Chapter 2: Imaginations

1.3K 60 9
                                    

Nadine’s P.O.V

“Nadine! Try this one! Sigurado akong bagay ‘to sa’yo!” sabi ni Yassi sabay hagis sa akin ng isang backless white dress.

Napilitan nalang akong pumasok sa loob ng fitting room at sinukat iyon. As if naman may magagawa pa ako, eh ‘yun pa, shopping monster ‘yun. Sigurado akong gagawin nanaman niya akong barbie doll. Bibihisan at me-make-upan. Err..

Nang masuot ko na, lumabas na ako ng fitting room.

“Ano? Okay na ba ‘to?” nababagot kong tanong.

Napakunot ang noo niya, “Masyadong kita ang skin mo sa dress na ‘yan. Ayoko niyan! Mababastos ka! Try mo nalang ‘to!” sabay hagis ulit sa akin ng isang pink tube dress.

Bumagsak ako sa upuan na nasa tabi ng pintuan ng fitting room.

“Ayoko na Yassi! Pagod na pagod na talaga ako!”

“What?! No! Last na talaga ‘to! Dali na bestfriend, last na talaga ‘to promise! Nakabili nanaman tayo ng shoes eh! Meron na rin akong napiling dress! Ikaw nalang yung wala pa. Kaya sige na! Puh-lease!” nag-puppy eyes pa ang bruha—I mean, dyosa.

Binigyan ko siya ng death glare. Argh! Bakit ba kasi hindi ko siya kayang tiisin? Ayan tuloy! >.<

Pumasok ulit ako sa loob ng fitting room at isinukat iyon. Nakakainis, nakakainis. Bakit parang nahipnotize ako ng cute niyang mukha? Parang inuutusan akong isukat tong dress na ‘to. Watda! Don’t tell me may ability ang bestfriend kong mag-hipnotize?!

Napatingin ako sa pink tube dress na hawak ko, tsk. Mukhang hindi naman bagay sa akin ‘to. Ang ganda ganda lang tapos ipapasuot sa panget? Marurumihan lang ang malinis na ito. Pero teka nga, panget ba talaga ako? AHH! Malamang oo! Hindi ako mapansin ni JamesBabes ko eh!

Isinuot ko na iyon. Tch. Malamang pagtingin ko sa salamin ay makakakita ako ng mangkukulam na naka-pink na dress.

Marahas kong nilingon ang mukha ko sa salamin. Halos lumuwa ang mata ko sa nakita ko. WAAAA! Totoo ba ‘to? For real? Dan dan dan! Ay ano ba ‘yan, paano napunta sa Nesfruta ang topic? -_-

Pero... totoo ba talaga ‘to?! AKO BA ‘TO? O baka naman impostor ko lang? Pinisil pisil ko ang pisngi ko para mabalik sa realidad pero ‘yun pa rin ang nakikita ko sa salamin.

Alam niyo ba ang nakita ko?

Nakikita ko ang isang babae na naka-pink na dress. Kulot ang buhok at kayumanggi ang kulay ng balat. She looks... GORGEOUS. Pero teka nga, sino ba ang nakaharap sa salamin? Sino ba ang nirereflect ng salamin? Hindi ba... AKO?

So.. ako talaga ‘tong magandang dilag na ‘to? Waaaa! Sana hindi ‘to panaginip! Sana hindi! For the first time in the history, nagmukhang tao na rin ako! Yehey! Let’s celebrate!

Napatulala nalang ako sa salamin ng biglang sumingit sa utak ko ang mukha ni JamesBabes. Hay.. so gwapo talaga. Ano kayang mangyayari kapag nakita niya akong ganito? Magagandahan kaya siya sa akin? Ano kayang magiging reaksyon niya? AHHH! Ang sarap naman isipin! <3

Once Upon A Fangirl (JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon