Chapter 3

28 1 1
                                    

*blag*

OH MY GULAY.

Ano yung nabasag? Wala namang tao dito ah? Baka pusa...

"Aray!" narinig kong sigaw ng isang lalaki sa may kusina. Sino yon?! Magnanakaw?! Jusko naman. Kalilipat ko lang, mananakawan agad ako?! Joke ba toh?!

Lumabas ako sa kwarto at kumuha ng isang pamalo. Dahan dahan akong lumabas para hindi marinig nung magnanakaw.

Nakita ko na sya. "He's wearing a black jacket, black pants, black ball cap, black mask and black shoes. Yung balat lang nya yata ang nakikita ko eh. Maputi kasi sya.

Hinanda ko na ang pamalo ko at umambang papaluin na sya pero sunubukan nyang pigilan ako.

But it's too late. Nahampas ko na sya.

"Sht! Ansakit! Ba't mo ba 'ko hinampas?!" pasigaw na sabi nya sa'kin dahil sa sakit ng hampas ko. Abah! Eh baka nakawan nya ako noh!

"Magnanakaw ka 'no?!"

Pinanlakihan nya ako ng mata. Sino ba kasi sya?! "Ako?! Magnanakaw?! Eh mas mayaman pa ako sa'yo eh!"

"Bakit ka ba nandito, ha?! Sino ka?! Hindi naman kita kilala!"

"Ako?! Hindi mo 'ko kilala?!"

"Kung kilala kita, hindi sana kita tinatanong ngayon."

"Hindi ako masamang tao, okay? Nandito ako sa bahay mo, kasi hindi naka-lock yung pinto mo. Hinahabol ako ng fans ko dahil nakita nila ako sa labas so I have no choice but to enter your house. Ito na yung pinakamalapit na pwede kong pagtaguan!"

Processing...

FANS?! REALLY?!

Napahagalpak ako ng tawa. Sya?! Fans?! HAHAHAHAHA joke ba sya?!

"What?! Totoo naman ah."

Kinuha nya ang cellphone nya at nag search sa google. Tinype nya ang pangalang "Ethan dela Torre" at lumabas ang mga pictures na kamukha nya. Oh? Tapos? Anong meron don??

"Then?"

"Slow ka rin eh, ano?"

I rolled my eyes at him. Hindi ako bobo! Alam kong mga sikat na tao lang ang na-se-search sa google. Fine! Sige! Artista s'ya! Eh anong pake ko? Malay ko ba... baka adik 'yan.

"I get it, okay? And for your information, I don't care if you are the most famous person in the world. You're trespassing! You invade someone's privacy!"

Pinanlakihan n'ya ako ng mata. I know I'm weird for acting like this. Sorry pero hindi ako katulad ng iba dyan na pag nakakita ng artista eh magtititili at magpapa-autograph and such. "I'm not!"

"You are! Ni hindi nga kita kilala eh! And I'm 101% sure that you don't know me, too! Pero basta-basta ka na lang pumapasok sa bahay ng may bahay! You can't use your name as an excuse!" nasigawan ko na talaga s'ya. Natahimik s'ya. Mabilis ang paghinga ko pagkatapos kong magsalita. Habang sya, tamad na nakatingin lang sa akin. What's with this guy?!

"You done? Can I already explain or you still have something to say?"

"Nothing."

Tumikhim s'ya. "Fine. First of all, I am sorry. I didn't mean to enter your apartment. It's just that..." napatigil sya at kinagat ang labi n'ya.

Gwapo sya.

Pero di ko type.

"I disobeyed my manager."

"And?"

"Lumabas ako this late night para bumili ng makakain or something. Medyo nagtagal ako dito sa labas at tumambay sa isang club para mag-inom sana... pero nakita ako ng fans ko. Hinabol nila ako hanggang sa hindi ko na alam ang gagawin ko at nakapasok ako dito sa bahay mo. It's also not locked kaya mabilis akong nakapasok."

Shining StarsWhere stories live. Discover now