"Sayang talaga, girl! Gwapo pa naman talaga siya" sabi ni Rea habang hinihintay ang professor namin.
"Okay lang" sabi ko pero natutulala pa rin.
Like seriously? Ginawa ko ba talaga 'yon? Ako ba talaga 'yung gumawa noon? Si ako ba talaga ang gumawa no-Okay, epal na -,-
"Pero lumingon siya di ba? Ibig sabihin 'Siya Na'!" hindi pa rin humihinto sa pagtawa si Carlos kaya hindi ko alam kung paano niya nasabi 'yon. Kayo na ang mag-isip, genius naman kayo eh.
"Sige, itawa mo lang 'yan. Tutal diyan ka naman magaling eh" at 'yun! Natigil siya. Buti nga :P
"Pero seriously, beks. Bakit kaya siya lumingon no?" tanong niya sa akin. Tsk! Sa akin talaga tinanong no? Malamang sa malaman ko no? Upakan ko 'to eh.
Natigil na lang ang dalawa ng biglang dumating ang prof namin na hindi ko alam kung umahon lang ba sa lupa o ano. Hindi na lang mag-retire. Tanda na kaya -,- Tapos kung magalit napaka-bongga pa. Akala mong dinadaanan pa ng menstruation kung magsungit. Inis! At isa pa, ang dalas mag-over time! Hindi dahil sa sagana siya sa kaalaman na gusto niyang ituro sa amin kung hindi dahil sobrang bagal niya magsalita kaya't napipilitan siyang mag-extend para matapos ang lesson. Nakaka-imbyerba talaga!
So ayun nga, kasalukuyan kaming nagle-lesson. Habang dadad siya ng dada sa harapan ay walang nakikinig sa kaniya. Daldal dito, daldal doon, wala naman siyang pakealam. Tsk -,-
We are in the middle of our discussiong may kumatok na mga lalaki. Attention seeker -,- (k. Ako na mapanghusga. So what? Ako lang naman nakakaalam)
"Good afternoon, ma'am" sabi nila.
"Anong maganda sa hapon kung kayo ang makikita ko?" dapat nga sayo ko itanong 'yan ma'am -,-
"Pwede na po bang 'kayo'?" seriously? Upakan ko kayo eh.
"Sa tingin niyo ba madadaan niyo ko diyan? Hala, magsi-upo na nga kayo!" ? sinabi mo eh. Jirits -,-
Isa-isa silang nagsipasok. Medyo madami pala sila, mga 7? 8? Ewan. Sila 'yung mga lalaking maiingay kanina sa harapan namin.
Wait. Sila?!
At parang on cue biglang pumasok si kuya 'Gay' kasama ang mga alipores niya. Hala?! Kailan ko pa sila mga naging kaklase?
"Wait, wait mga ijo. Do you belong in this class?" biglang entrada ng professor namin. Tsk, yung totoo? Lumingon si kuya 'Gay'.
"Kaka-shift ko lang po" sagot niya.
Ni-gesture ni ma'am na pumunta siya sa harapan at ang uto-uto sumunod naman.
"Introduce yourself" natawa naman ako bigla. Jusko, elementarded lang ang peg? First day of class? Introduce yourself? Bano lang -,-
Pagkaharap ko sa harapan (Ano daw?) nakita kong napatingin yung iba sa akin including si kuya 'Gay' Sorry naman di ba? Retarded lang -,-
"I'm Keith Iane Toledo. K-E-I-T-H space I-A-N-E (Keith='ey' + K sa unahan. Iane=Ian) or Keith na lang. KEITH ha? Hindi GAY" sabi niya at tumingin sa akin.
H-hala? Keith ba? E kasalanan ko bang sounds like? Lumingon siya sa 'Gay' eh. Linis-linis din ng tenga pag may time. Erneber-,-
"Teka girl, Keith Iane? Pangbabaeng pangalan 'yun diba?"
BINABASA MO ANG
5 Signs of Love(Short Story)
Cerita PendekRomance/ Teen Fiction/ Comedy 5 Signs to know if HE is the one 1. Lilingon siya kapag tinawag ko siyang bakla o kahit anong related doon 2. Ang pangalan niya ay kailangang pangbabae 3. Makikita ko siyang nakasuot ng floral na damit 4. May nunal siya...