Edited
Sandra's POV
Tinignan ko ang relo ko, 6:43 PM na pala. Well, kaninang umaga lang kami dumating dito sa Resort na pagmamay-ari ni Drex.
Nasa kama pa rin ako at iniisip kung lalabas ba ako o hindi. Kase nasa labas na talaga ng kwarto namin ni Dwayne sina Jade, Sunny at yung pasimuno si Baklang Alex. -_-
Hinihintay kase nila akong lumabas. For sure, papasuotin na naman ako ng mga yun ng bikini...Ehh Ayoko! Nakakahiya yung damit na yun. Kitang kita ang balat ko...
Tumayo muna ako at nagbihis ng Malaking T-shirt at shorts. Inayos ko muna ang buhok ko para malinis akong tingnan.Nakita ko si Dwayne na natutulog sa kama. Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan ang Gwapo nyang Mukha..
Para syang anghel na nahulog sa lupa.
"Gwapo.. mo talaga...Baby.."sabi ko at hinawakan ang ilong nya gamit ang index finger ko.
Dwayne... I Love You! So Much!
Tandaan mo 'Yan lalake ka! Lumapit ako sa mukha nya at pasimpleng hinalikan ang lips nya.. Pero smack lang.
"Hmmmmm........."he groans.
Lumayo agad ako sa kanya para hindi nya ako mahuli na pinagmamasdan sya at baka asarin na naman ako nun, mahirap na. Nakita kong dahan-dahan nyang inimulat ang mga mata nya. Nakatingin pa rin ako sa kanya.
Bigla syang bumangon. Nung bumangon na sya di na ako tumingin sa kanya.
"Baby, Anong oras na?"tanong nya sakin. Tiningnan ko ulit yung relo ko.
"6:45 na Dwayne. Bakit?" Sabi ko sa kanya pero habang nagsasalita ako nakatingin lang sya sa mukha ko...
Huh? Weird. Talaga nya.. Nagtanong na ako sa kanya pero hindi pa rin sya nagsalita at nakatingin pa rin sa mukha ko.
"Dwayne, may dumi ba ako sa mukha?"nag-aalala kong tanong.
Bumalik na sya sa kanyang sarili.
"Ano 'yun, Baby?"tanong nya ulit.
"Ahhh.. itatanong ko lang sayo kung sasama ka ba sa party nila, Drex, doon sa labas. Kase sinusundo na ako nila Alex."sabi ko.
Nakita kong napaisip sya.
"Umm.. Sige sabay na tayong pumunta."sagot nya.
"Okay. Sa labas muna ako, magbibihis kasama sina Baklang Alex."sabi ko at akmang tatayo na nang bigla nya akong yakapin sa likod.
Nabigla naman ako sa ginawa nya sakin.
"H-Haa??... Bakit, Dwayne?"tanong ko sa kanya.
Kumawala sya sa pagyakap sakin. Humarap naman ako sa kanya.
"Dito ka lang, Baby."sabi nya at ngumisi.
Hmmmm....
Parang Alam ko 'tong Ngisi na 'to..
Hmmmmm....
"Pagtitripan mo naman yata ulit ako, Dwayne."sabi ko sa kanya at nag-pout.
"Hindi.. hindi ko gagawin 'yun, no?"depensa nya.
"Are you sure with that Mr. Hamilton?"tanong ko sa kanya.
Nilapit ko ng kaunti yung mukha ko at itinaas ang kilay.
"Yes! Baby.. Promise kapag pagtripan kita sakali hahalikan mo ako ha?"maloko syang ngumiti.
"At bakit ko naman gagawin 'yun?Haah?"masungit kong tanong.
"Para matauhan ako."sabi nya. Namula ako sa sinabi nya.
Shocckkss !!! Grabe... Lahat ng dugo ko pumunta na sa mukha ko. Kyaa!! Sino naman ang hindi kikiligin sa sinabi nyang 'yun? Tumango na lang ako.
"Kukunin ko lang ang susuotin ko ha?"paalam ko sa kanya.
"Okay."
Lumabas na ako sa kwarto at nakitang naghihitay silang tatlo sakin.
"Mga Bess, may damit na kayo??"excited na tanong ni Sunny samin.
"Oo."
"Wala ako."
"Yeah!"
Ako lang yata ang walang maisusuot.
"Bakit wala kang swimsuit, Sandra?"nagtatakang tanong ni Jade.
"Haysss.. bakla, nagdala ka sana ng maisusuot mo."sabi naman ni Baklang Alex.
Gago, talaga 'tong baklang 'to. Hmmpp!!!
"Sige..alam ko na ako ang may kasalanan okay? Hindi ko kase planong maligo."sabi ko.
"Ahhhh...."Jade, Sunny at Baklang Alex.
"Meron bang shop dito ng swimsuit?"tanong ko sa kanila.
"Meron yata, malapit sa entrance ng Resort doon, may shop."sabi ni Jade sakin.
"Salamat sa information, Jade ha?"sabi ko at ngumiti.
"Hahahaha!Wala yun no?"sabi nya habang tumatawa.
"Kukunin ko muna ang pera ko."sabi ko at pumasok.
"Bibili muna ako ng swi--Wahhhh!"naputol ko na lang ang sasabihin ko nang makita si Dwayne na nagbibihis ng damit na susuotin nya.
"Waahh!! Dwayne bakit ganyan ang suot mo?"tanong ko sa kanya.
"Ito na lang. Aksaya lang ng panahon ang pumili."sabi nya habang kinakamot ang ulo nya.
"Nggee??... Magsuot ka ng Swimming Trunks, ano ka ba?"sabi ko sa kanya.
"Aiissh.. sige na nga."sabi nya.
"By the way, bibili muna ako ng swimsuit."sabi ko at kinuha agad ang sling bag ko.
Lumabas na ako sa kwarto dahil alam kong magbibihis ulit si Dwayne. Baka asarin naman ako nun o tatawanan. Sisiguraduhin ko na kapag tatawanan ako ng lalaking yun, susuntukin ko sya agad sa mukha. Hahahah..
•••••
Whaaa updated done sorry Kung short update Lang...
Don't forget to😂👇👇
Vote • Comment • Share
BINABASA MO ANG
President Dwayne's Obsession ( Under Revision)
Teen FictionThis story contains MATURE CONTENTS so OPEN MINDED are only allowed to read this story..... P.S PLAGIARISM IS A CRIME ••• Book covered by : ALEXNIFICENT ••• Date started: October 14, 2017 Date ended : ----- Vote • Comment • Share