PROLOGUE

415 13 1
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events, locales, or incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


Beyond Raging Waves


Semira



"Bilisan mo, Semira" iritang sabi ni Loea at kinuha ang kanyang surfboard. Nagmamadali naman itong bumaba ng hagdan patungo sa dagat. Bumitaw naman ako kay mama at mabilis na tumakbo patungo kay Loea.

"Wag masyadong lumayo!" rinig kong sigaw ni papa. Tumango naman ako at agad na nagtampisaw sa dagat. Sinabuyan naman ako ni Loea ng tubig habang nakaupo ito sa kanyang surfboard. Mahilig kami pareho sa surfing at ipinangako namin sa isa't-isa na kami ay magiging isa sa pinakamahusay na surfer sa probinsiya namin.

Maliit na isla lang ang Connell at pagmamay-ari ng pamilya ko, kaya solo namin mga Mague ang dagat na nakapalibot dito. Nasa gitna ng isla ang Hacienda Mague, at ang farm kung saan nagsusuplay ng pagkain namin. Hindi naman gaano kalayo ang syudad kaso kelangan mo pa tumawid sa dagat para makarating doon.

"Paglaki ko, ako ay magiging isang kilalang surfer sa Probinsiya natin" saad ni Loea. 

"Ako naman kilala sa buong Pinas, tapos ako ang iyong kalaban" asar ko at tumawa. Inikotan niya lang ako ng mata at nagsimula mag surf sa malambing na alon.

Nang makaramdam na ako ng gutom ay bumalik naman ako sa kubo para kumuha ng pagkain. Lamang ng dalawang buwan si Loea sakin kaya ako ang pinakabunso sa pamilya namin. Nagkasakit si mama kaya di na ako nasundan pa ng kapatid. Si Loea lang din ang kaedad ko kaya siya lang palagi kong kalaro.

"Happy Birthday, Semira" bati sakin ni Tito nung makabalik na ako sa kubo. "Ilan taon na ang aming munting Maria?"dagdag nito. Agad ko namang itinaas ang aking sampung daliri bilang indikasyon na ako ay sampung taong gulang na.

"Mukhang may paparating na bagyo" wika ni ate Sarina kaya napalingon ako sa makulimlim na ulap. Medyo lumalakas na rin ang hangin at mga alon kaya bumalik ako sa dagat para tawagin si Loea.

Nung pagkabalik ko, tanging ang surfboard niya lang ang nandoon. Hindi naman iyon basta-bastang iiwan ni Loea

"Loea!"sigaw ko. Pakiramdam ko lumalakas na ang alon pero di ako mapakali na di makita si Loea. "Loea!" sigaw ko ulit.

"Semira, umahon kana dyan! may malakas na ulan na paparating!" sigaw ni mama habang nagmamadaling tumakbo patungo sakin. Ramdam ko na ang malakas na alon, buti nalang nahawakan agad ako ni mama at naiahon sa dagat.

"Mama, si Loea nawawala" naiiyak kong sabi. Agad naman nanlaki ang mga mata ni mama at agad na tinawag sila tito at tita. 

Agad na sumisid ang papa ko at ang kapatid niya sa tubig upang hanapin si Loea, samantalang ako ay hinila nila ate at kuya palayo sa dagat. Nauna kaming umuwi magkakapatid at naiwan sila mama, papa, tito, at tita sa dagat nagbabakasakali na makita pa si Loea. Wala akong tigil na umiiyak hanggang nakarating na kami sa Hacienda. Pinapakalma naman ako ng mayordoma at binihisan.

Nagkulong lang ako sa kwarto at nakatingin sa dagat. Tanaw naman mula sa Hacienda ang dagat, lalo na't nasa pangalawang palapag ang aking kwarto. Tila ang puso ko ay nadurog at nawalan ako ng gana. Lagi akong nagdadasal na sana ay makita na nila si Loea. 

Nagising nalang ako nang marinig ko ang sigawan nila tita. Hindi ko masyadong maintindihan ang kanilang pinagsasabi. Ngunit natitiyak kong hindi parin natagpuan si Loea. Hindi nagproseso sa utak ko ang sitwasyon ngayon. Malakas parin  ang ulan na may dalang pamalo ng hangin. 

Malakas ang ulan at hangin, at nawawala si Loea.


Beyond Raging WavesWhere stories live. Discover now