"Yung totoo, bakla? Naghahanap ka ba talaga ng boylet o bestfriend na beki?" sabi ni Rea sabay balik sa akin ng papel na pina-print ko pa kahapon kahit tirik na tirik ang araw.
"Sabi naman sayo eh. Tibo 'yan, kasi naman" natatawa namang kumento ni Carlos na kasalukuyang nakikisabat sa usapan namin. Papansin -,-
Kami ay kasalukuyang nasa library hindi dahil may aircon doon (though, kasama na din pala 'yon) or mga ulirang mga nerds kung hindi dahil kami'y mga student assistant.
Oo! Tama kayo ng basa. Isa kaming mga hampaslupang mahihirap na social climber para mag-aral dito.
De, joke lang -,- Average lang naman. Mga dakilang umaasa sa scholarship and discounts. Mga street-wise kung baga?
"Anong magagawa ko? Ilang araw niyo na akong kinukulit mag-boyfriend. Ayan! Ayan ang solusyon ko!' sabi ko at hindi napigilang hampasin ang table. Sorry, na-carried away lang. Nasita tuloy -,-
"Tsk! Pero hindi 'to 'yung ibig kong sabihin. Ang childish mo" sabi pa ni Rea at inirapan ako. Epal talaga.
"Eh anong gusto mo? Walang nagkakamali kay Jian, kaya ayan!" sagot naman ni Carlos. Isa pa 'to eh. Nabatukan tuloy.
"Ano ba! Tsk, kasi naman. Okay naman sana kaso para namang napaka-imposible naman ng mga nilagay mo dito. O, tignan mo. 'Tong 1, lilingon kapag tinawag mong bakla? Like, seriously? Sinong matinong tao, o to be specific, sinong baklang nagpapakamacho ang a-aming bakla sila? Ha?" haba ng lines. Ikaw ba bida? Pampam -,-
"Hindi ka ba nanonood ng TV? May mga Pogay na kaya na mas gwapo pa sa straight na lalaki" dipensa ko naman. Hoo! Nakakapagod magsalita ha?
Sumuko na lang sa pagtalak si Rea dahil sa totoo lang, mas madami pa siyang linya sa bida kaya pinabayaan niya ako at ang papel na hawak ko.
-----
5 Signs to know if HE is the one:1. Lilingon siya kapag tinawag ko siyang bakla o kahit anong related doon
2. Ang pangalan niya ay kailangang pangbabae
3. Makikita ko siyang nakasuot ng floral na damit
4. May nunal siya sa likod ng tenga. Kailangan sa left ear ha?
5. Sasayaw siya ng KPOP sa harap ng madaming tao
-----
Natawa na lang ako sa kalokohan ko.
Actually, habang ginagawa ko 'to kagabi hindi ko mapigilang alugin ang ulo ko para naman tumino pero waepek pala eh. Wala palang maaalog -,-
Imposible ba talaga? Eh basta!
Pagkatapos ng duty (Oo! Duty talaga!) namin dito ay dali-dali naming pinapirmahan ang cards namin sa assistant librarian na mas masungit pa sa original at mabilis lumabas sa lugar na 'yon.
Napakamot na lang kami ng ulo at nirampa ng bongga ang corridor. Hoo! Keribels lang 'yan kahit parang kumapit na ang lahat ng alikabok ng mga libro sa mga mukha namin.
"Bruha, sigurado ka na ba talaga dito?" tanong ulit ni Rea. 'Yung totoo? Hindi pa pala kami tapos dito -,-
"Oo nga! Sample ba?' tanong ko sa kaniya.
Tinignan ko ang buong paligid. Mga babaeng nakaupo sa benches. Mga lalaking maglalaro ng basketball, mga babaeng malalandi na nanonood at ilang mga lalaking parang tanga sa harapan namin.
Hoo! Konti lang ang tao. Konti lang ang makakasaksi ng kahihiyan ko.
"Bakla!" sigaw ko pero walang kahit isa ang lumingon. Ernebeyen -,-
Tinawanan lang ako ng dalawa lalong-lalo na ng tinignan ako ng masama ng librarian na papasok palang siguro sa library.
Hoo! Wag susuko! Aja, hwaiting!
"Baks!" no response pa rin.
"Faggot?" patanong kong tanong pero wala pa rin talaga. Argghhh! Naiinis na ako. Isa na lang talaga, at bahala na!
"Gay!" sigaw ko na um-echo sa buong corridor. Natahimik 'yung dalawa.
Huminto ang mga lalaki sa unahan namin. Lumingon 'yung isa sa amin at tinuro 'yung sarili niya.
B-bakla siya? Talaga? Sayang. Dami na talagang Pogay ngayon -,-
P-pero....
L-lumingon siya?!
BINABASA MO ANG
5 Signs of Love(Short Story)
Short StoryRomance/ Teen Fiction/ Comedy 5 Signs to know if HE is the one 1. Lilingon siya kapag tinawag ko siyang bakla o kahit anong related doon 2. Ang pangalan niya ay kailangang pangbabae 3. Makikita ko siyang nakasuot ng floral na damit 4. May nunal siya...