Chapter 3: Choose

1K 59 7
                                    

Nadine’s P.O.V

“WAAAAAAAAAAAAAH!”

Pagkalabas na pagkalabas namin ni Yassi ng Dress Shop, ay agad namang sumalubong sa amin ang isang nakakabinging tili na nanggagaling sa gitna ng Mall. Sa gitna kasi ng Mall ginagawa yung mga Mallshows. May stage doon.

“Anong meron?” nagtatakang tanong ko.

“Ewan ko.” Nagkibit-balikat si Yassi.

“Tingnan natin?”

“Sige. Pero wag tayong sisingit ha? Masisira ang look natin..” sabi ni Yassi.

Ang arte talaga kahit kailan. -3-

Naglakad lang kami palapit sa gitna ng Mall. Ayaw naming makisiksik. Baka mapichit pa kami! Ang dami kayang tao! Punong puno yung gitna! Tapos pati yung 2nd at 3rd floor nakikisigaw na din! Ay, ano bang meron?

Sa wakas, nakalapit na rin kami pero hindi ko pa rin maaninag kung sino yung lalaking nasa stage.

“KYAAAAAAAAAH~!” sigaw ng mga kababaihan.

Aysus. Ang lalandi lang. Pero, sino ba kasi? Arista ba ‘yun? Singer? Dancer? Si Coco Martin ba? Si Enrique Gil? Si Daniel Padilla? O si...

“Shet! Ang gwapo ni James Reid!” sigaw ng katabi ko.

Parang nabingi ako..

Ewan ko ba, napatulala na lang ako sa lalaki sa stage.

Wala akong marinig, halos hindi ko marinig yung tili ng mga kababaihan..

At doon ko lang napatanto na..

“Huy babae. Tulala ka diyan!” kinalbit ako ni Yassi.

Oh my gosh..

“Uhmm.. Hello?! Naririnig mo ba ako?!” sabi ulit ni Yassi.

Si James Reid..

“Nadine!”

Nandito si James Reid..

“Nadine Lustre!”

Nakikita ko siya! Nakikita ko si James Reid!

“Nadine Alexis Lustre!”

Kumakanta siya! Ang ganda ng boses niya!

“NADINE ALEXIS PAGUIA LUSTRE!”

Shet. Mamamatay na ata ako..

*SLAAAAP!*

Once Upon A Fangirl (JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon