Sign no. 5

19 1 0
                                    

5 Signs to know if HE is the one

Check! 1. Lilingon siya pag tinawag ko siyang bakla or anything related doon

Check! 2. His name ay kailangan pangbabae

Check! 3. Makikita ko siyang nakasuot ng floral na damit

Check! 4. May nunal siya sa likod ng tenga. Kailangan sa left ear ha?

5. Sasayaw siya ng KPOP sa harap ng madaming tao

Sigh..

Yung totoo? Nangyayari na ba talaga to? Tss -,-

"Sasayaw ng KPOP? Sino naman ang nasa matinong pag-iisip ang sasayaw niyan sa harap ng maraming tao?" unconsiously kong sabi sa sarili ko habang nilalakad ang corridor papuntang Student Council, nagpapahintay kasi si Rea.

Sigh..

Seriously? Nangyayari na ba talaga? Ang lupit ha?

"Ano ang iniisip mo!"

"Aahhhh!"

"OA mo!

"Okay" sabi ko at huminga ulit ng malalim. Ano ba 'yan! Nababaliw na ata ako.

"Ganon na lang 'yon? Hindi mo ko aawayin?" napatingin naman ako sa kaniya. Chinito pala siy- wait! I mean ano, ang weird niya pala.

"Bakit ganiyan ka makatingin? May crush ka sa akin no?" sabi niya at nginitian pa ako. La, may dimples pal-

"H-hoy! Wag kang makapal. Ang weird mo kasi. Bakit naman gusto mong magalit ako sayo?" sabi ko at binalik ang tingin ko sa harap. Tama na! Nababaliw lang ako paghumaharap sa kaniya.

"Wushu. Hoy! Ano 'yang hawak mo?" sabi niya at t-in-ry kunin ang papel na hawak ko.

"Wag kang makulit! Amin na 'yan!" sabi ko at t-in-ry kunin yun sa kaniya.

"Ano ba kasi 'to?" sabi niya at tinaas pa 'yon. Apaka!

"Amin na 'yan!" naghabulan kaming dalawa doon. Tsk! Pasaway talaga, nalihis pa ako ng daan. Hindi ko namanlayan na nasa locker room na pala kami.

"Wag ka na kasing makulit! Akin na 'yan" sabi ko at hindi pa sumusuko. Aba! Kahihiyan nanaman pagnabasa niya -,-

*blag*

Hindi naman masyadong malakas pero naramdaman kong tumama ang likod ko sa matigas na bagay. Malamang locker 'to.

"Ano ba kasi 'to?" sabi niya at kinorner ako. Nilagay niya yung isang braso niya pakulong sa akin at yung isa itinataas yubg papel.

"5 Wa-Ano ba! Akin na 'yan" sabi niya ng nakuha ko 'yung papel.

Dinilaan ko siya at nagtatakbo doon. Umabot kami doon sa locker room for athletes.

"Hoy!" sigaw niya habang hinahabol ako. At dahil mahaba ang legs niya (daya -,-) nakakahabol siya.

"Wag ka ng sumunod!" sagot ko sa kaniya pero waepek dahil hindi naman siya nakikinig.

*blag*

I was waiting na tumama ang ulo ko sa lupa pero sinalo ako ng isang

malambot na ewan. Nagulat na lang ako ng dinilat ko ang mata ko.

"O-okay ka lang?" sabi niya ng may halong pag-aalala ang boses.

*dug dug*

Dahil hindi ko mahanap ang dila ko, I just nod. Akala ko tatayo na siya pero mas lalong lumiit 'yung distansya sa pagutan namin. Palapit ng palapit ang mukha niya sa akin hanggang sa halos isang centimeter na lang ang pagitan namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

5 Signs of Love(Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon