Chapter 1: The Start

1.5K 62 4
                                    

Nadine’s P.O.V

“Ohmyghad James Reid! Shetnesses! You’re so gwapo! So nakakakilig!” sabi ko habang yinayakap ang unan na may print ng mukha ni JamesBabes ko.

Oh, Hi. Ako nga pala si Nadine Alexis Lustre. I am a super Fangirl of James Reid! Bukod kasi sa napakagwapo at napakahot niya, mabait din siya. He is my ideal man, my dream guy, my one and only bias. Hindi na ako nagtataka na baka isang araw ay magising akong katabi ko siya sa kama, malamang panaginip lang ‘yun. Hay, kawawa naman ako! Hanggang pagpapantasya lang talaga ako kay JamesBabes ko! Ahuhu.

*tok tok tok*

Oww? Sino naman kaya itong kumakatok?

“Nadine? Nandiyan ka ba?” teka, boses ‘yun ni Yassi ah!

“Oo! Pasok ka!” sagot ko pabalik.

Bumukas ang pinto at iniluwal nun si Yassi, ang aking dyosang bestfriend. Na uh uh! Totoo ‘yun! Ang ganda niya kaya! Pwedeng pwede ng isali sa Ms. Universe!

“What ‘cha doin’?” tanong niya. Oh, nakalimutan ko nga palang sabihin! Lumaki sa America si Yassi kaya mas sanay siyang mag-english, pero nagtatagalog din naman siya. Haler? Nasa Pilipinas kaya tayo!

“Eto, dreaming about JamesBabes ulit!” I said with a matching giggle pa.

Binatukan niya naman ako, “Baliw ka talaga ‘no? Stop that nonsense! Enjoy summer! Magpakasaya ka habang wala pang pasok!”

“Masaya naman ako kapag nagpapantasya kay JamesBabes ko eh.”

Binatukan niya ulit ako, “Aray ha! Nakakadalawa ka na!” sabi ko pa ulit.

“Ewan ko nalang sa’yo Nadine ha! Stop dreaming okay? Face the reality! Accept the fact na hanggang Fangirl ka lang niya.. Na isang hamak na fangirl na hinding hindi maaabot ang idol niya.”

“Bigwords!” sabi ko at inirapan siya, “Pero ouch talaga ah! Ang sakit mong magsalita!”

“I’m just telling the truth for you to wake up, because I care for you. You’re my bestfriend, remember?” tumango ako sa sinabi niya.

She patted my head at naglaptop siya sa kama ko.

“Oy. Anong ginagawa mo?”

“Can’t you see? Kita mo namang naglalaptop ako ‘di ba?”

“Hindi. Ang ibig kong sabihin ay anong gagawin mo sa laptop ko!”

“I will just check Andre’s prof—No, I mean.. I will just check my Profile. Hehehe..” sabi niya. Tss. Peke yung tawa niya. -_- Alam kong mag-iistalk nanaman siya sa profile ng crush niyang si Andre. Hay nako, yassi talaga oh, super pakipot.

Papunta na sana ako sa banyo ng biglang tinawag ni Yassi ang pangalan ko.

“Hey, Nadine, bestfriend! Magbihis ka na din ng pang-alis ha? Pupunta tayo ng Mall? Okay?” masiglang sabi ni Yassi.

Napalunok ako ng hindi oras, “O-o-okay.”

You see, shopping monster kasi itong si Yassi. Pero hayaan na, ang tagal ko ng hindi nakakapagshopping! At tulad rin nga ng sabi ni Yassi.. “Enjoy Summer!”

-----------------------

Ang crappy lang ng storya ko. :3

Ahaha! Joke, sariling gawa sariling lait? NOOO! Pagagandahin ko po! Swear! Hindi ko lang po alam kung magugustuhan niyo yung next chapter.. :)

Once Upon A Fangirl (JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon