Chapter 2

41 2 0
                                    

Ouch.

"Wake up, Tine." panggigising sa akin ni Kobe. What the hell. Hinampas pa n'ya ako ng unan!

"Shut up."

"Bangon na. Tanghali na oh. Mr. Sun's waving at you!"

"Can a sun move, Kob?"

"Do you know what figurative speech is?" he sarcastically asked. "It's 7 am, Ms. Justine. Tanghali na. Maghahanap ka pa ng trabaho at school dito."

"Limang minuto."

"Hindi ka bata."

I groaned. Talagang hindi sya aalis hanggat di ako bumabangon. "Fine. Move." Tuyan na akong bumangon. Ugh. Antok pa ako.

"Aalis na ako mamayang hapon. I'll go back to US. Dad needs me there."

"Finally."

"So rude of you, Jus."

"I know."

Hindi naman sa ayaw kong nandito si Kobe. Ayoko namang maging para akong bata dito na laging may nag-iintindi pa sa'kin. I can handle myself. Nakaya ko nga noon eh. Kakayanin ko rin ngayon.

Umalis na nang tuluyan si Kobe sa kwarto ko at sinara ang pinto. Dumiretso naman ako sa salamin sa banyo para tingnan ang sarili ko.

Eww.

I washed my face para magmukha akong tao ulit tapos kinuha ang towel ko para maligo. Nagulat ako sa sobrang lamig ng tubig kaya muntik na akong madulas. Ghad. Ang clumsy ko talaga.

Natapos akong maligo at nagbihis na ako ng pang-alis. White shirt and black pants. Sneakers, then a ball cap. Bumaba na ako sa kusina para magluto pero nakita kong may luto nang pagkain.

Sunog na itlog at hotdog. Buti na lang maayos-ayos 'yung fried rice.

"Kawawa magiging girlfriend mo, Kobe."

He sighed. "Matututo din ako. Pagtiisan mo muna 'yan."

Napatawa ako. Magaling si Kobe sa lahat ng bagay. Well, maliban na nga lang sa pagluluto. Natatandaan ko pa no'n nung elementary pa lang kami at project namin ang cooking. Halos umiyak na s'ya nang matalsikan s'ya ng mantika galing sa kawali. Na-overcome nya naman yung fear n'ya pero hanggang taga-tikim na lang talaga s'ya.

Gaya ng sinabi nya, pinagtiisan ko na lang yung niluto nya. Sayang din naman kung magluluto pa ako ng panibago.

"Anong oras ka nga pala aalis?" tanong ko. "Parang biglaan naman yata."

"I know. Mabilis na naprocess ni dad ang flight ko. Syempre, si dad pa ba?" sumimsim sya sa kape nya. "3 pm, aalis na ako."

"Baka hindi kita maabutan."

"Oo nga."

"Mamimiss kita. I mean it."

"Aww. Ako rin." napangiti s'ya.

Pinagpatuloy ko na ang pag kain ko hanggang sa matapos ako. S'ya na ang nagligpit ng kinainan since aalis na rin naman sya mamaya.

Tuluyan na akong umalis sa apartment at dumiretso sa paradahan ng tricycle. Ni recommend sa akin ni Kobe ang isang coffee shop na pwede ko daw pasukan. Sana lang. Matanggap ako.

"Kuya, sa Voxè po."

"Ah, yung coffee shop ba?"

"Opo."

Dinala ako nung tricycle driver sa tapat ng cafè. Nang makababa ako, binayaran ko agad sya at saka bumaba. Nakita ko ang labas ng cafè at napahanga naman ako. The environment is nice. Maganda yung pwesto ng coffee shop. Agaw pansin. Siguro malaki ang kita nito...

Shining StarsWhere stories live. Discover now