JUSTINE'S POV
"Aalis ka na ba talaga?" malungkot na tanong sa'kin ni Alex. Bestfriend ko na pinsan ko rin.
"Oo eh. Kailangan." sabi ko sa kanya nang may pilit na ngiti.
"Bakit ba kasi ayaw mong tulungan kita."
"Alex, nakakahiya sa'yo! Andami ko na ngang perwisyong binibigay sa'yo eh."
"Hindi ka naman nakakaperwisyo eh! Ayos lang talaga sa'kin, promise."
"Paki bantayan mo na lang si Jaycee ha."
"Hays. Sige na nga."
Inayos ko na lahat ng mga gamit ko para mamaya sa pag-alis ko.
"Bye, Alex." niyakap ko s'ya sa huling pagkakataon. Niyakap n'ya ako pabalik.
"Ihahatid na kita."
"'Wag na. Walang kasama si Jaycee dito. Samahan mo na lang muna, please." pakiusap ko sa kanya. "Tsaka magkikita naman kami ni Kobe sa airport. Sasamahan n'ya ako."
Humiwalay s'ya sa yakap. "O sige. Basta mag-iingat ka ha? Balitaan mo ako kapag nasa Pinas ka na."
"Oo."
Hinila ko na 'yung bag ko at saka lumabas. Hinatid naman ako ni Alex hanggang do'n sa gate nila. Aalis na dapat ako nang may marinig akong tumatakbo papunta sa'kin.
"Ate?" halatang bagong gising pa s'ya nung tinawag n'ya ako. Sht. Wag naman ngayon, please.
"Yes, baby?" nilingon ko s'ya.
"Saan ka pupunta?" kinusot kusot pa n'ya ang mata n'ya. Nakita n'ya ang bagaheng dala ko. "You'll leave me?" halos paiyak na n'yang sabi. Oh noes.
Jaycee... Sa lahat ng tao sa buhay ko, s'ya yung pinakamahirap iwanan. We depend on each other. Sa kanya ako kumukuha ng lakas at ganon din s'ya sa akin. Pero kailangan ko 'tong gawin. For him.
"Babalik naman ako eh. Promise. You won't need to worry about me. Tsaka for the meantime, sina Auntie muna ang mag-aalaga sa'yo hanggat wala pa ako."
"No! I want to go with you! Ate naman eh!" nagsimula na s'yang umiyak.
Lumuhod ako para maabot ko sya at saka ko s'ya niyakap. Hindi ko na rin maiwasan ang maiyak. I don't want to leave him. But I have to.
"Baby, please? Promise ko sa'yo pagbalik ko, madami akong pasalubong na toys. Babalikan kita, promise. Tsaka diba big boy ka na? Hindi ka na baby diba? Big boys don't cry." pagpapatahan ko sa kanya.
Lumapit na din sa amin si Alex. "Oo nga naman, Jaycee. Babalik din naman kaagad si Ate mo. Promise nga n'ya 'yon diba? Tsaka big boy ka na. You should not cry." pagpapakalma din niya kay Jaycee kahit s'ya na mismo ay naiiyak na.
Tumahan naman si Jaycee. "Promise me, Ate! You should come back here in the US okay? Please also call me often. I will really miss you." pilit n'ya ring pinapatahan ang sarili n'ya. That's my boy. You should be strong like me.
Tumango naman ako. "Yes, baby. A promise is a promise." sinuklian ko s'ya ng isang ngiti. "But also make a promise, Jaycee."
Kumunot naman ang noo n'ya. "I should behave?"
"Yes, you should. But I want you to promise me na pagbalik ko dito, magaling na magaling ka na. Ate will worry about you if you won't. D'you want that to happen?"
"No! You told me that making someone worry means making them upset at the same time. I don't want you to be upset, Ate. Aryt, I'll keep my promise." nginitian n'ya ako. Napangiti rin ako.