pinansin ng shin’yu si Lyn dahil wala rin namang pakielam sa kanila ito… Hindi pa genun kalala ang sitwasyon kasi kahit na  naadik si Lyn sa cellphone ay nag-aaral naman siya pag malapit na ang exam at nakakapasa naman siya.

*

“Hay kakatamad mag-aral” sabi ni Lyn habang nakatingin siya sa mga libro nya na nakapatong sa kanya study table…“Makatulog na nga lang ulit at bukas ko na lang pag-aaralan yung ieexam”

Humiga siya sa higaan niya at nakita niya ang cellphone niyang nakapatong sa side table.

From: Marcloves…

Text text sa hindi busy… Kakatapos lang magreview para sa third quarterly exam…

Tinext nya ito.

To: Marcloves..

Musta? Ang sipag naman niya…

From: Marcloves

Syempre di  dapat binabaliwala ang studies…

At nagkatext na nga sila buong gabi, madaling araw na nang makatulog ang dalawa…

“ Shit! Anong oras na? Hala late na ako tapos hindi pa ako nakakapagreview…” sabi ni Lyn na kakabagong gising lang…

Nag-ayos na siya ng sarili at nagmadaling pumunta sa classroom nila at nadatnan ng may teacher.

“Phew. Buti nalang nangungulekta palang ng permit” sabi niya sa sarili niya at dali daling pumunta sa assign sit nya buti nalang at Y ang first letter ng apilido nya kaya sa hulihan siya nakaupo.

“Ms. Yamamoto “tawag sa kanya ni Mrs. Reyes ang kanilang terror na adviser. Inabot na nya ang permit niya at nagsimula nang magtake ng examination.

“SHiz! Bakit ang hirap ng exam >.< wala pang choices. Identification lahat… POTEEEEEEEEK! Hindi pa katulad nung nakaraang exam. Aray naman… Tapos hindi pa ako nag-aral malas naman ow.” sabi ni Lyn sa sarili nya. Wala siyang nagawa kundi hulaan nalang ang mga sagot.

UNBREAKABLE FRIENDSHIP Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon