"Seriously girl? Sign no. 1, CHECK! Sign no. 2, CHECK! Sign no. 3, isang malaking CHECK!" sabi nito at kinukurot-kurot pa ko.
"Bakit, ano bang nangyari kahapon?' singit ni Kaloy na hindi ko naman nahanap kahapon. Mas Dora ata sa akin 'to eh.
"Pakealam mo?" sagot ni Rea at inirapan si Kaloy/ Carlos. Tss -,- malalandi!
"Eh, san ka ba nagsususuot kahapon ah?"
"M-may kinausap lang ako" sabi nito at nag-iwas ng tingin. Parang nahihiya? Ano kaya 'yon?
After ng hindi ko maintindihan na kung anu-ano, nagmadali kaming tumakbo papunta sa building namin dahil actually, hindi namin namalayan na mag-ta-time na pala.
Kasalukuyan kaming nagdadaldalan magkaka-klase dahil bukod sa boring si ma'am, wala naman ata siyang pakealam kung nagdadaldalan kami.
"Uy, si Keith, nakatingin sayo" sabi ni Rea at hinampas nanaman ako ng mabibigat niyang kamay.
Natapos ang klase ng walang ginawa si Rea kung hindi hampasin ako. Namumula tuloy yung braso ko.
"Tignan mo 'yung ginawa mo! Epal ka talaga!" sigaw ko sa kaniya ng makalabas kami. Hay nako -,- Nakakainis talaga!
"Heh! Sige na, lumayas ka na! Alam ko namang sisipsip ka pa kay Ma'am Cynthia" sabi niya at tinulak ako.
So ayun nga, pumunta na ako papuntang library. Sa-sideline muna ako.
"Tapos 'yang mga libro diyan, kadadating lang niyan kagabi kaya i-encode mo na 'yan sa computer. Madami ka pang gagawin, bilisan mo na diyan" sabi ng librarian at inirapan ako bago lumarga. Pasalamat siya't naiintindihan ko ang kasungitan niya kung hindi, napektusan ko na 'to.
Nagsimula ako ng 1:30 at ngayong 3:40 palang ako matatapos. Sorry naman! Walang computer sa pinagmulan ko kaya mabagal akong mag-type -,-
Tutuloy ko na lang mamaya 'yung iba, break time muna (,--)/
"Anong ginagawa mo diyan?" sabi niya at ginulat pa ako. Pasaway talaga! Kamuntikan ko na tuloy maluwa ang aking precious carbonara (Sorry, may obsession talaga ako diyan -,-)
"Ano bang problema mo?" sabi ko at tinapunan siya ng masamang tingin. At aba?! Tinawanan lang ako? Tae -,-
"Wala. Uuuuyy!" sabi niya at tinusok ako sa tagiliran. Parang bata.
"Hoy, ikaw! Kala mo close tayo? Upakan kita eh" at ang loko, nag-pout pa (-/////-) Pampam
"Diba friends PA LANG tayo?" sabi niya at ngumiti ulit (-///-)
"H-hoy! Tigil-tigilan mo ko sa kalandian mo at baka maupakan pa kita!" sabi ko habang sumusubo. Arghh! Ano bang problema ng batang 'to?
"Hindi ako malandi. Good boy kaya ako" sabi naman niya at ngumiti pa na akala mong may halo siya.
"Talaga lang?"
"Oo nga! NGSB kaya ako" sabi niya at tumawa pa.
"Sa mukhang 'yan?" sabi ko sakaniya. Wait-Sinabi ko?!
"So inaamin mo na gwapo ako? Okay lang, maganda ka rin naman para sa akin eh"
"H-hoy! Ang landi mo!"
"Okay lang. At least sayo lang!" (-//////-)
"E-ewan ko sayo!"
So ayun nga! Ang daldal niya pero ang hindi ko maintindihan kung bakit sinasakyan ko 'yung trip niya.
"Weh?"
"Oo nga! Eto oh? Pano tayo magwo-work? Kailangan natin ng trust!" sabi niya at hinampas pa ang lamesa.
"H-hoy! Yan ka nanaman!"
4:30 p.m.
"Lalayas na ako. Daldal mo!" sabi ko at inayos na ang gamit ko.
"Uy, wait lang!" sabi niya at hinila ako paupo ulit.
"Akin na 'yang kamay ko" sabi ko pero mas lalo niya pang hinigpitan ang hawak sa kamay ko.
"Sabay na tayo!"
"Tsk! Okay. Tayo na! (Stand up)"
"You mean..tayo na? (We're couple na?) "
"Hindi tayo na (Stand up)! Tsk! Kung ayaw mo, wag mo!" pero bago pa man mangyari 'yon ay kinuha na niya yung bag ko.
"Hoy! Akin na 'yan! Wag kang epal" pero ang loko? Dinilaan pa ako! Aba't!
Naghabulan kami sa cafeteria na akala mong mag-jowa (-////-)
Pero sabi nga, sa haba man ng prusisyon sa sim... sa pingutan pa rin ang tuloy.
"Ah! Aray! Sorry na!" sabi niya habang hawak ko ang tenga niya.
"Kung sana nakinig ka kanina pa, eh di sana di mo ko nainis" sabi ko at tinignan siya ng masama.
"Wag ang tenga ko! Malupit pa naman 'yan!" sabi nito.
"At sa tingin mo maniniwala ako diyan?"
"Oo naman! Aray! Tanong mo pa sa mga kaibigan ko. Malupit 'yang-Ahhh! Aray! Malupit 'yang makarinig!" sabi niya habang dinidiinan ko pa ang pingot.
"Sa tingin mo talaga maniniwala ako sayo?" tanong ko sakaniya.
"Oo naman! May nunal kaya ako diyan"
Nu-nunal?! Hal- Wait right naman pala 'yon?
Hoo!
"Okay sige, yung kabila na lang" I was to grab it ng bigla ulit siyang nagsalita.
"Wag! Meron din akong nunal doon!"
BINABASA MO ANG
5 Signs of Love(Short Story)
Short StoryRomance/ Teen Fiction/ Comedy 5 Signs to know if HE is the one 1. Lilingon siya kapag tinawag ko siyang bakla o kahit anong related doon 2. Ang pangalan niya ay kailangang pangbabae 3. Makikita ko siyang nakasuot ng floral na damit 4. May nunal siya...