"Alam kong gwapo ako, pero please don't stare at me like that. I'm not comfortable." ngumisi s'ya. Binaling ko naman ang tingin ko sa iba.
"I'm not staring."
"Really?" nanunuya n'yang tanong. Binawi ko na 'yung kamay ko.
"Ewan ko sa'yo. Okay na 'ko. Thanks."
I hurriedly stood up then walked out para kunin ang gamit ko sa kwarto. I heard him chuckling before I walked out. Psh.
Kinuha ko ang backpack ko sa table ko saka humarap sa salamin. One last look. I don't know if I look pretty or something pero alam ko namang disente itong suot ko. Bumaba na rin ako sa living room at nakita ko si Ethan na nakaupo at may hawak na susi.
"Hatid na kita."
"May kotse ka?"
"Of course."
"I mean, 'yung dala mo?"
Huminga s'ya nang malalim at saka tumayo. "Pinadala sa'kin ni Manager ang kotse ko para makaalis daw ako dito."
"Hindi ba 'yan makikilala ng mga fans mo?"
"Syempre ibang kotse ang dala ko. I'm wise enough to think of my own ways, Justine."
"Whatever you say."
Lumakad na ako palabas ng bahay at sumunod naman s'ya. "Ihahatid na kita."
"Hindi n---"
"Whatever you say."
Wala nang mapapala ang pag palag ko dahil hinila na n'ya ako sa kotse n'ya. Pinagbuksan n'ya ako ng pinto sa kotse at sumakay naman ako sa shotgun seat. Medyo malapit lang naman ang cafe sa apartment ko kaya pwede din namang lakarin. Pero sa tingin ko, hindi na ako aabot kung maglalakad lang ako. Ethan's showing his gentleman side after all. Mas magandang sulitin ko na rin iyon.
"Let's gooooo!" mukha s'yang mas excited pa sa akin. He looks very happy when he drive, huh? Pinaandar na n'ya ang sasakyan.
"Para kang bata. You look like this is your first time riding and driving a car."
"Do I?" napangiti s'ya. "I'm always happy everytime I drive a car. Especially this one."
"Oh." iyon na lamang ang nasabi ko dahil kapag nagtanong pa ako, baka sabihin n'ya ang kulit ko na.
Hindi na kami umimik habang nasa byahe. It wasn't an awkward silence. Ayos lang. Mga 10 minutes lang siguro, nasa cafe na kami.
"Thanks."
Napakunot ang noo n'ya. "Anong 'thanks'? May bayad 'to 'no!"
Napakunot na rin ang noo ko. "Ano 'yon?"
Muntik na akong mapatalon sa gulat nang unti-unti s'yang lumapit sa akin at sinandal ang braso n'ya sa may bintana at napasandal naman ako sa upuan ko.
"H-Hoy! L-Lumayo ka n-nga!" pinanlakihan ko s'ya ng mata at hinawakan ang dibdib n'ya para itulak s'ya pero lalo lang s'yang lumalapit. Hinawakan pa n'ya ang kamay kong nakahawak sa dibdib n'ya.
Lumapit s'ya sa may tenga ko at saka bumulong. "I want something fun and exciting."
He chuckled. "You can pay me soon." saka s'ya humiwalay sa akin. Tulala pa rin ako pero natauhan ako bigla nang bigla n'ya akong hampasin sa balikat.
"Your face is so epic, Justine! Haha!"
I glared at him. "Ewan ko sa'yo. Bye." Tuluyan na akong lumabas sa kotse n'ya. Geez! Ramdam kong nag-iinit ang mukha ko. I'm probably as red as a tomato right now. Ano ba naman kasing naisip n'ya at ginawa n'ya 'yon?!
Pumasok na lang ako sa loob ng cafe at binati si Jesse.
"Good morning, Miss Justine!"
"Good morning din, Jesse." ngiti ko sa kanya.
"Ay! Oo nga pala Justine. Sabi ni sir, daan ka daw muna sa office n'ya. May ibibigay yata?"
Napanguso ako. Ano kaya iyon? "O sige. Thanks."
Pumunta naman ako kaagad sa office ni Sir Kael. Kumatok muna ako at saka binuksan ang pinto.
"Mom... Fine, fine..." narinig kong sabi n'ya sa kausap n'ya sa telepono. Sinenyasan naman n'ya ako na 'wait up.' Then I mouthed 'Take your time.'
"I'll call you later... Oo... Mom!... Bye." saka n'ya binaba.
"Pinapapunta nyo daw po ako dito?"
"Ah.. oo. I'll give you the uniform. Ayaw ko namang ipabigay na lang kay Jesse kasi busy din s'ya."
"Ahh..."
Binigay naman n'ya sa akin 'yung uniform na gagamitin ko dito sa cafe. It was cute. White long sleeves na may parang vest? Then skirt na above the knee.
I smiled at him. "Thanks, sir!"
Nginitian n'ya ako pabalik.
Umalis na ako sa office n'ya at dumiretso sa comfort room para magpalit. Lumabas ako agad para mag-trabaho.
I'll work as a cashier dito sa cafe. I hope I'll do well. I went straightly doon sa counter to proceed with work.
I sighed, "You can do this, Tine."
Dumagsa ang mga customer kahit umaga pa lang. That's nice. Kapagod nga lang nang slight. Wala kasi si Wilson, 'yung mismong nagtitimpla ng mga kape. He usually serves them, too. Wala s'yang kapalit dahil nasa ospital daw 'yung anak n'ya. Good thing, Sir Kael's a good boss.
"Hey, Tine." bati sa'kin ni Sir Kael. "Lunch?"
"Pa'no po ang cafe?"
"Hindi naman kayo sabay-sabay na mag-lu-lunch eh. It's okay." he flashed his killer smile at me.
"Eh sir, nakakahiya naman po."
His forehead creased. "Of course, not. Ako naman din ang nag-aya sa iyo. There's nothing wrong about that. And it's not like I'm years older than you."
Napalingon ako kay Jesse saglit at nakita kong naka-plaster sa bibig n'ya ang isang ngiting aso.
"S-Sige." I slightly smiled. Hindi ba parang ang awkward kung mag-lu-lunch ang boss at ang employee?
I shrugged my shoulders then took my vest off. Kahit naman iyon lang ang tanggalin ko eh maayos pa ring tingnan.
"Let's go?"
Haayy... Who can't fall in love with his bright smile?
Akala ko ay maglalakad lang kami dahil malapit lang naman 'yung kainan dito. We can eat in a fast food chain or somewhere. Dumiretso s'ya kung saan naka-park ang kotse n'ya.
"Hop in."
My forehead creased this time. "Saan tayo pupunta?"
"We're gonna eat."
"I know, but there's an eatery nearby. Where else will we go?"
"I want to treat you somewhere."
Nagtataka ako kung bakit s'ya masyadong friendly sa akin, kahit noong una pa lamang. I can't remember something about him in the past. Ang alam ko eh hindi pa naman kami nagkikita simula noon. This is really the first time.
Sumakay s'ya sa driver's seat at nag-seat belt. I stared at him. Sinubukan kong alalahanin kung nagkita na ba kami noon. Pero, hindi talaga eh...
"Is there something wrong?" his dimples showed up. "Oh, seatbelt mo."
Nabigla ako nang bigla s'yang lumapit sa'kin at hinila ang seatbelt ko.
I can do it myself...
He already fixed my seatbelt but he's still not sitting properly. Iyon ang nagpasibol ng kaba sa aking dibdib.
"T-Thanks." tumungo ako. He left me confused with his actions. Wala rin naman akong lakas ng loob para magtanong.
Unang una pa sa lahat, may karapatan ba 'ko?
-------------------------------------------------------
A/N: Sobrang sabaw. I know. Huhu.