Chapter 3

48 2 0
                                        

Jello's POV

"Hey Jello!" bati sakin ni Kuya Froilan

"Yoyoyow!" Lapit sakin ng kambal, "Oy pre, may chicks tayong tuturuan ngayon." Bulong ni Ryu.

"Ang ganda niya jel!" sabi nman ni Xander.

"Oh? Anong gagawin ko?" tanong ko sa kanila, para naman kasing interesado ko sa mga babae. As I know, Iiwan ka lang ng mga yan. Pshh.  -___- 

" Kahit kailan ka talaga! Bakla!" Whatever. Mga utot sila.

Tas anong meeting naman to, akala ko para sa dance competition. And here,

"Jello! Si Angel nga pala." Pagpapakilala sakin ni Kurt don sa babae.

Guess what? HAHAHA Yung babaeng bulag. Siya pala ang tuturuan san naman kaya nila to nakilala? Siguro nabunggo din sa kanila.

" Angel, And that's Jello, siya ang pinakabata samin and mas maganda kung sa kanya ka magpaturo, siya pinakamagaling magskateboard samin. Jello ilan taon ka na nga ba?"Si Kuya Froilan talaga, Pshh. Pagpapakilala niya sakin don habang yung labas gilagid na namang ngiti niya ang bumubungad sakin. Whatda? Alam naman niyang hindi ako kaano sa babae e. Trip na naman ako ng mga to. Buset.

" 16. And bakit ako magtuturo diyan? So Angel pala pangalan ng pungok na babaeng bulag na yan?"

" Oh. Nice meeting you din Jello." sarcastic na sabi sakin nung Angel na yun.

"Wait wait nga, ano ba meron?"

"Magkilala kayo?" tanong nila.

"Ahh, Ya..." pagputol nung Angel na yon tas,

" Yan lang naman ang bukod tanging lalaking nakilala kong laging may menstruation talo pa ang menopause sa pagkasungit!" Ahh, ano daw? Tas nagsitawanan sila. Nakakaletche tong babaeng to ah!

" Wag kang mag-alala ikaw lang din naman ang nakilala kong babaeng pungok na bulag na laging nabubungo sakin. Ano nagwapuhan kaba sakin?"

" Ano? Ano? Ano kamo? Hindi ako pungok sadyang panghigante lang yang height mo! At ano? Nagwapuhan? May krung krung kaba? Wow. Lakas ng Fighting spirit natin a?" sabi niya sakin habang papalapit sakin na parang naghahamon ng away. Aba ang tapang naman neto. *smirk*

" Oh? Talaga? Ang lakas naman ng loob mo?" Tas yumuko ako sa kanya tas nilapit ko yung mukha ko sa kanya na SOBRANG lapit, BWAHAHAHA kala niya ah. Ang cute niya din pala no, so iniwan ko siya don na namumula ang buong mukha.

"넌 정말이라니깐 짜증 나는!" sigaw ni punggok. [Non jungmal ilaniggan jjanjeung naneun!;you are so freaking annoying!]

Crazy Fantasy ^OnHold^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon